Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Lovely Mum
Depression
Mga Mommies may mga time po ba na sobra kayong stress at down? I just give birth to my first baby last October 16, at ngayon parang napapansin ko sa sarili ko na ang bilis bilis ko magalit at hirap ako alagaan anak ko lalo pat BF siya . Ang laki na nga po ng pinayat ko e di ko maalagaan sarili ko. Nakatira din po kami sa biyenan ko at hindi rin kami masyadong close ng MIL ko. Nasa province rin namn po ang mga parents ko. One time nga po sinabi ko sa asawa ko ang nararamdaman ko at sabi nmn niya na ini'stress ko lang sarili ko. First time Mom po ako at wala akong experience mag alaga ng bata. Para bang wala po akong gana sa lahat. Minsan nga po parang ang bigat at sumasakit ang dibdib ko. Ano pong dapat kung gawin mga momies? Advice nmn po plss.
Rashes
Hello po! Simula po ng umuwi kami galing hospital nagkaroon po ng rashes ng anak ko. Mag tatatlong buwan na po siya ngayon. Medyo natatakot na po kasi ako. Di ko po alam kung anong gagawin ko. Hindi nawawala ang mga rashes sa face niya, halos dalawang buwan na umabot na nga sa hita, leeg ,tiyan at braso niya. Sabi naman po kasi ng MIL ko normal naman daw at mawawala rin yun kaya hindi ko pa pinapacheck up sa pedia. I'm a first time mom po . Sana po mabigyan niyo ako ng advice. THANKS