hi, sis. malaking adjustment talaga ang maging nanay. basta try mo mag relax tuwing makahanap ka ng oras, lalo na pag tulog si baby. huwag mahiya humingi ng tulong kung kailangan. isipin mo na pag okay si mommy, okay si baby. ako rin noong baby ang mga anak ko, nastress din. ginawa ko nag reach out ako sa asawa ko, yung mag vent lang para alam niya nahihirapan ako. tinulungan niya ko, umuwi ng maaga para makatulong sa pag- alaga ng bata. kaya try mo ipaalam ng masinsinan sa asawa mo na hindi ka lang nag-iinarte. talagang kailangan mo ng tulong at pagunawa niya sa needs mo.