maitim si baby
Mga momshie anyone here na maitim ng baby pwro wla nmn maitim s inyong magaasawa? Nahuhurt kc ko sa mga tao pah sinasabi nila maitim ng lo ko medyo nagtaka din kme kc di nmn kmw maitim ni hubby don't get me wrong I proud of my lo kasi pretty sya though maitim nahuhirt lng ako sa reaction ng mga tao and same time. Curious of what could be the reason bakit maitim sya? Tyia
Same with my panganay lumabas sya mamula mula so akala k maputi hehe, pero after 2-3 months lumabas angbtunay n kulay till now n 13 years old n aya morena sya. Ung pangalawa k now maputi naman 2 months plng. Wala naman ako naririnig noon na pang judge pero ako I insisted n mag research, found out n possible sa mga ancestors p ntn.. may nabasa ako foreign sila parehong maputi pero ang naging anak is itim, nalaman ng mother after checking s family tree nila n may great great grandparent sya n itim. And based s studies daw pwede pdn un makuha ng baby kaht gano n katagal n walang trait n lumalabas n ganun s family. Pero si panganay k nman most probably nakuha nya sa lola ko or ng husband k n morena 😄 and for those na judgemental hayaan lang nyn sila momsh… katulad sa panganay ko nga lumalaki ung anak k na nakikita ung mga namana nya s husband k and s side ng husband k which is talented sa music kaya d mapag kakailang dugo nila un haha 😆
Magbasa paHi momshie...1st don't mind yung mga nag cocoment nang ganun.I know nakaka hurt sa ting mga mommies lalo na yung anak natin ang sinasabihan but don't mind them..all babies are beautiful. Actually share ko lang na yung youngest ko is mukhang chinese..singkit talaga siya ,lalo na nung baby pa ..parang walang mata..super singkit pero kami nang husband ko and yung eldest ko ..malaki naman ang mata..sbi nila baka daw naipalit sa hospital..but I don't mind them.🙂2nd..actually sa province namin sabi os normal lang yan sa mga babies..sabi nang matatanda mawawala din yan pag na i poops na nila..kaya daw kac maitim ang bata yan yung mga nakain nila while nasa tummy natin sila.. Ganyan din kc yung sa panganay ko maputi siya nung pinanganak pero umiitim..but nawala din ..may mga green spots pa nga siya sa may legs and butts..pero nung lumalaki siya nawala naman..beforw mag 1 year old🙂
Magbasa pasa ngaun cguro mommy pumuti nlng po kyo ni hubby syempre depende kung sa work nyo nka aircon kyo for almost 10yrs. or ikaw syempre kaka lotion mo for 10yrs dba. kc d naman mggng maitim c baby kung wala maitim sa inyo .. pero sure po yan pg lumaki c baby balewala yang kulay na maitim. kc baka kung sa kinis naman ni baby eh parang diamante sa kinis. ung pinsan ko kc gnyan. maitim nung pnanganak pero mputi ang nanay at di naman kaitiman ang tatay. pero wag ka mamsh ang kinis nung bata 8yo na sya. alam mo yung kutis nya na d sya maputi pero pg tinitigan mo parang basa palagi ung balat? tsaka makinis tlaga. ok lng yan kahit di maputi c baby .. kahit ano pa man sya nung lumabas dapat mging proud ka di lang sa ganda nya gnun din dpat sa kutis nya. malay mo mala andrea brillantes ang kutis nya pg laki naku.
Magbasa paSame sa babies q. Ung panganay ang puti nung lumabas, tapos after few weeks maitim. Then simula 3 months pumuti n sya ng pumuti hanggang ngaun mas maputi pa sakin. Sa Spain sya pinanganak kaya kami lng ng nanay q nkapansin. 10 months n sya inuwi ng Pinas. Ngaun sa 2nd baby q same na naman. Dito s Pinas pinanganak kaya kung ano ano naririnig q galing pa sa in laws q: nognog negra. Samantala ung anak nila n asawa q ay moreno pero di naman kaitiman at sa inlaws q wala nman maputi. Kya possible talaga s asawa q ngmana. Nasasaktan aq sobra. Sinabi q nman n ganon din panganay namin kya magbabago pa. Ngaun almost 3 months n sya I prove them wrong kasi unti unti n pumuputi si baby. Npakajudgmental mga tao dito s Pinas. Kulay n lng ba basehan ng kagandahan ng tao?.
Magbasa paTama po kayo dyan . Napaka judgemental ng mga tao dito sa pinas kahit baby di nila pinapatawad sa pang huhusga nila . Kaya kami ni hubby we decided na wag ipost kahit anong picture ni baby sa social media paglabas niya . Meron po kasi siya cleft lip and palate . Ayoko siya majudge or pagtsismisan ng mga tao , hindi dahil sa kinahihiya ko siya gusto lang namin siya ilayo sa mga taong mapanghusga.
Same here. 1 month 4 days na baby ko and nagulat ung mga nakakakita sa baby ko na maitim daw. Kasi alam nila ung panganay kong babae na mag 3 yrs na ngayon nov 29 is maputi. Lumabas talaga ung panganay ko maputi hanggang ngayon maputi pdn naman negra nga lang minsan pag nasa probinsya. Pero bumabalik naman dte nyang kulay oag andito na sya sa marikina. And palaging nakukumpara ung bunso ko sa panganay na bakit ung panganay ko maputi ung bunso maitim. Dedma na lang ako sis. Hahaha iba din kasi ako sumagot pag ang usapan is mga anak ko na. Kaya ung iba mejo ilag na pagdting sa mga napapansin nila sa bunso ko. And tama ung ibang comments dito. Na magbabago pa yan. Kasi ung bunso ko. Mejo nagiging light na kulay nya.
Magbasa paInexplain ng ob ko yan. Nasa genes daw yan may possibility na maitim si Baby pero si mommy at daddy maputi pero sa ibang kamag anak nyo merong maitim like kapatid,lolo, lola or pinsan mo mga ganun. Di rin totoo yung lihi na pagkumain ka ng maitim e maitim baby mo. Try mo rin magtanong sa ob or pedia mo maeexplain nya yan sayo ng mas maayos. Saka baby pa uan sis pupusyaw pa yan ganyan ang anak ko. Nung niluwal ko napakaitim negro sya kala ko nagmana sa daddy nya pero lumipas ang ilang buwan 6mos na sya biglang puti nya inalagaan ko din kasi ng lotion kaya siguro nagsmooth at nagstretch balat nya kasi lumalaki sya.
Magbasa payung panganay ko po dati pag gabi maitim siya sobra pero pag umaga fair naman ang complexion niya. pero kung di magbago ang kutis niya meron po tayong tinatawag na recessive traits na baka namana ng anak mo yung recessive na katangian ng genes niyong mag asawa... malay mo po sa side ng asawa mo or sa side mo meron isa sa lahi niya ang kayumanggi or morena ang kulay.. pero kahit ano pa po yan basta healthy si baby deadma na sa sinasabi ng iba sa inyo naman ni mister mo nagmula si baby kaya tanggapin nalang po natin.. malay mo po.magbago pa yan paglaki. 😊 God bless po
Magbasa paHi sis kung hnd kau maiitim bka sa ibang kamag anak nui like ung lolo side ng papa ni baby may mga gnun po kc eh sa genes po yan. Like sakin baby ko medyo may pagkamorena pro ako maputi tlga ako kc mapuputi angkan namin c hubby nmn maputi pro ung tatay nya lolo ni baby ko maitim kya dun nya nkuha kulay ng anak ko. Kya nahahati kulay ng baby ko😊lge ko rin naririnig dto samin lalo na ung mama ko paulit ulit sinabi na maitim anak ko sobrang lau sa kulay namin pro hinayahaan ko nlng as long as healthy c baby. Bibong bata matangkad din nagmana sakin ang height.
Magbasa paNo need to worry mamsh. Yung eldest ko nung pinanganak pinkish sya pero nung mga 2-3months nag-darken kulay nya akala ko talaga nagmana sa daddy nya na moreno. Pero nung mga 5months until now maputi na sya. According sa research po, 1 year pa talaga lalabas yung totoong kutis ni baby... But for me, regardless kung ano skin color ng mga anak naten, as long as healthy and normal sila ay sobrang sapat na iyon at dapat nateng always ipagpasalamat. Huwag mo nlang pansinin yung mga negative criticism baka di lang sila mahal ng nanay nila.🤣
Magbasa pahi mamsh! congrats sa baby girl niyo! don't worry about her skin color! ang dami kong kakilala na couples na either pareho silang parents maputi o isa sa kanila maputi, tapos mamula-mula/maitim ang baby nila nung lumabas... pero after ilang months, pumuti ang baby nila. as in lahat ng kakilala ko, ganun naging simulang skin color ng newborn nila. 😊 Give it a few months! possible rin naman na namana ng baby ang recessive gene. anyhow, don't let others' opinions affect you. ang importante, safe at healthy ang baby. 😊
Magbasa pa