Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
✨
belly button ni baby
mga mommies kailan natuyo completely ang pusod ni baby nyo? 7 days si baby tanggal na ang stump. yung pinaka pusod di pa sya tuyo 1 month na si baby. already consulted sa pedia nya, yung pedia nya ay doctor ko din mula nung baby ako at doctor din sya ng parents ko. normal lang naman daw at wala naman daw amoy kaya ok lang. in case na may amoy binigyan ako ng reseta na pwede ipahid. natatagalan kasi ako sa pagtuyo ng pusod nya, natransfer ang basa sa damit nya. di naman ako duda sa doctor namin kasi lagpas dekada na naming doctor yun. anyways alaga naman sa linis sa alcohol at di naman ipit ng diaper moose gear diaper na gamit namin di sya nasasagi. matagal ba talaga matuyo?
pimples during pregnancy
currently 7 months na po ako. wala akong pimples sa mukha pero nagkaroon ako ng tiny bumps na mukhang pimples sa chest, back at shoulders. itchy din sya pag mainit, sa mga nakaexperience ano po ginawa nyo? im using cetaphil nga po pala.
Nagkafever kahit may flu vaccine
Currently 20 wks pregnant. Nagpaturok po ako ng flu vaccine noong June 9. Kagabi at ngayong hapon nilalagnat ako. Ininuman ko kagabi ng paracetamol nawala naman kagabi. Bumalik lagnat ko ngayong hapon naman. Meron po ba dito nagkalagnat pa din kahit nagpaturok ng flu vaccine naman na?
GENDER AT 18 WEEKS
nalaman na namin gender ni baby. super nakakatuwaaaa. ang galing talaga ng OB ko. after 2 miscarriage, sya talaga hinanap kong doctor para sa pangatlong pagbubuntis. naghanap talaga ako ng doctor na aakma sakin. OB-Perinatologist sya, specialized for high risk pregnancy. Sonologist at Dietician/Nutritionist na din sya kaya every check up ko talaga laging rekta ultrasound na din para nachecheck si baby sa loob. kada ultrasound ituturo nya kung ano yung nasa monitor pwede ka pang magvideo. super jolly pa at iwas kaba every check up. sana sya agad nakita at nakilala kong OB una palang. im so thankful na sya lumabas sa results nung nagsearch akoo