Seeking for advise

Hi mga momsh, ask ko lang sana opinion nyo. Si hubby meron syang kachat na girl na kawork nya. Pero hindi naman sila nagpapalitan ng sweet conversation. In fact parang naging expression nila na palagi nagmumurahan every after exchange msgs. Minsan si hubby nagsasabi ng updates sa buhay nya/naman kay ate girl especially nung buntis pa ko. Minsan sinasabi nya kay ate girl na galit na galit na naman ako sa kanya...then lagi nya binubura yung convo nila everyday kahit wala namang mga sweet words. Nagtataka tuloy ako kung bakit kelangan nya burahin eh samantalang yubg ibang girl na kachat nya hindi naman nya binubura.. Minsan nagpapalitan din sila ng mga selfies... One time tinanong ko si hubby kung nagbubura ba sya ng chat/msgs, sabi nya hindi daw, kaya hindi ko na inusisa pa... Ano po kaya? Sa tingin nyo po may kelangan ako ipag alala? Sa palagay nyo nagchicheat si husband? Paadvise naman po please. Thank you.

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Parang may something between them , opinion ko lang sis. Kung wala lang sa kanila yun siguro there's no way naman to remove their conversation at maging transparent sayo ang hubby mo. Magtaka kana kasi nga sabi mo nagpapalitan sila ng selfie for what reason diba at siya lang bukod tanging deleted ang convo. Bantayan mo po maigi ang hubby mo at maging mabusisi, mahirap na kapag tukso na ang umiral between them. Hindi naman masamang magtanong or i-confront sila basta in a professional way. Save your relationship as early as now dahil walang pinipili ang higad, may asawa man or wala.

Magbasa pa