about sa stress at pag iyak

hi po good day, ask ko lang po kasi 1st time mom eh. Ano po bang pwedeng mangyari sa baby ko kapag lagi akong puyat, stress, iyak ng iyak, tsaka madalas po tumigas yung tiyan ko. Di ko po kasi mapigilan ang pag iyak lalo na pag nag aaway kami ng asawa ko. Tapos po sumasakit sa may bandang balakang ko pag sobra na po yung pag iyak ko. Di ko po kasi talaga mapigilan ang mag isip ng kung ano ano at magselos. Tsaka pag may nasasabi po saking di ko nagustuhan naiinis po ako at dinaramdam ko. Napupuyat rin ako kakaisip about sa ganuong sitwasyon, tsaka pag may away di na ako nakakatulog ng maayos at yun nag iisip ng kung ano ano tapos iiyak. So yun po nag aalala ako sa baby ko. Minsan rin kinakausap ko sya at nagsosorry ako kasi pati sya nahihirapan, nararamdaman nya rin ang nararamdaman ko, May time pa po na pag wala na akong masabihan or sobra na yung sakit at sama ng loob naiisipan kong magpakamatay kasi ang bigat na ehh pero iniisip ko parin ang baby ko. So yun nga po ano po kaya ang mangyayare kay baby pag ganun. Nag aalala ako sa anak ko ehh. Please po ano rin pong gagawin ko para di na ako maistress or dapat kong gawin. Im just 16 yrs old lang po at nakatira ako sa pamilya ng asawa ko #theasianparentph

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naku wag ka po masyado magpastress at lalo wag ka mag isip ng di maganda kay baby. lage k magpray. mas maganda sana kung may nakakausap ka dyan sa tinutuluyan mo. hindi ba pwedeng dun ka na muna sa magulang mo? hindi lang kay baby mo pwede makaapekto yung ganyan pwede din sayo manghihina ka lalo. dapat mas paghandaan mo ang panganganak mo kakailanganin mo ng lakas. baket ba kayo madalas mag away ng asawa mo? baka mas makakabuti na maghiwalay na lang kayo kung toxic sya masyado. sya itong dapat unang uunawa sayo e. ingat kayo ni baby magdasal lang palage.

Magbasa pa
4y ago

thank you po❤️