Stress sa buhay

Hello mga mommy. Buong journey ata ng pagbubuntis ko, stress ako. Una dahil ayaw ako alagaan ng mama ko. Kailangan pa may sahod sya bago nya ako alagaan. Diba obligasyon nya naman yun lalo na ngayon? Pangalawa, sinusumbat sakin ng bf ko mga nabibigay ng pamilya nya sakin (pagkain, vitamins, check ups) kahit hindi naman ako humingi sakanila ni minsan dahil kusa nila binibigay para sa baby. Lagi nya po ako minumura at pinagsasalitaan ng masasamang bagay :( ngayon sinumbat nya sakin yung 60k na hinanda nila para sa panganganak ko. Di ko na po alam gagawin ko. Ni nanay ko ayaw ako tulungan sa sitwasyon ko. Mas importante sakanya yung bago nyang boyfriend ngayon kesa sa magiging apo nya. Due date ko na po ngayong buwan at hinihintay nalang lumabas si baby. Sana po normal delivery para di masyadong malaki yung gastos sa hospital. Mahirap na po baka masumbatan na naman. Please pray for me and my baby mga mommy. 🙏🏻 Naiiyak nalang po ako araw araw sa sobrang sama ng loob ko lalo na sa mama ko.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dont feel bad about your mom. You and your bf should be on your own now when you decided to have a baby. Your baby is mainly your responsibility. No one else. For sure you can take care of your baby with the help of your baby's father 😊 wishing you good health 😊 😊

at beware sa stress and ppd sis. manuod ng mga nakaka aliw na videos or aliwin mo sarili mo. kung nakaka stress sa abroad mas stress ang mag buntis na walang naka agapay sayo or feeling mo nag iisa ka. kaya go lng at magiging okay din ang lahat.

Sino naman nagsabi na obligasyon ng mama mo na alagaan ka ngayong buntis ka? Maging responsible kayong dalawa ng boyfriend mo. Hanggat maaari, wag umasa sa ibang tao.

Bat ka obligasyon alagaan ng nanay mo? e hindi naman nanay mo nakabuntis sayo sis. Tatay ng dinadala mo ang may obligasyon na alagaan ka. Wag iasa lahat sa magulang.

4y ago

Hindi naman sinabi ng nanay mo na magpabuntis ka, lalong hindi din siya kasama nung ginagawa nyo ng jowa mo yung bata. Kaya wag mo siya obligahin kasi kung tutuusin tapos na dapat siya sa pag aalaga sayo kasi matanda ka na. Ang obligahin mong mag alaga sayo yung tatay ng anak mo kasi yun ang nakabuntis sayo, yun dapat ang responsable sa lahat ng kailangam mo..

Hindi oblisgayon ng nanay mo na alagaan ka nya habang buntis ka, obligasyon na yan ng tatay ng anak mo.

mommy maraming dumadaan din sa pinag dadaanan mo.. i feel you khit di nmn mxdong ganyan asawa q..

pakatatag ka momsh. pray lang 😔