Seeking for advise

Hi mga momsh, ask ko lang sana opinion nyo. Si hubby meron syang kachat na girl na kawork nya. Pero hindi naman sila nagpapalitan ng sweet conversation. In fact parang naging expression nila na palagi nagmumurahan every after exchange msgs. Minsan si hubby nagsasabi ng updates sa buhay nya/naman kay ate girl especially nung buntis pa ko. Minsan sinasabi nya kay ate girl na galit na galit na naman ako sa kanya...then lagi nya binubura yung convo nila everyday kahit wala namang mga sweet words. Nagtataka tuloy ako kung bakit kelangan nya burahin eh samantalang yubg ibang girl na kachat nya hindi naman nya binubura.. Minsan nagpapalitan din sila ng mga selfies... One time tinanong ko si hubby kung nagbubura ba sya ng chat/msgs, sabi nya hindi daw, kaya hindi ko na inusisa pa... Ano po kaya? Sa tingin nyo po may kelangan ako ipag alala? Sa palagay nyo nagchicheat si husband? Paadvise naman po please. Thank you.

36 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Parang may something naman, kasi kung wala bakit magbubura. That's a form of cheating parin po kung ibe-based sa kwento nyo. Matagal na ba nya kilala yung babae o bago lang? For me, I won't tolerate this. Dahil sa "simpleng" ganito kung magkaibigan lang, hindi ganito ang scenario. May mga kaibigan din akong lalake, close kami, nagmumurahan at nagbabastusan pero sa group chat yung messages hindi yung kami-kami lang nakakaalam. Minsan lang din mag update, mag a-Imissyou-han kami pero hindi ganito ka private. Nakikita pa nang hubby ko palitan naming msgs sa grupo to think na napakaseloso niya pero kampante sya kasi ramdam nya magkakaibigan lang kami lahat.

Magbasa pa
4y ago

Ang taong walang maling ginagawa,walang dapat itago. Dapat transparent kayo sa isat isa.