Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
[email protected]
Butol sa paa ni baby
Hi mga momshie ask ko lang po if ano po kaya tong nasa paa ng baby ko ngayon kolang po kase napansin yung nasa paa nya na red makapal po syang pantal sa paa nya dikopo alam kung Anong klaseng skin rashes po ito.
Usapang seggs
I know masyadong private neto para ipost pa dito kaso naba-bothered talaga ako sa tuwing naiisip ko yung kinakatampo ng Mister ko. Mula kase nung manganak nako tapos nakapagpaturok nako ng sa family planning eh gusto nya na agad na mag seggs kami eh syempre nakikitira palang kami sa mga magulang nya parang sa tuwing gusto nya makipag seggs nahihiya ako natatakot ako na baka may pumasok sa kwarto namin ganon, iniisip ko Kung ano bang maiisip Nila pag kapapanganak ko palang e nagseseggs na agad kami. HAHAHA kaya ayon naiinis sya sakin kanina nagsosorry nalang ako kase diko talaga sya mapagbigyan tapos bago sya pumasok ng work Sabi nya Anlaki naraw ng tampo nya sakin😩😣Diko lang alam kung pano ko sya kakausapin hehe. Nakaka overthink narin na baka mamaya nyan ng dahil don e iwan nyako or ipagpalit☹️
Mommy thingy🤱
Ewan kung totoo to o ayaw lang Nila, Kapag daw nanay kana limitado nadaw lahat ng susuotin mo. Hindi kanadaw dapat nagmemake up pa kahit yung pagdating sa damit dapat daw t-shirt at pants lang Hindi kadaw pwedeng magmaikli or dress okaya ay crop top dahil Hindi kanadaw dalaga para Gawin pa yung mga yon🤔 for me Hindi Naman pinagbabawal dapat yun Diba?porket naging nanay na yung isang tao pagbabawalan na agad sa damit na gusto nyang suotin at sasabihan pang pokpok? Karapatan din naman ng mga nanay na magsuot ng damit na gusto Nila at mag-ayos bakit Hindi hayaan kung San sila komportable at kung saan magigain yung confidence Nila sa sarili?nakakainis lang pag nakakarinig ako ng ganon tapos yung mga nagsasabi pa e Yung mga naging nanay nadin😣😩
pelvic organ prolapse
Hindi kona alam Ang gagawin ko Mula nung nanganak ako andami ng problema yung pumasok sa buhay ko una nagka Pnumonia anak ko 26 days palang sya non tapos hanggang ngayon nagpapagaling pa Hindi pa sure kung effective ba sakanya Yung mga gamot na tinetake nya 4days padaw kase pagkaubos ng gamot bago malaman kung effective nga ba. Tapos napansin ko na parang may lumabaw sa pwet ko na laman Sabi Nila baka almuranas daw yon pero Hindi Naman sya dumudugo pag dumudumi ako Hindi Naman sya Malaki, maliit lang sya tapos yung tahi ko Hindi padin magaling masakit pa sya though may ointment Naman ako na nilalagay dun its been 1 month na yung tahing yon sa pwerta ko (litas kase)and nung magpapalagay ako kagabi ng ointment sa Mr ko Sabi ko gusto Kong makita yung tahi ko Kung pagaling naba Sabi ko picturan nya pagka picture nya napansin nya yung sa pwerta ko na parang laman na nasa may bukana Hindi Nan sya ganon kalaki tinanong ko sa mama ko Kung ano yon Sabi nya buwa daw 😔 kaya pala Mula nung nanganak ako pakiramdam ko lagi may nakabara sa pwerta ko parang malaglag sya pag umiihi,dumudumi o kumikilos ako (pelvic organ prolapse) Yung tawag dun which is normal Naman daw Ang kaso operahin sya lumalaki sya pag Hindi naagapan agad depress na depress nako Hindi ko alam kung San Pako kukuha ng pera pang paopera para matanggal lang to ni Hindi padin gumagaling anak ko na may Pnumonia 😭
Open up lang Sana ako about sa family ng Asawa ko🙂👍
check up ng anak ko nung nakaraan and Ang findings ng pedia e may Pnumonia daw po Yung baby ko simula palang nung day 1 na nagkasipon sya sinabi kona agad sa Asawa ko na ipacheck up namin kase ayokong umabot sa ganto kase uso nga sa baby e pero Sabi ng byenan ko normal lang daw yon sa bata atsaka parang inaano nya na Over ako Maka react sa mga nakikita ko Kay baby kesyo wag mong pansin normal lang yan hanggang sa napansin Ko ng inuubo sya Sabi nya Hindi Naman daw eh Hindi Naman Kasi sya yung laging nasa tabi ng anak ko kaya pano nya malalaman na Hindi inuubo baby ko 😒 hanggang sa lumala Yung pag ubo nya madalas na Lalo na yung sipon nya nagkaroon nadin sya ng plema kaya pinacheck up ko nung una ayaw pa hayst tapos nung nalaman na namin na Pnumonia nya nga daw ayon asakin lahat ng sisi buong pamilya nya kahit sya na asawA ako sinisisi ako kesyo kasalanan ko daw dahil pabaya akong ina chinichissmiss Pako sa lahat 🙂👍Ang Sabi nila kasalanan ko daw dahil nagsasando ako tapos naglilinis ng katawan sa Gabi kung ano ano daw kasi kinakain ko baka daw natuyuan ng pawis si baby (eh lagi ko nga syang alaga sa palit lagi ko din minomonitor on time) baka daw dahil naka electricfan lagi (knowing that my baby is banasin) Sabi pa sakin Nila lagi ko daw tignan yung likod nya palitan ko daw lagi ng damit aba Ang lagay ay Hindi Baga po ako kailangang matulog?magpahinga?Ang hirap kase pag taga province Asawa mo andaming pamahiin ng dahil sa pamahiin Nayan Lalo lang nagkasakit anak ko nirerespeto ko naman pamahiin Nila pero kase po bat parang mas magaling pa sila sa Doctor?sakanila daw ako maniwala wag daw sa Doctor why would I trust them e Hindi Naman sila nakapagtapos lahat ng medisina?pinipilit Nila sakin yung mga pamahiin nilang yon na pag uminom ka ng malamig madede yon ng anak mo na kapag naligo ka o naglinis ng katawan mapapasukan ng lamig anak mo you know andami Nila laging say hanggang sa eto nalang pinagaawayan namin ng Asawa ako kase syempre ako masama ako pabayang Ina kwento ng nanay nya yon e depress na depress nako to the point na Hindi nako nakakatulog kakaisip kung Anong ginawa Kong mali para magka Pnumonia anak ko btw before nagkasipon anak ko naalala ko nagkaroon sya ng contact sa kapatid ng Asawa ko na bunso na may sipon at ubo tapos yung tatay nya nagsisigarilyo din sa Salas okaya kahit malapit lang sya Kay baby Hindi konaman mapagsabihan kase matapang yon baka mamura lang ako yun lang yung mga possible reason bat nagka Pnumonia anak ko baka sa second hand smoke tapos okaya nahawa sya Hindi kona alam Ang gagawin ko mababaliw na ata ako kakarinig ng mga opinion Nila lagi nalang ako yung mali Hindi konaman ma explaine side ko dahil andami Nila isa lang ako🥺