13 Replies

Yep, dont tell anyone about it yet. Unless ikaw mismo ay decided na kung hihiwalayan mo o hindi. Magstay ka? Buo pamilya mo, pero dun ka ba masaya? Mag-Let Go? Mapapanatag ang loob mo na kahit magloko siya, wala na siya sa poder mo, pero dun ka ba masaya?... Pag nag-stay ka, kailangan mong magpatawad. Panahon lang ang makapagsasabi kung kailan mo maibabalik ang tiwalang nasira na. Madali lang "magsorry", pero besides don ano ang ginagawa niya para maassure ka, uli. Wag kang mag-focus dun sa babae, hindi siya importante. Feel free na iinterrogate si boyfriend sa lahat ng detalye na gusto mong malaman, pero, kung gusto mong may malaman, kumalma ka. Takot ang lalaki sa reaksyon natin, ang tendency nila bawasan lalo ang impormasyon, o mag-lie pa more kapag nakikita nilang nagagalit ka o umiiyak ka. Kumalma ka. Magdasal. Again, hindi magiging madali ang lahat, nasa sayo kung bibigyan mo pa ng isa pang chance at kung willing kang i-risk ang puso mo muli. Maging mas wais, maging mas handa. Ang motto ko, "dibaleng praning, wag lang tanga". Ako? Nagstay. Pero wala pa rin akong tiwala sa husband ko, minsan gusto ko ng makipag-hiwalay, minsan hindi. Yung sayo, pag-isipan mong maigi. Wag na wag kang magsstay ng dahil lang sa baby.

Totoo po na natatakot sya kapag nagagalit o nakikita nyang nasasaktan ako kaya mas nakakapag sinungaling sya pero pag nakikita nyang kalmado lang ako saka niya nasasabi yung mga dapat sabihin 😌 I forgave him nalang po because nakikita ko namang he's a changed man and it all happened in the past na. Simula nung nalaman naming magkakababy na kami di naman na kami nagkaproblema about side chics or what 😌 Forgive but do not forget hahaha thank you so much naliwanagan po ako 😊

hi, sorry to say pero in my own opinion paulit ulit pa kayong malalagay sa ganyan sitwasyon dahil masyado pa kayong bata, siguro 5percent lang ng lalaking nakabuntis at a very young age na kagaya nyo ang magseseryoso sa relationship. matutukso at matutukso pa yan sa iba dahil habang tumatagal mas lalawak pa ang community nya ang makakasalamuha nyang mga tao na bago sa pangingin nya specially pag nagwork na yan, in your case mag isip kang mabuti kasi dalawa lang naman yan pwede maging responsible na nga sya sayo at maging maayos kayo or sa simula lang sya maging responsible at mabuntis ka nanaman,so ang ending maiiwan ka na padami ng padami ang anak,kaya pag isipan mo ng mabuti, kailangan mo ng nanay sa ganyang sitwasyon. dahil sa date na sinabi mo na nagloko ang bf mo ibig sabihin pinagsasabay nya kayo ng ibang babae so hindi sya seryoso. wag kang magpakastress dahil kawawa ang baby mo lessons learn yan sa mga kagaya nyong bata pa na nalagay sa ganyang sitwasyon, magpakatatag ka alang alang sa anak mo at ayusin mo ang buhay mo para sa anak mo, sobrang saya maging mommy yon ang pagtuunan mo ng pansin at ang pagaaral mo. gl 😊

Kung inamin niya yung mga nagawa niyang kasalanan at humingi siya ng tawad, patawarin mo sis. Tapos obserbahan mo kung magbabago at paninindigan niya. Ang lalaki naman, once sinabi niya at bukal sa loob niya handa yan magbago for you. Ang kadalasan kasi sa lalaki mas lalo mong pinaghihigpitan mas lalong kumakawala. Sabi nga ng isang psychiatrist na nakausap ko, sa mga ganyang sitwasyong nagcheat sayo yung partner mo, much better kung mas papakitaan mo siya ng mabuti kasi sa ganong way mas marerealize niyang mali siya at makikita niya kung ano yung sasayangin niya sakaling piliin niya yung isa. Mas pakitaan mo siya na you are more than worth it kesa dun sa babae. Pakatatag at pray lang.

hi future mommy!kung inamin namn niya ang kasalanan niya why dont you try to forgive him (forget)kung kaya mo kalimutan kalimutn mo para ndi niyo na pg aawayn..ganun ang pg aasawa kung nangako sya ndi nia uulitin so be it..kung mahal mo ndi mo basta2 bibitawan patawarin mo means kalimutan mo lahat..nsa sayo un kung kaya mo future mommy..but...kung uulitin nia at mHuli mo its time for u siguro to give up..d puedeng makagawa nang mali nang 2x with the same mistake..goodluck mommy and godbless

VIP Member

Mahirap magpatawad Lalo nat may nakita ka. on my opinion kausapin mo na siguradong tatagos sa puso niya kung gusto niyang mabuo ang pamilya na gusto niya at makasama ang anak niya magbago siya. then ikaw just focus in your baby importante may anak ka na kung gumawa man siya ng ikakagulo ng pamilya niyo just let it go na then magwork ka para wala silang masabe. better to keep on praying si Lord ang bahala sa lahat. God Bless!

Ipadelete mo yung videos sa fone nya sis. Para d na rin nya makita ulit. Mafeel mo naman if sincere sya or not if he asks forgiveness. Medyo mahirap mag forgive it will be a long process pero hindi ka naman nya pinapabayaan while preggy ka. That would be enough for now. Wag mo lg istress sarili mo sis. Pray for both of you and for your baby. Malapit na lumabas si baby nyo e. Praying you'll get through this.😊

It's really part of us girls that we need to forgive even we dont hear any apologies from them. isipin natin na walamg perpekto. tayo man nagkakamali din hnd nga lang yung paraan ng pagkakamali nila. marami pa kayong kakaharapin in the future , iba iba lang nmn ang level ng temptation pero pare pareho lang yan. you pray for your relationship. Godbless.

Nakakadala at nakakalungkot talaga yan mommy.. Pero umamin naman siya sa kasalanan niya, patawarin mo nalang.. Everybody deserves a second chance, pero kung inulit nya pa yan dun kana magdecide kung pagpapatuloy niyo pa kasi once is enough.. Let’s just pray na sana magbago na siya. 😊 Wag kana mastress!!!

Right now I would concentrate on your baby and not stress about it, but if he says he’s changed you can give him a second chance. Personally I wouldn’t be able to tolerate a cheater though, pero personal preference yun.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-101341)

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles