Subchorionic hemorrhage
Hello po. Sino po dito nakaranas ng vaginal bleeding dahil merong subchorionic hemorrhage? Complete bed rest po kase ako ngayon. Tapos niresetahan ng mga gamot na pampakapit. Sa mga same case ko po, naging okay din po ba kayo ni baby? 8 weeks pregnant po.
Same here. I had SCH on my 7th week. Super kinabahan and natakot din ako nun. Ultrasound lang sana un to check if may heartbeat na si baby pero may SCH din na nakita. Sinabi ko agad sa OB ko soon as I got the result from my sono and she advised me na mag full bed rest muna for 2weeks, as in di talaga kumikilos sa bahay. Si hubby lahat ng chores. Tatayo lang ako pag need mag-cr and kakain. Pinag-take din ako ni OB ng Duphaston for 2weeks, 3x a day, and thank God! Pagkabalik namin after 3weeks, nawala na ung SCH ko and okay naman si baby :) and now, 36weeks and 3days na kami :) Almost near the finish line na! 🤗sundin mo lang din po ung iaadvise sayo ng OB mo and kausapin mo lang din po si baby :) I'm always praying din po every night para sa safety naming mag-ina all throughout ng pregnancy ko. Stay safe mii! :)
Magbasa paako po simula 4weeks my spotting na ako hangang sa pagka 9weeks bumuhos na ang dugo na napaka rami my buo buo pa simula nagka spotting ako nagpa check up na ako at umiinom ako pampakapit kaya di na tangay si baby ko nang dugo hangang sa nag bedrest ako nang halos 4months sabay umiinom nang pampakapit tatlo ang pampa kapit ko kahit mahal kinaya namin ma buhay lang baby namin hangang sa 13weeks na hospital ako kasi nag lelebor ako yun pala mataas UTI ko nag antibiotic ako pero ok na now hangang sa 5months na si baby now naging ok na nang hilom na ang subchorionic ko ang problema lang now ma baba ang inunan nya kaka pa ultrasund ko lang kasi ahay gamot na naman pampa taas mang inunan pero ok baby ko ang likot likot na nya 💞😊👼
Magbasa paaq po may subchorionic hemorrhage po aq..need lng po na wag gagawa ng mabibigat ..at always nakataas ang paa..uminom din po aq ng duphaston at duvadilan hangang mag 7months po aq..sa awa nmn ng diyos ay ok si baby at nailabas ko sya nung jan.18 2023 at normal delivery pa😅 4'9 height ko tas weight nmn nya 2.95kilo😁 bsta sundin mo lng advice ni OB mo ..at dapat wag ka papa stress at think positive lng 😊
Magbasa pasa case sa 1st baby ko, subchorionic hemorrhage ako pero no spotting. duphaston ako 3x a day for almost 3months. nawala naman sakin. just follow what your OB says to you. if bedrest, bedrest dapat, if need ng leave from work, then do it. if sinabi na no sex muna ,then wag makipagDo.. always think of positive thoughts, continue your vitamins, eat healthy at pray..
Magbasa panaging okay naman po, 6weeks first utz ko nakita na may subchorionic hem. niresetahan ako ng duphaston. sinunod ko lang un gamot at vitamins. 2nd utz wala na yung subchorionic hem. pero dpnde ata gano kadami un bleeding sa loob ung akin kasi maliit lang kaya nawala agad. ingat ka nlng din po at wag magpastress magiging okay din po kayo ni baby. eat healthy at enough sleep po.
Magbasa paanu po ung name ng pampakapit..skin kc same case... 3x a day dydrogesteron at isoxsuprine 3x a day din..cnu po sme dto ng gmot. okay po b ung isuxsuprine in early pregnancy plng kc from 6-9weeks ko pinaiinom skin . nbsa ko kc pang 3rd trimester anti prelabor un. oky po b un sa my subchrionic hemorrage kc nbsa ko pang increase un ng bloodflow bwal sa my recent bleeding
Magbasa paI have isoxsuprine mi pero if needed lang. Pag nasakit lang ang puson ko ng sobra pamparelax ng matres.
9 weeks ako nun nung nag ka minimal subchorionic hemorrhage internal kasi wala ako spotting nun sa loob pla meron dw niresetahan ako ng duphaston for 2 weeks pero pang 1 week na gamot lng binili ko dahil sobrang mahal tas nag bed rest nlngg ako pagkabalik ko kay ob okay na wala na bleeding sa loob
Hi monsh ako po, 14dayz ung advise ng ob ko, since deped teacher ako need ko talaga magrest hirap magdeal ng learners kapag ganun ang situation ko pero di po ako nagleave nagwork parin ako di lang ako masyadong nagpagod. Nakasurvive naman po ako.. Since 4weeks tapos 12 weeks nung nawala ang bleeding ko
Magbasa paInom lang ng panpakapit momsh
Ako po 4 weeks to 8 weeks nag take ng pampakapit. nagbedrest din ako during that days kasi masama din palagi pakiramdam ko nyan gsto ko laging tulog. tapos sunod na check up okay na. karamihan naman po ganyan. Iwas pagod nalang mi at buhat ng mabibigat. maselan pa kasi yan. mabilis malaglag
Also me, same tayo 8 weeks nung nag bleeding ako and yun pagka trans V sakin may subchorionic hemorrhage 2 times pa bumalik. Complete bedrest then binigyan ako pampakapit and suppository. Iwas ka din muna sa stress. I have a healthy 3 month old girl na. 😊
Our rainbow baby ❤️