"My husband has a 'WORK WIFE' and wala akong peace of mind. Papayag ba kayo sa ganon?"

Mga mommies, I'm pregnant now kaya di ako sure kung OA na praning lang ako because of hormones or is this something alarming. Valid ba itong inis na nararamdaman ko. My husband has a 'work wife.' And wala akong peace of mind na araw-araw niya kasama yon. But let me also be fair to him, wala siyang ginagawang masama and I am sure about that. Very professional & friendly lang ang mga chat nila together. Hindi niya alam na binabasa ko phone niya at night at wala naman akong nakikitang legit cheating. Pero lagi sila magkasama sa lunch time and close din sila palaging nagtatawanan, may mga inside joke, syempre hindi ako makarelate dahil di ko naman kilala yung nasa work nila. Naging trigger ko lang na pagdalaw ko sa opisina nila ay jinojoke ako ng mga workmates nila na "alam mo ba may work wife yung asawa mo dito" pero binabawi naman din nila ng "pero mabait yan asawa mo" pero umuwi akong umiiyak kasi hindi ako natutuwa sa ganoon. Naiinsecure din ako dahil ang laki ko nang buntis, mejo lumaki din ilong ko at may breakouts na, tas yung "work wife" nya young and fresh, tapos mukhang masaya kasama dahils a sense of humor niya. I'm so insecure. Anong gagawin ko mga Momsh, natatakot ako na pag kinausap ko ang aking asawa ay maslalo ko siyang matulak palayo. HELP.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang magselos mommy,sa sobrang normal nyan kapag ako naka experience nyan,matataga ko yang sinasabing work wife work wife ng asawa ko. D ako makakapagbigay sayo ng matinong advice kase kung ilalagay ko sarili ko jan sa sitwasyon mo, malamang yan ngayon malaking eskandalo na nangyare first time ko palang nalaman yung ganyan. Malamang din yan walang trabaho asawa ko. Sorry wala matinong advice mii.

Magbasa pa
2y ago

Same Mii HAHAHAHA ganyan na ganyan din ako. bawal sakin mga ganyang sistema. tingin pa nga lang ng Asawa ko sa babae, away na agad. pano pa kapag ganyang sistema. very wrong yan