Subchorionic hemorrhage

Hello mga mommy, sino dito may same case ng subchorionic hematoma or internal bleeding? Aside sa nireseta sainyong pampakapit meron din ba kayong ibang iniinom like herbal medicine alternative sa gamot? Mejo pricey kase and super daming gamot na iniinom. TIA mga mommies 😊

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommies! Oo, may karanasan ako sa subchorionic hemorrhage o subchorionic hematoma. Sa kaso ko, pinapayuhan ako ng aking doktor na magpahinga nang marami at iwasan ang mabigat na gawain. Bukod dito, iniinom ko rin ang aking prescribed medication para sa pampakapit at iniwasan ko ang mga pagkain na maaring makaapekto sa kondisyon ko. Para sa mga herbal medicine, ako ay nag-try ng pampakapit na gawa sa malunggay at pinya. Ang malunggay ay kilalang pampakapit at mabuti rin ito para sa kalusugan ng ina at sanggol. Subukan niyo ring mag-consult sa inyong doktor kung ito ay safe para sa inyong kaso. Mahirap talaga ang magastos na gamot, pero importante na sundin natin ang payo ng ating doktor para sa kaligtasan ng ating anak. Kapag mayroon tayong mga katanungan, huwag tayong mahiya na magtanong sa ating doktor para sa mas detalyadong impormasyon. Sana'y makatulong itong mga payo ko sa inyo. Good luck sa ating lahat! 😊 https://invl.io/cll6sh7

Magbasa pa

wala pong alternative na herbal medicine na katumbas ng pampakapit. synthetic progesterone ang content ng pampakapit na nakakatulong po sa pagbubuntis. kahit pricey po sya kailangan pa din syang itake at inumin para sa safety ni baby. sundin mo po ang payo ng ob mo para maging successful po pregnancy nyo. mawawala din naman po ang SCH basta inumin ang gamot at magbedrest. ang PERA po kikitain din naman po natin yan, wag po kayong manghinayang sa gagastusin nyo kasi para din yan kay baby. before ako magbuntis naka duphaston din ako every month at hanggang sa nabuntis na ako, early weeks ng pregnancy ko naka duphaston pa din ako. totoo namang mahal sya, pero di ko na inisip ang gastos kasi gusto kong magkaanak. 2 beses na ko nakunan kaya kahit anong gamot pa yan sinusunod at binibili ko talaga basta ayoko lang mawalan ng baby ulit.

Magbasa pa

nagka subchorionic hemorrhage din po ako nung 7 weeks pa lng po ako yung nireseta lng ob ko na pampakapit ang tanging iniinom ko that time saka bedrest lng po talaga 2 weeks inom pampakapit at bedrest sundin ang payo ni ob awa ng diyos nawala naman po after 2 weeks kahit mahal po ang gamot kailangan po talaga para sa kaligtasan ni baby.. 8 months preggy ako now 😊

Magbasa pa
VIP Member

Ako mommy nagstick lang ako sa gamot na binigay sakin ng OB ko tas iniinum ko sya on time tas pahinga lang lagi wag muna magkilos kilos, wag magbuhat ng mabibigat at wag magpapastress. Tapos kain ka ng mga masustansyang pagkain gulay at prutas na pwede sa buntis. Ngayon wala na ako subchorionic hemorrhage

Magbasa pa

Kung anong reseta mommy, ayun itake mo. Huwag kang mag take ng kung anuano para narin sa safety ng baby mo, ganyan case ko nun.. bumili talaga kami kahit mahal. Pampakapit yan, need mong pakapitin si baby, maselan pa yan. Huwag ka munang mag take risks sa ibang products or gamot.

VIP Member

Kung ano lang po nireseta ng OB ko, yun lang po tinake ko. Complete bed rest. Layo ka sa mga nagpapastress sayo. Trust God's sovereignty. He is in control

bed rest at resita ng doctor ang mas mainam na gawin kung meron kang subchorionic hemorrhage. same sa case ko mommy.

TapFluencer

nawawala naman po yun on its own basta magtake lang ng progesterone, mag bed rest and refrain from sexual contact

hello mi. ang nireseta sakin is pampakapit, aspirin and complete bedrest. plus mga vitamins for me and baby.

VIP Member

Wala. Kung ano yunv nireseta yun dapat ang itake