i feel so ugly

7months pregnat na po ako then nakita kong kachat ng boyfriend ko yung kasamahan nyang babae at denidelete nya din agad, tinanong nya ko bakit di ko sya pinapansin hanggang tinanong ko bakit nya dinelete conversation nila ng kasamahan nya sabe naman nya wala daw syang dinidelete di nya alam nabasa ko na bago nya dinelete. Ayaw pang umamin nagsisinungaling pa sakin pakiramdam ko tuloy ang pangit pangit ko na parang di pa ko sapat at kelangan nyang mag chat ng iba at magsinungaling sakin?

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa akin nga noon mas malala pa sis.. 2015 nung cnagot ko sya n cp.. Fb frn kumbaga..pare parehu kming hiwalay sa dating partnr May pmlya sya ako nmn may 1, ...2016 kmi ngmeet n mnla ksi sya mnla ako nmn bacolod Simula noon ngstay nku sa knya sa sarili nyang bhay..at yung nny nya sa amin na tumira ksi gusto nya sa amin pra dw may ksma ako hbng wala anak nya ksi militar..matured47now me 27 dba 20gap.. Hehehe..pru OK LG ksi d nmn ako namimili tlga kung mhl ko mmhlin ko.. Bagu pmn kmi ngmeet mkikita ko na sa mta nya plg o kilos. Lam ko babaero ksi sabihin mn ng mga nakakilala sa knya. Mabait nmn dw.. Lam ko mabait d LG mawala yung pgkababaero..nasabi ko nmn nun sa sarili ko babaero..ksi tinanggap ko prin sya kht mlkas ang feel mo na gnun sya. Kht nga malayo sya nararamdaman ko yung kilos nya. Galaw at kung anu pinagagawa..prang may ngpapahiwatg LG sa isip mo na. OH GANITO ANG GWA NYA.. ETC. ETC.. Kht sa isipan LG.. Peru iyun ay totoo.. Ngugulat nga sya kung bkit ko alam pinagagawa nya. Kpg nsa duty sya. O may lkd.. 😆Kht pngbabae nya bkt ko dw alam.. Tpus sinasabayan ko pa NG demo... Naiinis sya dhl alam na alam ko ang gawa nya..kht dw sa chat lm ko parin.. Sa totoo LG sis.. D na mabilang kung ilang beses ko syang nahuhuli.. Sa pgchachat. Pgsasama nya sa mga katropa nya lalo mgpnthn sa bar at hnp ng aliwang girl.. Tpus sinisave yung mga#ng mga pok2.. Kukuntakin kung gus2 mgaliwan... Sa sabihan ko LG sya na.. HALA ENJOY LG..WAG MOKO SISIHIN KPG NAYARI KA SA LBAS AT MALOKO KA NILA HA? KSI MLAY MO SA GINAGAWA MO MAPATROUBLE KA AT MAPAAWAY LALO SA MGA PRTNR DIN NG MGA GIRLS MO.. NASISIYAHAN KA SA GINAGAWA MO? BIRA MO LALO KSI DUMADGDAG KSALANAN NYU AT MGA KAGAYA MO.. Ayun sis tatahimik LG yun kpg sinasabihan ko.. Mnsan I message ko pa yung ibang grl NYA.KUMBGA simple word lg😆at d na sila ngrereply kpg minimessage cla ng prtnr ko.. Nakasanayan nya ksi ugali ko.. Mabait dw mhba dw psnsya kht dw inaasar ako at tinutukso d prn dw ako ngglit.. Sabi ko LG sa knya.. Mhba psnsya ko pero msma din nmn mglit kpg paubos na.. Now lm ko nmn na gnun sya babaero.. Pru Sabi nya Sakin thnku ksi kht dw gnun sya d ko sya iniwan..kht pmlya nya ngoathk u pa. Dhl yung mga kmg anak nya sa bulacan nkakausap na nila at nkikipgbiruan sa prtnr ko. Ksi suplado dw iyun.. Buhat nung pinakilala ako at NG pupunta kmi NG bulacan. Nakabonding na nla ang suplado kong prtnr.. Now may bby na kmi due ko n june4.. 😊Ayun masaya sya at pmlya nya..kya be strong LG sis... Phabain mo LG psnsya mo..may ganun tlga ugali NG tao. May Loko2 mnsan Nagbabago..atlis nkakasama at d iniwan... Nphba 2loy kwn2 ko😂.. Godbless sis... Hope maging okay kau NG prtnr mo.. ❤️😇

Magbasa pa

No ' you're not! Feeling mo lang yun. Ksma sa pregnancy journey yan. And yes, ksama nadin sa pagbubuntis ang hinala at selos dahil nga may mga changes saating sarili. Kaya nkakapag isip din tayo ng iba. Nabasa mo na ang conversation nila bago nya pa dinelete. Think it again. May mali ba sa palitan nila ng messages ? Or baka kaya nya dinelete para hndi ka magselos na may nkakausap syang iba ?! Much better talk to your partner nalang momsh. Daanin mo sa kwento. And pagtatanong. Para mag kwento din sya para makakuha ka ng idea. At doon mo po sya i confront. Kung wala nman something, ignore mo nalang. Hndi mkakatulong sa pag bubuntis. Huwag po pa stress. Hndi healthy sayo and kay baby. Dapat mas mahalin ka ni hubby ano man itsura mo ngaung buntis ka. Dahil nagdadala ka ng isang magandang bagay na mangyayari sa buhay nya at sa relationship nyo.

Magbasa pa

Don't divert your frustrations sa bf mo sa sarili mo kasi tendency niyan bababa talaga self esteem mo. Wala ka namang ginagawang mali and siya tong naglilihim sa'yo. Try to investigate more and hanap ka ample evidednce para next time wala na siya madadahilan sa'yo. You need not question your self especially yung ganda mo just because hindi makuntento yung guy. Know your worth and if di niya pinapahalagahan yon then I think time to contemplate na if you really want to spend your life with him.

Magbasa pa

Nakakapikon talaga mga ganyang tao. Hindi ka naman pangit e, pangit lang yong mga ganong toxic na tao. Huli na nga todo deny pa. Bat magsisinungaling kung walang tinatago. Bat idedelete kung wala naman talaga. Ibig sabihin lang non, ayaw niyang malaman mo kaya delete agad. Hindi excuse yong denilete kasi ganyan magiging reaction mo. No, natural magseselos ka. Sana naging honest nalang siya kung di naman importante diba. Kasi nakakagago yong ganon. Once na tiwala ang masira, mahirap ng ibalik.

Magbasa pa

Ganyan na ganyan din sakin momsh. Haha although di naman landian pero habang nawiwitness ko thru ipad na binubura yung convo, kinukunan ko agad ng pictures. Para just in case walang tanggi. Harmless naman pero tayong mga buntis medyo insecure at alam natin kung may ibang motibo si girl. Tinanong ko si hubby, nag explain sya at tinanggap ko. He already fired the girl kasi talagang marami absences.

Magbasa pa

Ganyan din sakin ngayon yung ex ko kahit mag dadalawang buwan na kaming hiwalay kapag gusto niyang pag usapan ang tungkol samin dinedeny niya pa din at nagsisinungaling siya tungkol sa babae. Gusto niya rin kasi makipagbalikan na parang hindi kami naghiwalay at maging okay kami na parang wala siyang kasalanan sakin at parang walang nangyari.

Magbasa pa

Diskarte yan ng lalaki. Tapos kapag di mo napatunayan na nakita mo, sila pa magagalit sayo. Guilty. Haha. Pero momshie, hayaan mo na lang siya. Mabuti pang sabihin mo, kung anong stress ang ipaparanas mo sakin habang buntis, ganun din mararamdaman ni baby. Kaya kahit wag na lang ako ang isipin mo, kahit si baby na lang.

Magbasa pa

Nako wag mo kausapin hanggat di pinapakita sayo conversation. Ipa screenshot niya dun sa babae, bahala siyang mapahiya dun sa babae kung pano niya hihingin. Di naman magdedelete kung walang meaning di ba? Nahuli na e, ayaw pa umamin. Kung di niya papakita e, wag niya na din makita anak niya sayo. Bwiset mga ganyan.

Magbasa pa

Gumamit ka NG notisave na Apps..dun mo mkikita Ang msg NG babae . Although dmo mkikita response NG bf mo .pero mkikita mo sinasabi NG babae ... Ganyan din Asawa ko Jan ko nhuhuli . Di sila aamin hanggang Walang evidence. NOTISAVE !! Ilagay mo sa cp nya NG patago . Lagyan mo password na ikaw Lang nkakaalam .

Magbasa pa
4y ago

Hahaha susubukan ko to. Kaso sayang sana noon ko pa nalaman tong app na to. Burado na kasi lahat nung naghiwalay yung asawa ko saka ex nya eh haha. Eh chismosa ako hahaha gusto ko malaman yung exact wordings na convo nila 🤣🤣🤣

Kung ayaw nyang aminin, hayaan mo na mommy. Sa sitwasyon mo ngayon, numero unong dapat iwasan ang stress. Wag mong isiping "ugly" ka kasi lahat tayo may angking "ganda" bonus pa at may kakayahan tayong manganak, hehe.. Ignore mo lang, wait 'kamo pag nakapanganak ka na, haha