Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Brian's Favorite
Small Wonders Frogsuits For sale (Never used)
Hi momshies, baka po may gusto bumili ng frogsuits ng baby ko na hindi niya nagamit. Kadami po kasi niyang damit kaya hindi na napansin mga ito hanggang ma-realize namin na hindi na niya kasya 😭 Sayang po! Bilhin niyo na pls lol 😅 Brand: Small Wonders / Baby Starters Size: 0-3 months Condition: Can pass as Brand New (handwashed once but never used) Price: Take all for PHP600 Location: Pampanga Open to shipping: Yes, of course! Buyer shoulders shoulder shipping fee. Payment Method: BPI, GCash, Paymaya
Exercise - Mapapaaga po kaya panganganak ko?
Hi mga momsh! Gusto ko lang itanong kasi medyo worried ako. Almost 7months preggy here 😁 Naglalakad po kasi ako daily, mga 30-45minutes a day, 5-6 times a week. Wala lang, for exercise lang po, to stay healthy at hindi manasin. Saka sumasakit po kasi tuhod ko kapag walang lakad sa isang araw (I had a pretty active lifestyle before I got pregnant). Naglalaba rin po ako, although washing machine naman gamit ko, sa pagbabanlaw minsan uncomfortable ang feeling ko 'pag naiipit ang tiyan ko. Once a week lang naman po ako naglalaba. Wala naman po akong nararamdamang pain or paghilab ng tiyan, normal na pagod lang po. Okay din naman po pregnancy ko, very healthy, mataas ang placenta ko at wala akong bleeding or anything. Tanong ko lang kung hindi naman po kaya mapaaga ang labor/panganganak ko sa mga exercise ko?! Paano po malalaman kapag sobra ka na sa kilos?
Masakit ang singit @ 14 weeks
Hi mga mamsh! Tanong ko lang kung may nakaranas ng pagsakit / pagpitik pitik sa may singit. Actually may nakita pong dermoid cyst sa left ovary ko on my last ultrasound -- I'm not sure kung 'yun 'yung sumasakit ☹️
Anonymous Abuse
Shoutout lang po sa mga ang tatapang mang-away o mag-comment ng masama laban sa mga babies or other mommies dito pero posting anonymously. Nakakatawa po kayo! Mga duwag. Lol.
sakit tiyan ko
Hi mommies! Tanong ko lang sana.. i am 10w5d pregnant. Kapag po magpapalit ako ng pwesto sa paghiga, o babangon ako, para pong may pain akong nararamdaman sa tiyan ko (abdominal muscles, NOT puson). Sa mga nag-eexercise, alam niyo po 'yung sore feeling sa tiyan after mag-planking? Or sit ups? Ganon 'yung feeling. Normal po ba ito?
Apple Cider Vinegar
Hi mommies! Before I got pregnant, super religiously akong umiinom ng 1 tablespoon of apple cider vinegar daily kasi I found na nakakatulong siya sa digestion, constipation and blood sugar regulation. Nung nabuntis ako tinigil ko pati MX3 Coffee Mix (wala naman pong nagbawal, naisip ko lang i-stop kasi hindi ako sure kung safe sila inumin while pregnant. Kaya lang po ito nagkakaproblema na naman ako sa pagtunaw ng pagkain at sa constipation. Tanong ko lang po kung safe bang uminom ng apple cider vinegar ulit, although hindi naman po daily ang plano kong pag inom while pregnant. Salamuch po sa makakasagot with their experience, if any.
Is my (unborn) baby okay?!
Hi mommies! I am currently 8weeks and 4 days pregnant. Sa first trimester ultrasound ko medyo nakita na namin si baby (although napakaliit pa) at may heartbeat na siya ?. Tanong ko lang sana, papano ko po malalaman kung may problema sa pregnancy ko? I can't help wondering po kasi kung okay lang ba siya sa loob (since hindi ko pa naman ramdam ang movement niya, if any). I understand bleeding po can indicate problems. Ano pa po kaya ang signs o mga dapat kong bantayan sa stage na ito ng pregnancy ko? Salamuch po sorry kung naitanong na ito at hindi ko nabasa.
SSS MatBen Due Date October 2020
Good morning, mommies! Pasensya na po first pregnancy ko so not sure sa maraming bagay. Tanong ko lang po sana 'yung qualifying period ng SSS contributions ko kung October 2020 ang due date ko. Salamuch po sorry kung natanong na ito at 'di ko lang nabasa. Thank you and God bless!