Seeking for advise

Hi mga momsh, ask ko lang sana opinion nyo. Si hubby meron syang kachat na girl na kawork nya. Pero hindi naman sila nagpapalitan ng sweet conversation. In fact parang naging expression nila na palagi nagmumurahan every after exchange msgs. Minsan si hubby nagsasabi ng updates sa buhay nya/naman kay ate girl especially nung buntis pa ko. Minsan sinasabi nya kay ate girl na galit na galit na naman ako sa kanya...then lagi nya binubura yung convo nila everyday kahit wala namang mga sweet words. Nagtataka tuloy ako kung bakit kelangan nya burahin eh samantalang yubg ibang girl na kachat nya hindi naman nya binubura.. Minsan nagpapalitan din sila ng mga selfies... One time tinanong ko si hubby kung nagbubura ba sya ng chat/msgs, sabi nya hindi daw, kaya hindi ko na inusisa pa... Ano po kaya? Sa tingin nyo po may kelangan ako ipag alala? Sa palagay nyo nagchicheat si husband? Paadvise naman po please. Thank you.

36 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same situation dati sis. Nahuli ko din Lip ko na ka chat nya ka work mate nya tas lagi dinedelete convo niya after mag reply, Hindi alam ng lip ko na nakuha ko password nya kahit bagong gawa nya lang yun. pero kahit ang akala nya siya lang ang may alam ng Password nya Ay binubura nya padin ang convo. ang ginawa ko screen shot ko agad pag mag rereply yung girl at pag nag reply si Lip kasi nabubura agad eh. After nun Sumabat ako sa Convo nila Using Lip Fb 😂 Sabi ko Hi Asawa nya to pwedi ba wag kana mag chat sa asawa ko at layuan mo na din siya kasi Gago ito at mag kakaanak na kami 😂 Nagulat Lip ko tapos humingi nman ng pasensya si Girl. Kinausap ko si Lip na i block si girl sa Dating Fb nya at sa bagong fb nya which ginawa naman nya. Subrang iyak ko pa nun nung kinausap ko cya kasi buntis nga ako at masyadong Sensitive. Aba kinabukasan Nasira ang phone nya 😂 Kasi nung natulog cya sa pitchel na may tubig nya nailagay yung phone nya 😂 naka off kasi ang ilaw kaya nd nya napansin. Tawang tawa ako kinabukasan kasi Ang bilis ng karma 😁

Magbasa pa

hmm ako sis may kachatvako kawork ko nagbibiruan din namn kame, minsan may mga bad words pero expression lang un at madalas nagbibiro xa ng mga sweet words pero ganun lang talaga xa wala palixa mau asawat anak nayun, may isa din sis ako kawork may edad na at asawa pero palabiro din ng mga sweet words ung bang parang mga pafall pero pag alam ko na pag iba makakabasa at pwede magcreate ng ibang tingin sa msg ayy binubura ko pero AS in wala namn namamagitan or kahit ano samen , hinde nagpapalitan ng kung ano2 selfie at lalong hinde ako nagkukwento about personal thing sa kaworkmate ko kasi private thing namen ni hubby.. binubura ko di dahil may malixa talga kundi para hinde na magcreate ng gulo or selos na hirap ipaliwanag na wala namn malixa talaga, kasi madalas iba mag isip ang tao kahit hinde namn totoo, mababadtrip kalang . pero as much as possible ii ignore nalng at wag entertain..

Magbasa pa

Hi Momsh, dapat ang lalaki at babae, wala na kachat of exchanging selfies kapag kasal na. Minsan kailangan talaga ng kaibigan na mapapagsabihan mo ng problema or takbo ng isipan mo pero dapat maiwasan ang opposite sex. Kung wala man masamang intention si husband mo, you better talk to him na kailangan iwasan ang pakikipag deal sa opposite sex especially about personal problems kasi baka mahulog sya doon. Make sure, di ka magkukulang sa husband mo at sya din dapat sayo. Give and take talaga ang pag aasawa. We have to be so cautious kasi po malakas ang demonyo mag whisper sa henerasyon ngayon. Communicate kayo dapat ni Mr mo, Momshie. Kayo dapat mag bestfriend, nagkukwentuhan and all. Sa hirap at ginhawa ikanga.

Magbasa pa

Ngayon palang kausapin mo na husband mo, it's not a good sign sis. Mamaya pang front lang nila yang murahan na yan para isipin mong walang malisya. Ingat ingat. Daming malalanding nagkalat ngayon, nagpapanggap na kabarkada lang o one of the boys. Pwe. 🤣 Tsaka nagbubura sis. Mas lalo kang dapat magtaka kung bakit. Kung ako sayo, kausapin mo si hubby at gumawa ka na ng way para matigil yang pag ppm pa nila. Tsaka ka-trabaho na nga mag uusap pa sa chat? Nuyon? Namiss isa't-isa? 😏 Asawa ka so may karapatan kang umalma pag ayaw mo ng ginagawa nya or di kana comfortable. Sarap i-surprise visit ng asawa kapag may malalanding babaeng ka-trabaho eh. 🤣

Magbasa pa
VIP Member

Parang may something naman, kasi kung wala bakit magbubura. That's a form of cheating parin po kung ibe-based sa kwento nyo. Matagal na ba nya kilala yung babae o bago lang? For me, I won't tolerate this. Dahil sa "simpleng" ganito kung magkaibigan lang, hindi ganito ang scenario. May mga kaibigan din akong lalake, close kami, nagmumurahan at nagbabastusan pero sa group chat yung messages hindi yung kami-kami lang nakakaalam. Minsan lang din mag update, mag a-Imissyou-han kami pero hindi ganito ka private. Nakikita pa nang hubby ko palitan naming msgs sa grupo to think na napakaseloso niya pero kampante sya kasi ramdam nya magkakaibigan lang kami lahat.

Magbasa pa
4y ago

Ang taong walang maling ginagawa,walang dapat itago. Dapat transparent kayo sa isat isa.

Bago paman lumalim, sisirin mona kabang mababaw! Minsan mahirap magtiwala kauo parang kada end of conversation s meron silang "murahan?" I dont think if yin ngaba ang kanilang term to say "I LOVE YOU?" pero huwag ka muna magpanic siympre buntis kapa naman sis, maging alisto kalang, bawat galaw mahirap na, isa pa sis huwag ka masiyado pa obvious na duda mode ka, better na tipong wala kang alam at mala tanga ka sa paningin nila, alam moyun? Baka dun ka may matuklasan. Hiwag na huwag kang magagalit sakanya kasi alam mona may other girl diyan mahirap na humanap po siya ng comfort dun , hayaan monh sayo siya. Maging sweet kalang, ganito , ganyan .

Magbasa pa
VIP Member

Parang may something between them , opinion ko lang sis. Kung wala lang sa kanila yun siguro there's no way naman to remove their conversation at maging transparent sayo ang hubby mo. Magtaka kana kasi nga sabi mo nagpapalitan sila ng selfie for what reason diba at siya lang bukod tanging deleted ang convo. Bantayan mo po maigi ang hubby mo at maging mabusisi, mahirap na kapag tukso na ang umiral between them. Hindi naman masamang magtanong or i-confront sila basta in a professional way. Save your relationship as early as now dahil walang pinipili ang higad, may asawa man or wala.

Magbasa pa

The fact na hindi ikaw ang best friend niya ay di na maganda. Pero do not accuse naman agad agad, kausapin mo muna ng mahinahon. Sabihin mo ung napansin mo and na masakit yun sayo kasi ikaw ang wife and sana sayo sya maging open at hindi sa ibang babae. Ok lang siguro kung sa brad pero babae kasi yan eh tapos binubura nya pa kaya nagiging kahina-hinala na. Pag nagalit, defense mechanism nya yon dahil most probably guilty sya na may something nga though di pa naman romantic and wala pang acts of adultery. also, sex isn’t the only form of cheating

Magbasa pa
VIP Member

Mas maganda po siguro kausapin nyo ng mabuti si husband. Kung wala siyang tinatago wala din dapat burahin. Meron din kasing tinatawag na emotional cheating. Try nyo hanapin yung article about Maricar Reyes yung wife ni Richard Poon about emotional cheating. Mas maganda malinaw din kay husbang ang feelings nyo about sa ginagawa nya and malaman kung bakit nya ginagawa. Mas nakakaduda kasi pag may palhim na ginagawa not unless para sa isang magandang surprise for you kaya kailangan nya itago.

Magbasa pa

Sooner or later malalaman mo rin yan kung meron o wala, don’t be too panatag momsh, yung asawa ko nga sobrang tapat as in nag papasalamat pko sa Diyos dati na sobrang loyal nia as in, pero there was a time na ibebreak nila lahat ng trust mo. Hindi ko naman totally nahuli si hubby ko ganyang chat chat din pero ramdam ko talaga na nagkaron sila ng relasyon nung babae. Pero hindi ko na inusisa, mas naniniwala kasi ako sa kasabihan na wala sekreto di nabubhnyag.

Magbasa pa