Jhoneleen Reyes Gagalac profile icon
PlatinumPlatinum

Jhoneleen Reyes Gagalac, Philippines

Contributor

About Jhoneleen Reyes Gagalac

Mamma ni Kobe.. ❤️

Posts(24)
Replies(782)
Articles(0)

39 weeks & 5 days

Meet our not so little Coconut.. ? Finally he is out.. ❤️ Name: Mattheo Francis EDD: May 08, 2020 DOB: May 06, 2020 Time: 2:21 pm Weight: 4.1 kg Length: 53 cm Share ko lang po story namin... FTM po.. ? Yung alam namin na weight ni bb ay 3.9 kg at kaya daw inormal sabi ni OB.. Sorry po medyo mahaba lang.. ? May 4 ng gabi nakakaramdam nako ng sakit sa balakang gang tyan.. pero di pa ganon kasakit kaya sabi ko parang wala lang.. ang ginawa ko ng squat ako, nag akyat panaog sa hagdan, nagtwerk at tumayo ng halos 3 hrs.. tapos natulog.. May 5 mga bandang 2am napa wiwi ako.. sumasakit ulit balakang ko gang tyan.. itinulog ko lang ulit..tapos 7am pumasok c hubby sa work, nagising na din ako at nagmuni muni sa bed habang pinapakiramdaman ung sakit sa balakang at tyan..binaliwala ko pa din kasi wala pa naman mucus discharge.. yun kasi inaantay ko para lang masabi na naglalabor nako.. ? Ang ginawa ko na lang, inorasan ko ung sakit kung every 20mins ba xa..habang nasakit at nagooras.. nagluto pa ko almusal tapos naglaba, naglinis ng room at inayos ko ulit mga dadalhin namin na gamit sa ospital..Habang ginagawa ko lahat ng yun napapatigil nako pag nasakit ang balakang ko at tyan..naisip ko na nga baka naglalabor nako.. pero tinuloy ko padin ginagawa ko.. mga bandang 5pm nagtxt nako sa o.b ko na may nararamdaman na ko na sakit sa balakang at tyan at sinabi ko din na 20mins ang interval ng sakit.. sabi nia if mag regular daw ng 10 mins ang sakit punta na ko hospital.. 6pm pagkaligo ko nagregular na nga ang sakit ng tyan at balakang ko every 10mins. mga 9pm ng gabi nagpadala nako sa hospital kasi nag 5mins interval bigla ang sakit.. pagdating sa ospital interview muna pero di pa ko nakita ng o.b doctor sa ER..mga bandang 11pm saka ako nakita ng o.b dr ng ER at ni IE ako 3cm daw.. May 6, bandang mga 12am dinala nako sa labor room at nag oonset na nga ang contractions ko ng 3-5mins interval, pinapatulog ako pero di ako makatulog dahil sa sakit..bandang 3am may binigay na pain reliever at ang side effect makakatulog daw..nagising ako 6am na.. IE ulit 7-8cm na daw.. bandang 10am dumating na OB dr. ko IE ulit 8-9cm na daw tapos naputok nia panubigan ko ng di sinasadya.. mga 1pm IE ulit ganun pa din 8-9cm.. di nababa c baby..sabi ni OB bigyan pa nia ko 30mins pababain c baby kung hindi CS nako..sad to say di talaga bumaba c baby.. after ko maglabor ng halos 14hrs, ending CS pala.. ?‍♀️? pero ok lang nasa isip ko mailabas lang c bb.. 2:21pm nailabas ko c bb at narining ko na iyak nia.. “thank you Lord” agad..at nakaraos na kami.. P.S saka lang namin nalaman na di talaga kakayanin inormal dahil sa laki ni BB..nung tinimbang na xa.. ?? Sa mga manganganak pa lang, on labor na or waiting na lang.. Laban lang mamsh.. kaya yan para kay BB.. ❤️

Read more
39 weeks & 5 days
 profile icon
Write a reply