pangangati Ng Katawan
Hello Mga mom Natural Lang pO ba Mangati Ang mga binte at nag susugat po almost 3weeks na po syang makati lalo na po sa Madaling Araw ? dpo ko makatulog. Advice namn po . First time pregnancy po at baby girl .PRANG GALIS PO HUHUHU HELP NAMN PO
Research mo mumsh yung PUPPP or pruritic urticarial papules and plaques of pregnancy. Ganyan ako sa 1st pregnancy ko. Wala akong tulog sa gabi tapos yung sobrang kinis kong legs nagpeklat nang nagpeklat kakakamot ko rin. Antihistamine pinainom sakin ng OB ko pero sa gabi lang para lang makatulog talaga ko. Pero para mabawasan yung kati, iwas sa sobrang init. If may aircon po kayo, stay ka sa room na may aircon. If kayang mag salt bath, try nyo rin po yun. Tapos calmoseptine yung pinapahid ko nun pero saglit lang din effect. So tiis lang po talaga. Lilipas din sya. Yung sakin po nun tumagal ng 2months.
Magbasa paUse mild soap po tsaka lagyan ng lotion kasi pag dry ang balat lalong nangangati. Wag niyo rin pong kamutin kasi meron tayong tinatawag na itch-scratch cycle, the more na kinamot niyo the more na kakati. Ako pag nangangati ako nilalagyan ko ng oil from green mama. May anti-itch property siya. Check niyo rin yung singit ng mga daliri niyo at kilikili. Pag dun may kati kati lalo na sa gabi baka nga po galis aso. Pag ganun ang safe lang na gamot sa buntis ay sulfur soap. Pero better po magpacheck sa OB for formal assessment and management.
Magbasa paNagiging super sensitive kc ang skin ng ibang preggy momsh dahil sa hormonal changes na nangyayari... sakin sa pulgas sobrang nagrereact ung balat ko. May madikit lng sakin saglit makakagat at mangangati na yan ako...mga kasama ko sa bahay hindi nmn nila ramdam at alintana... kht hindi ko kamutin aabot ng ilang linggo ang kati at mamantal, uumbok gang mangitim n nga.
Magbasa paSakin sis 3weeks nA 😭 sobrang kati parin.
If may tinitake kang fish oil or omega 3 stop mo na muna, ako din may ganyan dibdib at likod. Sabay sa hormonal change yung allergies ko kaya super kati, as much as possible try looking for soap na may anti bacterial nakaka dry agad yun ng allergies tas nakakabawas ng kati. Pag nangati ka shower lang, sakto mainit panahon it's a win win situation 😊
Magbasa paNanganak kna po momsh, tama po ba? Baka po kumain kna ng hipon kalabasa opo at gabi. Ilokano po kasi ako momsh at sobrang dami po ng mga bawal na pagkain saamin. 3months na baby ko. Pero di padin ako kumakain ng mga ganyan. Kaso pasaway ako kumain poko ng kalabasa at hipon. Kaya nangati po ako gaya niyo. Share lang baka makatulong momsh.
Magbasa papa check up mo na yan sis kse ako nag ka ganyan din atopic dermatitis oh skin allergy ang tawag dyan wag mo siya kakamutin sis kse lalo dadami siya mas makati tlga diya lalo sa gabi gamit ka lng ng mga mild soap gagaling din siya pero mag pa check kn dn sa ob mo para sure at mabigyan ka ng gamot ....
Magbasa paLagyan mo pong moisturizer. O kaya bago ka maligo pahiran mo ng langis ng niyog. Bili ka lng ng gata 20pesos lng yon. Tapos lutuin mo, pakuluan mo hanggang sa maging langis. Use mild soap. Nung buntis ako halos di nako nagsasabon. Ayoko din kase ng amoy. Maganda ang dove kase hindi masyadong nakakadry.
Magbasa paNagkaganyan ako, namamasa na yung sakin sa sobrang kakakamot ko, pero after pregnancy na yun. Hindi umiepekto ang anti allergy na gamot. Surprisingly ang nakapagpawala, nung naligo ako ng dahon dahon. Lamig daw pala yun. Effective naman sakin.
Nagka ganito ako nung sa first baby ko kung ano2 kasing nilalagay ko sa balat ko na anti stretch marks kemverlooo hahaha ngayon wla na kasi wla na dn ako pinapahid or nilalagay na kung ano2. Tiis2 lang sis mawawala dn yan 😁😁😁
Cholestasis of pregnancy yan sis.. parang nangyari sa hipag ko.. pacheck ka sa OB mo.. bka may ireseta na gamot. Ung sa knya kasi sumasabay ung contraction, kpag nangangati. Kaya 35weeks nanganak na sya.