Happy? birthday

Masakit yung mahuli mo yung asawa mo na niloloko ka tapos idedeny nya. Pero mas masakit yung sa bibig na mismo nya manggagaling na may gusto na syang iba, hindi na sya nagdeny. Actually nag uusap lang kami out of nowhere bigla nyang sinabi na may mahal na syang iba. Ang saya saya nga namin nag uusap nun kasi birthday ko eh ang daming tao sa bahay kumpleto pamilya ko. Hindi naman sila naglalandian at sure ako dun kasi may bf yung babae tsaka mabait sya sa akin lalo na sa anak ko dahil yung babae unang anak ng asawa ng ate ko. Na-fall lang talaga sya kasi maganda, sexy, mabait, matalino, babaeng babae tapos lagi silang magkasama sa office samantalang ako nanay na, mataba, losyang, para pang tomboy manamit. Palabas lang ng nararamdaman ko. ? Sa sobrang sakit, alam kong durog na durog ako ngayon pero parang manhid ako. Kailangan magpakatatag para sa anak ko. ?

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sabi nga, you'll never know how strong you are, until being strong is the only choice you’ve got. Masakit mang malaman na yung taong mahal mo ay may mahal ng iba, but atleast naging honest siya sayo. Kung nasasaktan ka ngayon, i-feel mo lang yung sakit, PERO momsh, wag kang magmukmok ng matagal, kailangan ka ng anak mo. Babangon ka uli. Siguro para mejo mawala ang sakit at di mo maramdaman, divert your attention, lagi kang humanap ng makakausap mo, maghanap ka ng paglilibangan at lalong mahalin mo nalang po yung sarili mo at yung baby mo. Life goes on, kahit ano pang mangyari. May ibang plano sayo si Lord. Pray ka momsh for guidance and healing. God bless you and your baby.

Magbasa pa
5y ago

Salamat po

Tama ka mommy. You need to be strong para sa anak mo.

5y ago

Salamat po

4years ago na pala to, kamusta kana ngayon mi?