Selfish na ate?
Mga mamsh, ito po ang kwento ko. 35 years old na po ako, ngayon lang ako nakapag asawa at nagbuntis. For the longest time, sinusuportahan ko po ang nanay, tatay, lola at kapatid kong 24 years old. Pinag aral ko po ang kapatid ko pero hanggang ngayon wala pa rin siyang trabaho. 21 years old siya nung nag-graduate siya from college. She can't seem to hold down a job, ang katwiran nya ay nagkakasakit daw siya pag panggabi ang shift. Parang kinukunsinti pa siya ng parents ko. Parents ko naman parang komportable na silang tumatanggap lang parati ng intrega sa akin, aba ayaw na magsipagtrabaho. Panay facebook lang sila, online games, kain tulog. Katwiran nila maysakit na daw sila, matanda na raw (50+ lang sila), at kung ano2 pang excuse nila para umasa sa akin. Parang favorite pa nila 'yung kapatid ko laging pinapaburan sa lahat ng bagay, binibilhan ng kung ano, etc. samantalang ako itong buntis never nilang pinagluto man lang ng breakfast (i start work very early) o binilhan ng mga treats. Suggestion pa daw nila pag nanganak ako is ipalit ko sa work ko ang kapatid ko para tuloy ang sustento?! Hindi ako pumayag mga mamsh, kasi una sa lahat, trabaho ko 'yun at hindi ako pwedeng magsalpak ng kung sino na hindi ko alam kung magagampanan yung role ko ng maayos (full time online job siya). Pangalawa, gusto kong magleave when i have to deliver my baby! May karapatan naman siguro akong magpahinga, ano po? Lalo na mukhang ma-CS pa ako nito. Pangatlo, hello, 3am ang start ng work ko! Anong oras na ba nagigising kapatid ko -- alas dose ng tanghali?! Kalokohan. Ni hindi nga siya makabangon sa umaga to feed her dogs. Papano, anong oras na rin siya natutulog kaka-facebook at online games. Anyways, For the longest time nagpasensya ako sa setup na ito pero ngayong may sarili na akong pamilya, gusto ko na sanang tumigil sa pagsusustento sa kanila.. para na rin maobliga sila lalo na kapatid ko na magtrabaho. Selfish ba ako mga mamsh? I mean, hindi ko naman sinabing magwork siya para bigyan ako ng pera. Syempre gusto kong makapagwork siya for her future (hello, 24 na siya!) And makapag suporta rin siya dito sa bahay. Ano sa tingin niyo??