6months pregnant

Hello mga mamsh, sa mga matatakaw po na kumakain ng street foods? Like me. Okay lang po ba araw araw kumain ng ganon, pero bawi sa tubig lagi? Salamat po sa mga sasagot 😊

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Iwasan mo muna ang Street foods kung kinakailangan, kasi pag pinag laboratory ka ng OB mo baka lumabas sa Urinalysis mo na may UTI ka. Ganyan ang nangyari sa akin ngayon. Same din tayo 6 months na din ako. Konti lang kinaen ko ng Street foods madami din ako uminom ng tubig pero noong nagpalaboratory ako may UTI ako. Kaya iwasan mo muna talaga mommy mahirap talaga umiwas sa bawal pero isipin natin si baby. Konting sakripisyo nalang. Makakaya din natin ito. Gulay gulay muna at prutas muna tayo. Wag ka din kakaen ng matatamis napahirap pag lumabas sa laboratory eh hindi maganda. Talagang uminom ng madaming tubig. Praying pa rin for safe and healthy pregnancy natin mga mommies.

Magbasa pa

not recommend mami na kumain ka po ng mga street foods unless nalang kung ikaw mismo gagawa, dahil nung buntis rin po ako mahilig ako sa mga street foods na pagkain, sobrang hilig ko talaga as in, kahit malakas pa ko kumain lumabas po na severely underweight yung baby ko at 2.1kg, daming tanong sa isip ko kung bamit siya lumabas ng ganon eh malakas naman ako kumain, oo malakas nga ako kumain pero hindi mga healthy yung mga kinakain ko, kaya po naging ganon si baby, kaya be healthy po mami! keepsafe!❤️

Magbasa pa

Mas mabuti po mii kung iiwasan mo muna ang streetfoods lalo na po buntis ka di nmn sa panjujudge pero dapat mas mag ingat tayo sa mga kinakain naten lalo may baby sa tummy naten ako po simula nabuntis kahit sobrang hilig ko nun sa streetfoods iniwasan ko talaga kahit sobrang natatakam pa ko para sa kaligtasan ni baby bawe nalang po tayo pagkapanganak naten mas prone po kase sa sakit ang buntis kaya mas mabuti na po yung nag iingat

Magbasa pa
TapFluencer

For me di sya recommended sis. prone kasi tayo sa food poisoning or pwede kang ma-upset stomach or diarrhea. better na ikaw na lang gumawa mismo para alam mong safe at malinis. miss ko na nga din mga ihaw ihaw pero tiis talaga kasi naranasan ko mag LBM kahit di na ko kumakain ng mga street foods. medyo nakakatakot sya at ayoko na maexperience ulit 😅

Magbasa pa
2y ago

super agree po miii. ska delikado po magka hepa habang buntis kaya iwas nalang muna

TapFluencer

mas better pa na mag gulay ka nalang Po Kaysa mga street food na Yan ako kahit natatakam Po Ako sa mga ganyan pero kino control ko talaga sarili ko at kumakain nalang Ako Ng mga gulay gulay at prutas kaysa sa mga ganyan Kasi Wala tayong nakukuha na mga sustansya Nyan. Ako Po 6 months preggy din Po Ako pero natutunan kung e discipline sarili ko.

Magbasa pa

mas okay po siguro na kayo mismo yung magluto nung snack na gusto mo. pwede ka din naman bumili po ih. ang di kasi recommended sa part na yan is di mo sure kung malinis yung pagkaprepare nung food. same with pre-packed fruits and veggie salad. hindi sya advisable kasi pre-packed na. high risk for listeria po yun which is bad sa preggy.

Magbasa pa

7 months preggy po ako sis. D ko din mapigilan na hindi kumain ng Street foods 😭 Sobrang nagsisi ako sis kasi pagkakinabukasan nagkasakit ako. 1 week sis inubo, sinipon, soar throat tas ni lagnat ako ng bongga. Sabi nila na exposed dw ako sa maraming tao tas maalikabok pa 😔Kaya ngayon umiiwas na ako sa Street foods sis.

Magbasa pa

I Love Streetfoods pero nung nagpregnant ako iniwasan ko na😊 kasi mahirap na.. Hepa is waving😅 buti sana kung sarili lang natin iisipin natin.. Pero kasi may baby na kelangan healthy ang katawan natin kaya iwas na dyan.. Mas ok kung luluto nalang sa bahay ng kwekwek, veggieballs at manong sauce kung namimiss mo😊

Magbasa pa

Much better po na wag muna or kung di talaga kayang tiisin is kayo nalang po mismo magluto ng streetfoods. Meron naman po nabibili sa mga groceries at palengke para sure na ikaw mismo nagluto at malinis. Jan kase ako nadale nun sa panganay ko muntik na ko makunan. Nagkaron ako ng amoebiasis.

Ako mi, ako mismo nagsabi sa husband ko na mag iiwas sa street foodkasi kapag ginawang always yan madaming cause sa baby especially hindi madevelop brain, lack of nutrients sa body baka kulang2 ang part sa baby. And maka abnormalities and walang protein, etc.