"My husband has a 'WORK WIFE' and wala akong peace of mind. Papayag ba kayo sa ganon?"

Mga mommies, I'm pregnant now kaya di ako sure kung OA na praning lang ako because of hormones or is this something alarming. Valid ba itong inis na nararamdaman ko. My husband has a 'work wife.' And wala akong peace of mind na araw-araw niya kasama yon. But let me also be fair to him, wala siyang ginagawang masama and I am sure about that. Very professional & friendly lang ang mga chat nila together. Hindi niya alam na binabasa ko phone niya at night at wala naman akong nakikitang legit cheating. Pero lagi sila magkasama sa lunch time and close din sila palaging nagtatawanan, may mga inside joke, syempre hindi ako makarelate dahil di ko naman kilala yung nasa work nila. Naging trigger ko lang na pagdalaw ko sa opisina nila ay jinojoke ako ng mga workmates nila na "alam mo ba may work wife yung asawa mo dito" pero binabawi naman din nila ng "pero mabait yan asawa mo" pero umuwi akong umiiyak kasi hindi ako natutuwa sa ganoon. Naiinsecure din ako dahil ang laki ko nang buntis, mejo lumaki din ilong ko at may breakouts na, tas yung "work wife" nya young and fresh, tapos mukhang masaya kasama dahils a sense of humor niya. I'm so insecure. Anong gagawin ko mga Momsh, natatakot ako na pag kinausap ko ang aking asawa ay maslalo ko siyang matulak palayo. HELP.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mi ang maadvice ko lang sayo COMMUNICATION IS THE KEY. Valid yang nararamdaman mo, para magkaroon ng peace of mind, at less stress habang nag bubuntis. Kausapin mo mag usap kayo, kung mahal ka niya iiwasan nya kung yun ang mag papanatag ng puso at isip mo. Kase sa totoo lang ang mga biro biro at closeness ng isang babae at lalaki dun nag sstart na mag karoon sila ng feelings sa isat isa. Kaya hanggat maaga pa gawan na agad ng aksyon para lumayo at magkaroon ka ng peace of mind. Humingi ka lang palagi kay Lord ng word of wisdom kung paano mo sisimulan at siya naman kung paano nya maiintindihan at maiiwasan. Yun lang mi 8 yrs na kaming LDR ng asawa ko, buntis din po ako ngayon sa First baby namin. Pero pag di talaga ako kampante sa mga nakakasama nya sinasabi ko po talaga. Hanggang sa siya na mismo ang iiwas. Kase ayaw nyang nag ooverthink ako at alam nyang di yun makaka buti sa baby namin. At araw araw po syang tumatawag samin kahit noon pa man nung binata at dalaga palang kami. Di yun nawawala sakanya. Pray lang mi at iwasan ang stress ☺️

Magbasa pa