Pregnant need advice

#1stimemom Hello, ask ko lang po if okay na mabuntis ang 23 years old? Hindi po ba masyadong bata pa? Buntis po kase ako at hindi ko pa nasasabi sa family ko. Natatakot po ako. Almost 3 years na din po ako graduate ng college. Need advice po, natatakot ako baka madisappoint parents at mga kapatid ko sa akin. 😭

44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi! Just wanna share my story while my baby is asleep shh! 💤 21 yrs old nabuntis, now I am 22 yrs old with a 2 months old baby. My story is unbelievable but yes nalihim ko pagbubuntis ko for almost a year. At the age of 18 hndi nako umaasa sa Papa ko, single father siya with a partner now, wala na mother ko because of cancer 9 yrs ago and panganay ako sa tatlo kong kapatid. Nagwork nako at 18 and super independent and mature enough dahil namulat agad sa problems and reality ng buhay. Nagwowork ako for myself and pag may extra nagbbgay sa mga kapatid and bills to pay. My siblings and I were living at my grandma's house, but when nag-away kami ng lola ko tumira ako sa house ng boyfriend ko (5 yrs in a rel and legal both sides) while working, then boom! nabuntis after a few months living in their house. At first I want to abort the baby because I'm too young and not yet ready sa mga masasabi ng relatives ko specially at my Father's side dahil super conservative sila. Then after I gave birth, I decided to tell to my siblings and of course sa Papa ko. And super expect ko magagalit siya pero HINDI, since pandemic and lockdown we just talk thru videocall and when I saw Papa I already cried and said sorry. Then he replied "nanjan na yan eh, wala na tayo magagawa jan. Magdasal ka na sana gabayan ka ni mama mo at sabihin na sa pamilya natin para di mahirapan lumaki ung bata." And then when he saw my baby, para siyang iiyak na naka-smile. Then my heart feels like matutunaw sa sobrang happy. And now onti onti ko nang sinasabi and nagkaron nako ng lakas ng loob because of my Papa and with the help of other relatives na magsabi sa iba. And that's it. Just give faith and patience to yourself and I believe to the saying that "Everything will be okay!" I hope it helps to lessen your kaba, and ofc don't stress yourself. It may affect ur baby. Just think Happy thoughts! Godbless you and ur baby!

Magbasa pa

Hi. Share ko lang yung sakin na story tulad nyang ihinihingi mo po ng advice 😊 I'm turning 23 this coming monday. 2nd pregnancy ko na to ngayon. Kaka22 ko lang nung unang pregnancy ko but sadly nakunan ako nung una. Syempre kung sa magulang at mga kapatid po nakakadisappoint talaga sa side nila. Lalo ako kasi ako ang inaasahan. Disappointed talaga sila. Lalo si papa kasi matapos daw ako pag aralin mag aasawa lang. 2 weeks before kasi malaman na buntis ako namanhikan na yung partner ko. So ayun namanhikan nga. Tas biglang paglipas ng ilang linggo malalaman buntis ako. Sobrang nadisappoint sila sakin nung una pero tinanggap nila. Andon na e buntis na. Alangan namang ipaabort pa diba? Mali naman yon. Ayun kahit ganon okay naman sila sakin, samin. Tinanggap pa din nila ako. Then ito pang pangalawang pagbubuntis ko. Mag aapply na kasi sana ako dahil nakapasa nako sa exam. Anyways, criminology graduate ako. So expected na na mag aapply tas eto buntis ako ulit. Feeling ko disappointed pa din sila pero tanggap na tanggap naman nila. Kahit bumukod nako nakakatulong pa din naman ako sa kanila. Protective pa nga sila ngayon masyado sakin dahil sa pagbubuntis ko. Sa una lang po yan matatanggap din nila yan 😊 syempre apo nila yan mamahalin at mamahalin pa din nila yan. Be positive lang po. God bless 😇😊🙏

Magbasa pa

Pregnant din ako ngayon at 22 turning 23 next month. 6 months na tiyan ko mamsh same tayo haha hanggang ngayon di kopa nasasabi sa family ko na pregnant ako. Almost 3 years na din ako graduate and currently working. Nakakatakot kasi magsabi especially pag panganay ka kahit na legal kame both sides ng bf ko. May mga pagkakataon na sinasabi na talaga namin indirectly kaso parang hindi naniniwala yung mama ko 😅 Tabain kasi ako kaya akala nila bilbil lang yung tiyan ko and every since irregular na talaga menstruation ko kaya di nagtataka mama ko bat ilang buwan nako di nireregla. Just like you, takot din ako magsabi nakakatakot kasi yung makikita ko sa itsura nila yung disappointment. Ang hirap lang ng situation na ganito kasi wala ka talagang support system aside sa partner mo. Buti na lang di ako maselan na nagbuntis never ko naexperience yung pagsusuka, hilo at cravings and my partner and I were lucky enough na may work kameng dalawa kahit pandemic ngayon. We were able to save para sa needs ni baby and panganganak and at the same nakakasupport pa din sa family. Tiwala lang mamsh and pray lang magkakaroon din tayo ng lakas ng loob na sabihin sa family natin. Everything will be okay. 🙏😇

Magbasa pa
3y ago

sa tingin ko napapansin nayan ng mama mo momsh hinihintay nya lang na ikaw mismo ang magsabi.Aminin nyu hanggat hindi pa lumalabas mas ma didisappoint mama mo at tsaka masasaktan din dahil nilihim molang kaya hanggat maaga pa amini mona.Base yan sa na experience ko 7mos.preggy ako now 1st tym din.😊

Hello sender! 24 years old here. Ako din 23 nung nabuntis. Panganay din ako. So, ayun sobrang laki ng disappointed saken ng parents ko nung nalaman na nabuntis ako. 5 months pa lang kami ng boyfriend ko nun. At nag aaral ako. 4 months na yung tiyan ko nung sinabi ko sa parents ko. Pinagpray ko muna yun bago sabihin kasi sobrang takot na takot talaga ako lalo nambubugbog papa ko at mabunganga mama ko. You need to take the risk. Kasi andyan na yan e. May sasabihin at sasabihin talaga sila. Pero kelangan mong tanggapin yun kahit masakit at sobrang sakit. Iniyak ko lang yun. heheheh. Nagtapat kami ng boyfriend ko about sa sitwasyon ko. After 2 weeks namanhikan na sila. Tapos pinagsama na kami ng boyfriend ko sa kanila. Tapos bumukod na kami. Mahirap din itago lalo lumalaki si baby sa loob. Kawawa si baby. Buntis ako during thesis and ojt. Graduating nako ngayon. To God be the glory! And after my OJT, nanganak ako via CS delivery. 2 months old na baby ko. Ngayon tuwang tuwa na sila nung nakita baby ko at proud sila kasi nakagraduate nako ng college.

Magbasa pa

Hi!! 23 years old din ako. Nabuntis ako last year habang nandun ako sa side ng bf ko, 7 months na tiyan ko nung umuwi ako sa bahay. Pag uwi ko syempre shookt si mama. Nagalit, Umiyak, Nadisappoint. Lahat ng sinabi nya tinanggap ko kasi mali naman talaga mabuntis ako ng maaga lalo na stop ako sa college ngayong pandemic kasi di afford ang online class lalo mahal tuition. Ayon, natanggap din nya pero nandun pa din yung disappointment. Magtatapos pa din ako ng pag aaral kahit may baby na ako. Btw, di alam ng papa ko. Nasa probinsya sya, di pa namin gusto sabihin kasi baka mabigla lalo malayo sya sa amin. Pero sabi ng mama ko, magtapos pa din ako kahit na nandyan na si baby, yun lang ang gusto ni papa. Kakapanganak ko lang last july, ok naman si mama tinutulungan nya ako mag alaga kay baby 🥰

Magbasa pa
VIP Member

Okay lang po yan, mas mahirap po mabuntis ng 30+ na marami na kasi complications at baka mahirapan ka na din mag buntis. turning 25 na ako at masasabi ko na okay na din na nabuntis na ko para sure na healthy kami ni baby at di pa kame masyado matanda ng asawa ko, kasal naman kami haha nasa plano naman kaya masaya din kami na may blessing na dumating unexpectedly (kasi nahirapan kami makabuo lagpas 1 or 2 yrs kami nag ttry) Tsaka maganda din po yan nasa early 20's magkaanak para kasama mo mag grow yung baby mo. Sa parents mo naman po imposibleng di yan sila ma excite hahah. wag ka po kabahan basta kaya nyo naman buhayin si baby wala po magiging problem dyan. tiwala lang ❤️ may reason po bakit sya dumating sa ganyang age mo na di mo inaasahan 😊

Magbasa pa

Ako po 22 yrs old na teacher na po ako at nung nalaman kong buntis ako medyo kinabahan ng slight pero alam ko po na hindi naman na ako pagagalitan ng parents ko kasi legal naman kami both sides at turning 7 years na po kami in a relationship ng boyfriend ko. Medyo disappointing lang kasi nauna mabuntis kesa maikasal at hindi parin po prepared pero alam ko naman po na supportive ang parents ko kaya hindi na po ako natakot magsabi. Kaya nyo yan mamsh, normal lang na matakot pero saan pa ba pupunta yan kundi sa pag amin din. 🤍 Magsabi ka na po para masabihan ka din ng mga advice, malay mo matuwa pa sila na magkakaapo sila. ☺️

Magbasa pa
VIP Member

23 yrs old ako nabuntis at nanganak. nung feb lang kami kinasal ni hubby 4 months na tiyan ko nun. yes nabuntis ako before kami ikasal. 😅 di naman nagalit mom ko kasi expected na niya kasi halos nagsasama na rin naman na kami tuwing bakasyon ni hubby. next year pa talaga plan namin magpakasal but since meron na si baby kinasal na kami ngayong taon dun din naman kami pupunta bat p raw namin patatagalin. medyo mas tampo lang parents niya nung una but eventually natanggap din nila. sa una lang sila madidisappoint or matampo at magalit pero matatanggap din nila lalo na pag lumabas si baby.

Magbasa pa

I'm 23 na din and nxt month due date ko. Nag resigned ako ng work before pandemic akala ko makaka apply agad kso pandemic nga nahirapan makapasok ng work. Nung malaman kong buntis ako syempre natakot din sbihin sa family kse isa ako sa mga inaasahan na mag provide. Lakas loob kong inamin and thank God dahil naunawaan nila ako. Khit naistress ng bongga sa pagbu-buntis kinakaya pa din, para kay baby at kay partner. Pagiging ina at asawa muna. ang career ko ngayun and hoping soon makabalik sa career. Pray lng tayo at hingi ng guidance kay God. 😇❤️❤️❤️

Magbasa pa

hello po share kolang experience ko😊 ako 24 years old turning 25 next month 8 mo. pregnant nung una natatakot din akong magsabi sa mga magulang ko pero nilakasan kolang loob ko dahil Hindi ako nakakatulog sa Gabi knowing na may itinatago ako sa kanila 5 weeks pregnant palang ako nang nagtapat kami ni hubby then 3 months na Yung tiyan ko nung ikinasal kami sa una sobrang Galit and disappointed sila esp. si papa pero kalaunan natanggap din Nila tiwala lang po 😊pray kalang malalampasan morin Yan and I'm sure maiintindihan Karin nang family mo☺️

Magbasa pa