"My husband has a 'WORK WIFE' and wala akong peace of mind. Papayag ba kayo sa ganon?"

Mga mommies, I'm pregnant now kaya di ako sure kung OA na praning lang ako because of hormones or is this something alarming. Valid ba itong inis na nararamdaman ko. My husband has a 'work wife.' And wala akong peace of mind na araw-araw niya kasama yon. But let me also be fair to him, wala siyang ginagawang masama and I am sure about that. Very professional & friendly lang ang mga chat nila together. Hindi niya alam na binabasa ko phone niya at night at wala naman akong nakikitang legit cheating. Pero lagi sila magkasama sa lunch time and close din sila palaging nagtatawanan, may mga inside joke, syempre hindi ako makarelate dahil di ko naman kilala yung nasa work nila. Naging trigger ko lang na pagdalaw ko sa opisina nila ay jinojoke ako ng mga workmates nila na "alam mo ba may work wife yung asawa mo dito" pero binabawi naman din nila ng "pero mabait yan asawa mo" pero umuwi akong umiiyak kasi hindi ako natutuwa sa ganoon. Naiinsecure din ako dahil ang laki ko nang buntis, mejo lumaki din ilong ko at may breakouts na, tas yung "work wife" nya young and fresh, tapos mukhang masaya kasama dahils a sense of humor niya. I'm so insecure. Anong gagawin ko mga Momsh, natatakot ako na pag kinausap ko ang aking asawa ay maslalo ko siyang matulak palayo. HELP.

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Una sa lahat mali ang magkaron ng Work wife. yung Word pala na yan is searchable pa sa Google. so feel na feel naman nila. Valid ang feelings mo Momsh. kung wala kang peace of mind better kausapin mo ng masinsinan Hubby mo. hindi porke wala kang nakikitang "cheating" eh all goods ka na para manahimik at ikimkim lang yan. Wala ka talagang makikita dahil sobrang bait mo na to the point napaka maunawain mo bilang Partner niya. pero sabi nga nila, prevention is better than cure. work spouse” relationship as “a special, platonic friendship with a work colleague characterized by a close emotional bond, high levels of disclosure and support, and mutual trust, honesty, loyalty, and respect.” sabi sa Google. oo positive ang meaning para sa work nila, maaari may positive impact sila para sa outcome ng trabaho nila, good result ang tandem pag tungkol sa work nila pero applicable lang yan kung walang naaapektuhan, kung hindi jinojoke ng mga Workmates nila yan sayo at kung pinaliwanag yun sayo ng Partner mo. Oo mabait nga partner mo, mabait kung usapang mabait pero hanggat may ganyan kang feelings iopen mo sakanya at dun mo makikita kung ano gagawin niyang aksyon. dun mo mababase lahat. tandaan nalang natin na Opposite Gender sila. Mabait ka pa niyan. kung ako yan unang convo palang nila sa Message, magiging Work Enemy agad sila sakin. at sisiguraduhin kong di ako mabibiro ngga workmates niya dahil ipapaalam agad sakanila ng Partner ko na hindi ko gusto yung ganoong sistema. Overthink ako malala pag hinayaan ko lang ang ganun. Imagine mahaba ang oras na magkasama sila and hindi natin alam yung bond na nabubuo sa duty time nila. maaaring walang cheating pero di ko kaya kung anong closeness ang meron sila lalot tatalunin ako ng utak ko sa pag ccompare ko sa sarili ko dun sa babae. Hindi ka Praning Sender. normal yan na ma feel mo kahit hindi ka buntis.

Magbasa pa

Hello mi ang maadvice ko lang sayo COMMUNICATION IS THE KEY. Valid yang nararamdaman mo, para magkaroon ng peace of mind, at less stress habang nag bubuntis. Kausapin mo mag usap kayo, kung mahal ka niya iiwasan nya kung yun ang mag papanatag ng puso at isip mo. Kase sa totoo lang ang mga biro biro at closeness ng isang babae at lalaki dun nag sstart na mag karoon sila ng feelings sa isat isa. Kaya hanggat maaga pa gawan na agad ng aksyon para lumayo at magkaroon ka ng peace of mind. Humingi ka lang palagi kay Lord ng word of wisdom kung paano mo sisimulan at siya naman kung paano nya maiintindihan at maiiwasan. Yun lang mi 8 yrs na kaming LDR ng asawa ko, buntis din po ako ngayon sa First baby namin. Pero pag di talaga ako kampante sa mga nakakasama nya sinasabi ko po talaga. Hanggang sa siya na mismo ang iiwas. Kase ayaw nyang nag ooverthink ako at alam nyang di yun makaka buti sa baby namin. At araw araw po syang tumatawag samin kahit noon pa man nung binata at dalaga palang kami. Di yun nawawala sakanya. Pray lang mi at iwasan ang stress ☺️

Magbasa pa

Sa amin ang turo po samin sa church kapag may asawa na iwas na po talaga sa mga babae, hindi pwedeng may kaibigan ka pa na babae or bestfriend ksi ang bff mo ay ang asawa mo mismo. hindi pwede na kau lang dlawa magkausap, magkasama or kahit ano pa .. walang physical touch limit din kht handshake. halimbawa sa isang kwarto sa office, sa kotse etc. ksi married kna and priority po ng asawa ang isa't-isa at ang sariling pamilya. valid po ang feelings mo kasi mali naman talaga iyon. dapat iniisip din ng asawa mo kung anong mararamdaman mo. Ipagpray nyo po Ki God na matauhan asawa mo at pwede mo din po syang kausapin about that ksi kung hindi paguusapan hindi nya malalaman na ganun na pla ung nararamdaman mo. kung mahal ka nya talaga gagawa sya ng paraan na baguhin yan at sya mismo ang iiwas. sa mga babae naman like her dapat kung me delikadesa distansya din kasi me asawang tao ang panget nmn na mapagkamalan kayong magsyota or magasawa kasi dikit ng dikit.

Magbasa pa

wag po kayo pumayag lalo kapag jinojoke kayo ng mga workmates nya. it's for your own peace of mind, you can tell them in a nice way naman that u r not comfortable hearing that and if hindi sila magstop then they have a problem. Always prioritize yours and your baby's wellbeing po. Also for your hubby u have to communicate you have to tell him after all buntis ka and asawa ka nya. i recently had a misunderstanding with my hubby din, like your situation i'm insecure about him being close to a girl at work kahit alam ko naman na hindi nagccheat pero i still told him and he explained and reassure me right after then i felt better and i gave him the assurance na i trust him for everything. just be firm lang po sa gusto ninyo and always communicate. don't make him feel na insecure ka make him feel na you are strong and you don't tolerate not having peace of mind

Magbasa pa

valid ung nararamdaman mo.. kausapin mo si hubby mo kung tuusin mabait kapa nga sis .. kung ako yan walang work wife work wife baka masabunutan ko sila pareho at saka alam ng asawa mo un.. nag papa ka manhid lang siya .. kung sakaling ikaw nasa sitwasyon niya malamang magseselos din siya di ko lng alam if sinasadya ng asawa mo or wala lang siyang pakelam sa narraamdaman mo kasi kung mahal ka tlaga nia kahit walang cheating na nagaganap di niya gagawin un actually isa sa micro cheating ung ginagawa niya.. pag hinayaan mo yan sis baka mamaya by the end of the day eh huli na lahat bago mo sila awatin better na sstop habang di pa ganon kalalim ang relationship nila.. wala man silang something sa chat malay mo sa personal may something sila since lagi silang magkasama

Magbasa pa

valid nararamdaman mo kausapin mo asawa mo tantanan nila yang ganyang mga set up sa trabaho na work wife work wife na yan kagaguhan yan. sa ganyan nagsisimula ang cheating.. di uubra sakin yang ganyan tas buntis ka pa di ba nag iisip asawa mo sa mararamdaman mo? walang friendly friendly dito. kung talagang friends sa work di work wife ang tawag. walang ibang mag aasikaso at tatawaging wife kundi ikaw lang. kung friendly asaww mo kausapin mo at tanungin mo kung may work wife ka din naman pala e sakanya mo na dadalhin ang mga labahan nya para may silbi naman pagiging work wife nya. isa pa kung masyadong friendly yang husband mo tanungin mo din sya kung baka gusto nyang maging friends nalang din kayo.

Magbasa pa

Pinagdaanan ko to lately. so happened nabasa ko chat ng secretary ng asawa ko and nakita ko how over updater and over friendly she was. shes also married. well, as a wife, I messaged her politely. and guess what, she blocked me. I wrote a letter to their boss statinh my concern and we were called for a meeting, napilitan mag apologize si workwife and kinabukasan nilipat sya ng unit. It is our right and responsibility to protect our own. Wag ka umiyak, wag ka mainsecure, napakalakas ng bisa ng kasal at pagiging legal wife.

Magbasa pa

Napa-Google tuloy ako kung anong meaning ng work wife. Pero sis, you have all the right to feel that way. In the first place, yung mga kasama nya sa work dapat hindi ka sinasabihan ng ganun. Kahit joke yun, hindi nakakatawa at hindi nakakatuwa. Sana maisip nila na preggy ka & sensitive tayong mga preggy. On the other hand, I agree sa mga naunang nagcomment na kausapin mo si hubby. Para malaman nya rin naffifeel mo. Dapat may open communication kayo...

Magbasa pa

yung husband ko nagwowork din sa office at kung iisipin ko din may ganyan siya hindi ko kaya mi. hindi yan pupwede sa akin. kaya valid ang nararamdaman mo. kausapin mo si husband mo.. dapat wala ka nararamdaman ganyan sa work niya.. at wala dapat tinatawag na Work Wife. kahit sabihin mo pa sure ka wala sila ginagawa masama at pure work lang ang topic nila pero yung emosyon nila alam mo ba? may Emotional Cheating din kasi tinatawag..

Magbasa pa

Normal lang magselos mommy,sa sobrang normal nyan kapag ako naka experience nyan,matataga ko yang sinasabing work wife work wife ng asawa ko. D ako makakapagbigay sayo ng matinong advice kase kung ilalagay ko sarili ko jan sa sitwasyon mo, malamang yan ngayon malaking eskandalo na nangyare first time ko palang nalaman yung ganyan. Malamang din yan walang trabaho asawa ko. Sorry wala matinong advice mii.

Magbasa pa
2mo ago

Same Mii HAHAHAHA ganyan na ganyan din ako. bawal sakin mga ganyang sistema. tingin pa nga lang ng Asawa ko sa babae, away na agad. pano pa kapag ganyang sistema. very wrong yan