Buko juice bawal ba sa buntis?

Hi mommies! Ask ko lang po if bawal ba buko juice sa buntis? May nagsabi po kasi na nakakalaglag daw po yun ng baby lalo pag 1 to 2 months palang. Nahihirapan po kasi ako umihi nung august and ang last period ko po ay july. Every morning pinapainom po ako ng mom ko ng buko juice. But hindi po ako nakaranas ng kahit anong bleeding. Thank you po!

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi po. as a registered dietitian, wala naman po specific na bawal sa buntis. (unless may special condition po kayo) always remember po to have variety, balance and moderation in every food choices po natin. πŸ€—

VIP Member

Ako inadvise pa sa akin yung fresh buko juice nung preggy ako, mi, para iwas UTI daw. I guess, unless your OB specifically tell you na di ka pwede nun eh you can have even just a few glasses of it since healthy naman talaga sa katawan Ang fresh buko juice 😊

Sakin mamsh nainom din ako nyn nung buntis ako every morning pampawala UTI..ayun nawala nman sya .kaya kahit wala na ko UTI tuloy pa din sa inom pero in moderation na..basta fresh sya mamsh ha.. ingat lagi ❀

Maganda po inumin yan basta yung purong buko juice po wag yung timplado na kasi mataas sugar level nung mga timplado na πŸ€— yan pinaglihian ko purong buko juice spnrang sarap nyan lalo na pag malamig hehe

Since day 1 till now 34wks pregnant nag fresh buko juice po ako wala nman po effect ang alam ko mas nakakatulong ito to prevent uti. Wala nman po ata scientific basis yung masama buko juice sa buntis

hi po, sagotin ko lng tanong mo. Hindi po bawal ang buko juice, ksi noong buntis ako lagi ako umiinom ng buko juice. sabi ng OB. wla daw po problema basta di lng araw2x.

huh? bat ako? haha buko juice ako ng buko juice. mas maganda nga yan para iwas UTI kasi usually karamihan sa buntis is madali magka UTI

Okay lang po ang buko juice sa buntis preferably po yung fresh talaga and hindi yung premade na po

2y ago

thank u so much po momshie!! ❀️

Maganda nga ang buko juice sa buntis para makaiwas sa infection. Basta ung fresh hndi ung maraming asukal

check mo po ang app na to may mga food na bawal at pwde sa buntis,bagong panganak at nagpapasuso...