Ex na kating-kati

Hello mommies! 37w preggers here, gusto ko lang marinig side nyo dto sa problema ko so here it goes Yung daddy ng pinagbubuntis ko po ngayon ay may una ng anak sa dati nyang girlfriend, tawagin na lang natin syang "PG" naghiwalay sila kasi niloko sya ni "PG" and currently may anak na uli si "PG" dun sa lalaking pinagpalit nya sa asawa ko. So ngayon po lagi po sila nag-uusap ng asawa ko which is naiintindihan ko nung una pero katagalan kasi nag-iba yung pakiramdam ko, then one day pinag-oorder ako ng food ng asawa ko sa phone nya biglang nag pop-up yung message ni "PG" and may iba silang pinag-uusapan, so ako nagdududa ako kasi all i know nag uusap lang sila about dun sa anak nila, to make the long story short nag uusap sila na parang tropa sila as in yung topic kahit ano na hindi naman related sa bata (ex. Nakakailang plates ka sa samgyup, san maganda magtake ng driving lessons so on & so forth) Nagdududa po ako lalo na kay "PG" kasi may ugali talaga sya na maharot, kasi nagtangka siyang lokohin yung current partner nya(yung lalaking pinagpalit nya sa asawa ko nung sila pa) sa 2 magkaiba pang lalaki na pamilyado rin (yes i have receipts kasi minessage nung 2 babae yung asawa ko at nagtatanong ng mga detalye about kay "PG") Dala lang ho ba ng pagbubuntis itong paranoia na nararamdaman ko? Malakas po kasi ang kutob ko na patago niyang sinisimpleng landi yung asawa ko, on the other hand inaassure naman ako ng asawa ko na hndi na nya mahal si "PG" I just want to hear your 2 cents on this matter mommies. Thank you!

Ex na kating-kati
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Your partner should STOP talking to "PG", except about their child. Ang topic lang nila dapat ay ang anak nila, wala nang iba. Financial / material support, visitation, anything that concerns the child. Period. Kausapin mo ang partner mo na dapat ganon lang. Kapag nag-bring up ng ibang topic or question si "PG", your partner should NOT respond at all. Lahat ng kalokohan pwedeng magsimula sa "casual" talk (topics that do not concern or involve their child). Kahit simpleng "kamusta ang araw mo?" hindi na dapat sinasagot ng partner mo. Confront mo partner mo, baka naman kasi napapasarap ang kwentuhan nila kahit hindi na dapat! Make him understand that this lack of healthy boundaries is making you very uncomfortable and that it has to stop NOW. Wala namang hindi nadadaan sa maayos na pag-uusap, mommy. If you find na maging defensive siya o magalit, ibang usapan na 'yan.

Magbasa pa
5y ago

Naku mommy, kabado ako sa mga reminiscing na 'yan 😓 Hindi na ako papayag sa ganyan, if I were in your shoes. It is expected of us as partners to be trustworthy, and part of that responsibility is NOT giving your partner ANY reason to become suspicious or to doubt the relationship. Please have a serious talk with your partner. Ayokong i-suggest na bawalan silang mag-usap pero kung ganyan na wala silang healthy boundaries, at may history ng pagiging maharot si "PG", parang kailangan talaga maghigpit sa interaction nila.