Stress sa buhay

Hello mga mommy. Buong journey ata ng pagbubuntis ko, stress ako. Una dahil ayaw ako alagaan ng mama ko. Kailangan pa may sahod sya bago nya ako alagaan. Diba obligasyon nya naman yun lalo na ngayon? Pangalawa, sinusumbat sakin ng bf ko mga nabibigay ng pamilya nya sakin (pagkain, vitamins, check ups) kahit hindi naman ako humingi sakanila ni minsan dahil kusa nila binibigay para sa baby. Lagi nya po ako minumura at pinagsasalitaan ng masasamang bagay :( ngayon sinumbat nya sakin yung 60k na hinanda nila para sa panganganak ko. Di ko na po alam gagawin ko. Ni nanay ko ayaw ako tulungan sa sitwasyon ko. Mas importante sakanya yung bago nyang boyfriend ngayon kesa sa magiging apo nya. Due date ko na po ngayong buwan at hinihintay nalang lumabas si baby. Sana po normal delivery para di masyadong malaki yung gastos sa hospital. Mahirap na po baka masumbatan na naman. Please pray for me and my baby mga mommy. 🙏🏻 Naiiyak nalang po ako araw araw sa sobrang sama ng loob ko lalo na sa mama ko.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

iiyak muna lahat Ng sakit mommy. kapag kinumkom muyan pwedeng Kay baby pupunta ang stress. mama ko din mukhang pera. at parang Hindi ako anak. 1 month palang baby ko ngayun, naghihirap kami sa pera Ng lip Kasi naka leave ako from work at naubos Ang savings dahil sa hospital bill. pero nakakaraos Naman. heto pinagsasabi sa kapitbahay inaapi ko daw siya at gusto na niyang umuwi sa province. sobrang sakit Lang Kasi dati iniwan na Niya ako , pinagpalit sa bisyo Niya. tapos ngayun na Naman, ginagawan pa kami ng kwento. kapag marami akong pera , anjan siya sa tabi ko pero sa oras na walang Wala ako-nvm. well, acceptance is the only way to make your mind at peace.

Magbasa pa

Hello momshie, makipagusap ka sa midwife mo para maassist ka dapat may philhealth ka, para mabawasan ang hospital bill mo, kumuha ka rin ng mga requirements tulad ng certif. Of indigency, low income at residency, kase may maaaring wala kana mabayaran nun. Ganun kase ang ginagawa ng midwife ko tska ng birthing clinic dito sa amin, lalo nat kung wala kapa work, malaking tulong yun sayo, malapit na rin ako manganak. Isipin mo lang ang baby mo, pray ka lang lagi. Lakasan mo loob mo maging matibay ka para sknya, obligasyon pati ng bf mo ang ibigay ang lahat para sayo at sa kailangan ng baby mo. Kaya mo yan momshie ! 😊🤗😇

Magbasa pa

na erase lahat sana na I comment ko sis. hindi madali para sa isang buntis na feeling mo nag iisa kahit may family ka naman at remember wag palagi tumanggap ng tulong from the side of your bf. diyan aq nanggaling at alam ko ang sakit at hirap. dahil ang perang inutang nababayaran pero ang tulong na naging utang na loob kahit kailan man o kahit ano mang gawin mo pagihirapan mo yan na mabayaran. kahit moral support man lng from your family. wala. kaya magpaka tatag ka isaksak mo sa isipan mo na mag isa ka lng sa laban na yan and ikaw LNG inaasahan ng anak mo.

Magbasa pa

hindi po obligasyon ng Nanay mo na alagaan ka.. Kumbaga panindigan mo yang desisyon mo ganun lang. Ipakita mo na kaya mo kasi pinasok mo yan eh, ngayon nman po alagaan mo sarili mo, magsquats ka lalo at malapit knang manganak, vondition yourself and ready your body po para hndi ka mahirapan sa panganganak mo, I hope normal ka manganak para iwas stress narin and also sana alagaan ka ng bf mo pag nanganak kna, mahirap kasi kung walang mg aalaga sayo. God bless you always po and have a safe delivery

Magbasa pa

Unang una walang karapatan yng bf muh n sumbatan kah s mga naibigay nya dahil obligasyon nya un bilang ama ginigigil aq ng bf muh n yn bkit ikaw lng b gumawa nun huh xmpre dalawa kyo kya obligasyon nya un..c mama mu nmn s totoo lng d nmn n nya obligasyon un once n may asawa k n o kinakasama obligasyon nyo nang dalawa un ng tatay ng anak muh qng baga ung s knya e kusang loob n pagtulong nlng..kya momsh iwas stress k muna wag kng mag-iicp muna ng qng anu anu dhil mkakaapekto kay baby yn.

Magbasa pa

neng, sana maisip mo na nang mabuntis ka, hindi kasama yan sa obligasyon ng ibang tao. ngayon, pinaka mainam mo sigurong gawin eh magdasal para maibsan sama ng loob mo dahil mali yang ikinasasama ng loob mo at ikinaka stress mo. ipagdasal mo din na malaks si baby ngayon hanggang pag labas. pls huwag mo na isipin na obligason ka ninoman para di mo na ikastress. praying and hoping na ma enlighten kA para d din ma stress si baby.

Magbasa pa

Pakatatag ka mommy keep praying po alam ng DIOS ping dadaanan mo lahat ng yan mwawala yan paglabas ng baby mo tiis ka nlang muna mommy then if kaya muna mag work at may mkita ka mag kusa mag alaga sa anak mo ikw nlang bumuhay sknya un dlwa kayu mas mgiging msaya ka pa ksma baby mo. Huwag mo I kulong sarili mo sa mga tao wlang puso

Magbasa pa

ganyan dn ng nararamdamn ko ngaun mommy..pakatatag nlng po tau..andto lng sa malapit ang family ko peru gusto bayaran ang panga2laga sa anak ko..due ko na dnds nov...asawa ko nmn ngwowork,mejo malayo pa byahe..pray po at pkatatag ka para sa magiging baby natin..laban lng as long as anjan nkasuporta c hubby sau..

Magbasa pa

fyi, sa batas ang obligasyon ng tatay ng bata ay sa bata lang at nag uumpisa lang ito paglabas ng bata. hindi kasama ang nanay ng bata lalo na habang nagbubuntis pa lang. kaya pasalamat ka nlng na binigyan ka pa ng financial support habang buntis ka or sa panganganak mo. hindi ka naman kasi asawa pa

Pakatatag po kayo at iwasan lage ang pg-iisip ng d maganda khit nkakastress na, pra na rin po sa baby. Deadma nlang po kyo sa panunumbat ng bf nyo besides need naman nya tlgang suportahan ka lalo na siya yung tatay ng dinadala mo. Pray lang lage sis na sana maging maayos ang lahat. 😊