Stress sa buhay

Hello mga mommy. Buong journey ata ng pagbubuntis ko, stress ako. Una dahil ayaw ako alagaan ng mama ko. Kailangan pa may sahod sya bago nya ako alagaan. Diba obligasyon nya naman yun lalo na ngayon? Pangalawa, sinusumbat sakin ng bf ko mga nabibigay ng pamilya nya sakin (pagkain, vitamins, check ups) kahit hindi naman ako humingi sakanila ni minsan dahil kusa nila binibigay para sa baby. Lagi nya po ako minumura at pinagsasalitaan ng masasamang bagay :( ngayon sinumbat nya sakin yung 60k na hinanda nila para sa panganganak ko. Di ko na po alam gagawin ko. Ni nanay ko ayaw ako tulungan sa sitwasyon ko. Mas importante sakanya yung bago nyang boyfriend ngayon kesa sa magiging apo nya. Due date ko na po ngayong buwan at hinihintay nalang lumabas si baby. Sana po normal delivery para di masyadong malaki yung gastos sa hospital. Mahirap na po baka masumbatan na naman. Please pray for me and my baby mga mommy. πŸ™πŸ» Naiiyak nalang po ako araw araw sa sobrang sama ng loob ko lalo na sa mama ko.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

neng, sana maisip mo na nang mabuntis ka, hindi kasama yan sa obligasyon ng ibang tao. ngayon, pinaka mainam mo sigurong gawin eh magdasal para maibsan sama ng loob mo dahil mali yang ikinasasama ng loob mo at ikinaka stress mo. ipagdasal mo din na malaks si baby ngayon hanggang pag labas. pls huwag mo na isipin na obligason ka ninoman para di mo na ikastress. praying and hoping na ma enlighten kA para d din ma stress si baby.

Magbasa pa