Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
mommy of two lovely girls
for sale preloved clothes baby girl
0-3months All in excellent condition mabilis naliitan ng LO ko. Most of it Carters ang brand padala ng mother ko for my baby girl kaso naliitan agad bibihira nagamit. No flaws Not faded 799 for take all
For sale newborn baby girl clothes
1month lang nagamit ng baby girl ko bilis kasi tumaba ?
Newborn Jaundice
Hello mommies my LO was born on September 8, 2019. Nadischarge kami sa ospital ng sept 10. Maulan ng mahigit 1week nung pagkauwi namin galing hospital di na paarawan si baby nun. She's turning 1month this october 8 normal po ba na until may pagkayellowish parin siya pati sa eyes?
baby finally out! ??
My 2nd princess Allison Caye born on September 8, 2019 9:48am in the morning weighing 3.1kg. So I wanna share my experience to you mommies here. Ako yung nagpost dati na kung ano ang magandang gawin pag close at makapal ang cervix at 38weeks and 5 days, I was so excited to meet my little one sovrang determined ako magexercise like walking, squats etc. And eating pineapples while drinking evening primrose oil. September 7 nagpunta kami hospital para sa checkup ko to see kung ilang cm nako so ayun pumunta na nga po kami inIE nila ako sabi 3cm pa daw kaya uwi muna ako kasi ilang days pa daw yun kaya umuwi muna kami. then on September 8 ng 5am nakaramdam nako ng sakit ng likod at tyan kala ko kabag lang kaya tinulog ko ulit then nagising ng 7am lalo ng sumasakit every 90 seconds and every position sumasakit parin talaga so I had to tell my hubby na punta na hospital kasi i think naglalabor nako pag dating namin hospital ayun inIE ulit ako I was in total shock to know 8cm nako kahit yung midwife na nagIE sakin sabi "diba kahapon naIE kita 3cm kalang kahapon bilis ah" tas isalang na daw ako delivery room nilagyan nako ng swero at pinahiga na yung midwife na nagpaanak sakin sabi o sige simulan mo na umire then after 3 pushes finally! baby's out ?❤ Thank God! at 39 weeks nakaraos din.
38 weeks and 6 days
The last days of pregnancy feels like years. No signs of labor yet for me but wanting this baby to come out now. September 15 is my EDD hoping before or exactly EDD she would come out now. ??
37 weeks and 6 days
May sumasakit sakin na for 2 days ngayong araw mga 3-4 sumasakit sa isang araw. Pero wala pang lumalabas na tubig or mucus plug should I go to my ob?
37 weeks and 5 days
Hello mommies just wanna ask kung normal lang ba na wala masyadong discharge at 37 weeks and 5 days? Bihira lang vaginal discharge ko and watery pa itsura. By the way this is my 2nd pregnancy with my 1st kasi madalas na discharge ko 36weeks palang dami na lumalabas but this is one is different kaya nagwoworry ako.
Toddler
Ako lang ba yung mommy na ganito situation. So i have a 2 year old toddler ako lahat nagtuturo ng mga words na paunti unti niyang nasasabi. Dahil na napaconsult ko siya na may speech delay ngayon may words na siyang unting natutunan like mommy and papa and etc. Sa mother in law ko natatawag niyang mommy tas husband ko natatawag niyang papa pero sakin wala siyang tawag? Sa loob loob ko nasasaktan ako at nagtatampo. Minsan naiiyak nalang po ako.
Cervix
Any tips po para bumukas na unti unti ang cervix? Malapit lapit na po ang due
Transverse lie position
Ganito po yung position ng baby ko base sa ultrasound result ko. May ibang mommies rin po ba dito na ganito ang postion ni baby? Any toutine or tips para lumipat ng pwesto si baby?