Struggle

Alam nyo ba yung feeling na ang saya nyo kasi medyo okay na at naka balik na sad work si husband after 3months of no work no pay... 4 days siya nakapag work ulit and nabigay naman kahapon a-kinse ang 4 days work na sahod nya... tapos madaling araw ng June 16 mga 12mn, mababasa mo nalang sa newsfeed sa FB mo na balik nanaman ECQ, sirado nanaman work ng husband mo until sa kataposan... no work no pay nanaman... nagbasa din pala si husband and nag iyakan nalang kayong dalawa nakatingin sa dalawang anak nyo na walang alam sa nangyayari sa mundo ngayon... isang new born and isang 6 years old... ang hirap na... ang hirap hirap na... yung gusto mong safe kayo pero wala na talaga pera... walang wala na... alam mo ang hirap na kasi kayo na dalawa ng asawa mo umiiyak... umiiyak na husband mo... kayo. :'(

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mamsh, try niyo magraket thru online. Hanap kayo supplier na mura mura muna then saka niyo ibenta. Sali rin kayo sa page or groups na mga nagoonline sell, pwede kayo magdeliver thru bike its up to you kung magpapaadd fee kayo if ever malayo ang ibabike. Kayang kaya niyo yan ni hubby mo, basta magtiwala lang kayo okay? And pray. God will make a way 😊 Pahinga then laban ulit.

Magbasa pa
5y ago

actually online seller ako... supplier din ako dito sa Cebu... sana nga po makabawi pa... kasi nagamit na namin ang pohonan... tigil kasi lahat but ang bayarin anjan pa rin... pero kakayanin... dapat kayanin.