Seeking for advise

Hi mga momsh, ask ko lang sana opinion nyo. Si hubby meron syang kachat na girl na kawork nya. Pero hindi naman sila nagpapalitan ng sweet conversation. In fact parang naging expression nila na palagi nagmumurahan every after exchange msgs. Minsan si hubby nagsasabi ng updates sa buhay nya/naman kay ate girl especially nung buntis pa ko. Minsan sinasabi nya kay ate girl na galit na galit na naman ako sa kanya...then lagi nya binubura yung convo nila everyday kahit wala namang mga sweet words. Nagtataka tuloy ako kung bakit kelangan nya burahin eh samantalang yubg ibang girl na kachat nya hindi naman nya binubura.. Minsan nagpapalitan din sila ng mga selfies... One time tinanong ko si hubby kung nagbubura ba sya ng chat/msgs, sabi nya hindi daw, kaya hindi ko na inusisa pa... Ano po kaya? Sa tingin nyo po may kelangan ako ipag alala? Sa palagay nyo nagchicheat si husband? Paadvise naman po please. Thank you.

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same situation dati sis. Nahuli ko din Lip ko na ka chat nya ka work mate nya tas lagi dinedelete convo niya after mag reply, Hindi alam ng lip ko na nakuha ko password nya kahit bagong gawa nya lang yun. pero kahit ang akala nya siya lang ang may alam ng Password nya Ay binubura nya padin ang convo. ang ginawa ko screen shot ko agad pag mag rereply yung girl at pag nag reply si Lip kasi nabubura agad eh. After nun Sumabat ako sa Convo nila Using Lip Fb 😂 Sabi ko Hi Asawa nya to pwedi ba wag kana mag chat sa asawa ko at layuan mo na din siya kasi Gago ito at mag kakaanak na kami 😂 Nagulat Lip ko tapos humingi nman ng pasensya si Girl. Kinausap ko si Lip na i block si girl sa Dating Fb nya at sa bagong fb nya which ginawa naman nya. Subrang iyak ko pa nun nung kinausap ko cya kasi buntis nga ako at masyadong Sensitive. Aba kinabukasan Nasira ang phone nya 😂 Kasi nung natulog cya sa pitchel na may tubig nya nailagay yung phone nya 😂 naka off kasi ang ilaw kaya nd nya napansin. Tawang tawa ako kinabukasan kasi Ang bilis ng karma 😁

Magbasa pa