pamahii

mga mamsh nawiwindang ako sa tyahin ko ang daming pamahiin, nakakastress! wag daw pigain ang labada ni baby kasi daw mapipilipit katawan ni baby! hala eh paano matuyo damit diba? tapos bawal magpanicure kasi daw mabibinat ako! bawal din daw maambunan damit ni baby! ano say nyo?

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ignore nalang mi. Yung sa ambon, siguro more on hygiene pero minsan na aangihan din damit ng baby ko pero okay naman siya. Sakin naman puro about sa "lamig". Bawal maligo ng malamig or uminom ng malamig. Binilan pa nga ako ice cream ni hubby hours after my CS. Bilin daw ng OB sa kanya e ibigay daw niya lahat ng food na gusto ko para happy ako at makarecover agad.

Magbasa pa

So far po sa bawal maambunan yung damit totoo po yun bukas sa pinaaraw mongana tapos bigla pang papaabutin mo ng dilim di walang nangyare at siympre po yung damit non si parang pakiramdam mo pag hahawakan mo nalamig which mag cause po kay baby na pwedi sipunin yun lang naman po yun alam ko sa mga pamahiin na totoo. Share lang.

Magbasa pa

nakakawindang nga mii HAHA 😂 ay Hala sige Sila na maglaba ibigay mo damit ni baby Mii dito nga Sabi ng Lola ng anak ko bawal daw I washing damit ng anak ko dahil magiging malikot daw paglaki?ayos lang naman sakin kung papayag Sila na Sila na magkusot ng damit ni baby 😌

VIP Member

Ung wag pigain pano naman matuyo. Ung sa manicure make sure sanitized mga ginagamit panglinis. Ung maambunan clothes ni baby, dun ako pabor kasi madumi na ung tubig ulan ngayon hindi katulad dati.

VIP Member

yung wag maambunan ang damit ni baby yun bawal po talaga kse baka sipunin sila pag naambunan sa sampayan ang damit nila. tsaka wala naman din pong mawawala kung maniniwala tayo sa mga pamahiin

Pamahiin lang po yang mga yan. Siguro sa pagpapa manicure ingat nalang po. Make sure lang na malinis yung gagamitin na panlinis sa kuko ninyo and yung hindi kayo masusugatan.

Ganyan pamahiin namin dto.. Wg dw pigain kc sobrang mkapilipit c baby.. Pero cnusunod ko na lng wla nman mwwla.. Matutuyo dn an khit d pigain kc maliliit lng nman eh

Maniniwala pa ako dun sa bawal maambunan ung damit, pero ung wag pipigain, ano naman kinalaman sa baby, di naman ung baby ang piniga, ung damit 🤦‍♂️

Your child your rules. Pero kung kapaki pakinabang ang sinasabi walang masama sundin, pero kung wala namang madudulot na mabuti eh ignore na lang.

VIP Member

Di ako naniniwala sa pamahiin unless may medical basis. Pag pinagsamasama mo lahat ng pamahiin parang di ka na makakakilos.

5y ago

opo mamsh, science oriented person p man din ako, gusto kp na manupalpal eh, kaso sabi ng nanaybko irespeto.n lang tita ko. pero grabe naistress n kmi ni hubby. dagdag mo pa mamsh na wag daw ipamihasa sa buhat si baby... eh ano pake nya sya ba mangangalay? minsan lng mmaging maliit anak natin at mabuhat diba bakit di ko gagawin....