Advice
Hi mga momsh, need ko lang po sana ng advices. Im a first time mother with my 2 weeks old baby boy problema ko po kasi kapag umiiyak siya di ko po alam ang dahilan napadede, napalitan ng diaper at saka na burp ko naman po siya pero ayaw pa rin tumigil kakaiyak malayo po ako sa family ko at saka di ko naman po malapitan yung mama ng lip ko para magpatulong lalo na sa gabi kasi nakakahiya tapos madali kasi yun mainis at magalit pag nadidisturbo siya. Ano po kaya gawin ko? Natataranta kasi pag diko napapatigil kakaiyak ang baby ko. salamat po.
First time mom with a loving partner