Stress sa buhay

Hello mga mommy. Buong journey ata ng pagbubuntis ko, stress ako. Una dahil ayaw ako alagaan ng mama ko. Kailangan pa may sahod sya bago nya ako alagaan. Diba obligasyon nya naman yun lalo na ngayon? Pangalawa, sinusumbat sakin ng bf ko mga nabibigay ng pamilya nya sakin (pagkain, vitamins, check ups) kahit hindi naman ako humingi sakanila ni minsan dahil kusa nila binibigay para sa baby. Lagi nya po ako minumura at pinagsasalitaan ng masasamang bagay :( ngayon sinumbat nya sakin yung 60k na hinanda nila para sa panganganak ko. Di ko na po alam gagawin ko. Ni nanay ko ayaw ako tulungan sa sitwasyon ko. Mas importante sakanya yung bago nyang boyfriend ngayon kesa sa magiging apo nya. Due date ko na po ngayong buwan at hinihintay nalang lumabas si baby. Sana po normal delivery para di masyadong malaki yung gastos sa hospital. Mahirap na po baka masumbatan na naman. Please pray for me and my baby mga mommy. πŸ™πŸ» Naiiyak nalang po ako araw araw sa sobrang sama ng loob ko lalo na sa mama ko.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello momshie, makipagusap ka sa midwife mo para maassist ka dapat may philhealth ka, para mabawasan ang hospital bill mo, kumuha ka rin ng mga requirements tulad ng certif. Of indigency, low income at residency, kase may maaaring wala kana mabayaran nun. Ganun kase ang ginagawa ng midwife ko tska ng birthing clinic dito sa amin, lalo nat kung wala kapa work, malaking tulong yun sayo, malapit na rin ako manganak. Isipin mo lang ang baby mo, pray ka lang lagi. Lakasan mo loob mo maging matibay ka para sknya, obligasyon pati ng bf mo ang ibigay ang lahat para sayo at sa kailangan ng baby mo. Kaya mo yan momshie ! πŸ˜ŠπŸ€—πŸ˜‡

Magbasa pa