hirap huminga

Mga mommy sino sa inyo nakaranas na parang hinahabol ung hininga parang kulang ung hangin na nalalanghap mo 7month preggy at hirap huminga..

82 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same, pagdating palang ng 6months hirap na akong huminga pero mas mahirap ngayong mas malaki na ang tiyan ko 8months na ako ngayon kaya mas mahirap nang huminga. Pero nakakatuwa pa din kasi alam mong active si baby sa tiyan mo. Nakakatanggal ng stress kapag nakikita mo yong tiyan mo na gumagalaw na parang pudding na malambot hahahahahahaha

Magbasa pa

Me too. 6months preggy here. May gabi po na nahihirapan ako huminga kaya lagi nakaelevate ang pwesto ko sa bed. Tas napansin ko na sa twing nagpapahinga lang si baby ko sa loob saka ko naramdaman kung kapos sa hininga pero pag gising siya gumagaan ang feeling ko πŸ’•πŸ’•

Same pag nakahiga sa Gabi pag matutulog na.. parang nasu suffocate n pkiramdam ko Kaya minsan paupo n ko matulog or kaya dmit ska panty lng suot.. wla ng bra kc feeling ko dindaganan dbdb ko khit 2hrs mahigit n ko nung huling kumain.

VIP Member

Ganyan din ako lalo na pag bagong kain tsaka pag humiga ng flat. Naiipit kasi ung diaphragm natin ng lumalaking tiyan tsaka humihinga na daw tayo para sa 2 tao dahil may baby na na nagdedemand ng oxygen.

VIP Member

Me! Huhu. Parang kulang sa oxygen. Pag ganun na nahihirapan ako huminga, tinatanggal ko bra ko tas naka steady na sakin yung electricfan, then inhale exhale till bumalik yung normal breathing ko. 😁

Opo haha, first time mommy here. 8 mos preggyβœ‹ but it's normal lang daw kasi our baby is adding pressure to our lower body. Even sa lungs at bladder natin. Tiis lang mommy. πŸ˜‡

VIP Member

High back rest ka lang muna momsh, ganyan din ako madalas. Yung lungs kasi natin napupush upward ng uterus natin kaya nahihirapan tayo minsan huminga.

same here... normal lang un dahil lumalaki si baby, need more space sa loob ng tummy, kaya ung ibang mga organs natin sa loob ng aadjust

Yes mamsh kasi pabigat ng pabigat na ang tiyan hinihingal 😀 lalo pag nag lakad ng kunti madali ma stress around 7/8 months

heartburn po. yan mga mamsh.nung buntis po ako ganyan.nireseta ni ob ko gaviscon liquid ung s stick. effective po skn