Worried to take medicine

Hi mommies im 6 weeks preggy to be exact since highblood ako as per my OB last check up ko is 140/100 ang bp ko niresetahan nya ko ng gamot para bumaba ang bp ko which is kailangan ko inumin 2x a day, nag do-doubt ako inumin dahil sa paniniwalang bawal uminom ng kahit na anong gamot, i need your advice

Worried to take medicine
30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

No offense sa Doctors here, but all synthetic drugs have Side effects & contraindications. Di lang nila nae explain, kasi recommended po yan ng mga Medical representatives... Kahit i check nyo po sa Book of Doctors yung PPD Phil pharmaceutical Directories jan anka sulat lahat ng mga gamot indications side effects... Etc. Pag pregnant po tayo lahat ng intake naten nagpupunta sa blood streams naten directly kay Baby through umbilical cord... Even stress kaya maipasa kay Baby... Kaya i strongly advice change lang po kayo lifestyle & foods

Magbasa pa

Nung preggy ako ganyan nireseta sakin ng ob ko. Una, 3 tablets a day lang. After 2weeks check up ko taas pa din bp ko. Naging 6 tablets a day. Tapos after 2weeks check up ulit taas pa din bp ko. Naging 9x a day na. Buti bago ako manganak umokey ang bp ko. Nung una medyo takot din ako uminom. Pero yung ob ko naman ang nagreseta kaya alam ko na safe. Okey naman ung baby ko. 6months na sya ngayon.

Magbasa pa
5y ago

Ako naman 140 dugo ko. Pero na normal ko. Bilis lang kasi lumabas ni baby.

Hi sis! Its safe po sa pregnant women. I have hypertension since my first baby. 160/100, na-ER pa ko pero same ang pinainom sakin then bedrest. Mas delikado po pag napabayaan ang hypertension kse nagccause sya ng miscarriage (happened to me sa second pregnancy ko) I'm praying for your safe pregnancy and delivery. God bless you.

Magbasa pa

Sis, mas nakaka takot kapag tumaas ang dugo mo. Pwede ka mag eclampsia. Wala naman effect kay baby yung gamot na yan. Kasi for preggy talaga yan. Mas nakaka takot hindi ma control blood pressure mo kasi madami complication sayo at kay baby. Hindi naman yan irereseta kung makakasama sayo at kay baby.

No To any drugs pag Preggy Sis! Pwede ka mag adjust sa lifestyle & foods More of green vegies ka po, less meat & Stress! More of water & nit to any powdered juices. If kaya mo mag Virgin coconut oil or Olive oil 1tbsp a day big help po yun & always Pray to God He's plan is always best for Us

Magbasa pa
5y ago

Thank you momshh 😘 pag preggy tlaga lahat kailangan alamin bago gawin o inumin esp para sa development ni baby, tagal din kasi namin inantay bago nasundan ang panganay ko 😊 kaya para akong bagong luma 😂 God Bless din sis

VIP Member

Safe naman po uminom ng gamot basta prescribed ni OB. Mas mahirap po if ndi iinumin kc mas delikado sa unyi ni baby. Pg HB lumalapot po ng konti ang dugo natatagalan ang blood circulation nababawasan supply ng oxygen kakapusin s hininga. Mahihirapan si heart mag pump ng mag pump.

safe naman yan. masama kasi pag mataas and uncontrolled ang bp pag nagbubuntis, lumiliit ang arteries sa umbilical cord ng baby kaya d makakakuha ng tamang nutrients. worst daw is biglang hihinto ang heartbeat nya. hanggang 8 tablets a day nga ang safe nyang gamot na yan.

VIP Member

Mas dangerous ang risk ng eclampsia. I am aslo taking that medication and luckily now on my 18th week. Your ob knows what she's doing.isa pa mahirap din naman kung di natin ibigay ang trust natin diba . Methyldopa is safe for pregnancy po

Ok lang yan mommy ako din ganyan from d start of may pregnancy umiinom ako nyan hanggang ngaun mag 8months na po ako still umiinom parin ako ng gamot pang high blood awa ng diyos ok nmn c baby sa loob ng tummy ko malikot at healthy sya

5y ago

Thank you mommy worried lang ako kasi sa 1st baby ko ok nman lahat 😊

Ganyan reseta sakin sis 140/80. Pero hindi ko rin iniinom kasi worried din ako. Pero siguro inumin ko na lang din kasi si ob naman nag reseta kesa mas tumaas pa dugo ko.