depressed

Mga momsh pa advice naman po. Nadedepressed ako sa family ko esp. sa nanay at auntie ko. Sinisisi nila ako na maaga akong nag asawa (24 years old na ako) at magkaka baby na. Hindi ko man lang daw naisip ang apat na kapatid ko na nag aaral pa lalo na't laborer lang ang tatay ko pero nakakatulong naman na yung kuya ko na nasa abroad. Medyo ok kasi yung sinasahod ko kaya marami akong napaayos at nabili para sa bahay nung dalaga ako tas bigla nalang akong nabuntis at nagpakasal kaya galit sila saakin. Naaawa din ako sa mga kapatid ko kaya tinutulungan ko parin sila sa pag aaral. Ayaw kong masyadong malungkot kasi alam kong nalulungkot din si baby.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Magiging okay din po yan.. basta tumulong ka lang hanggat kaya mo, maiisip din nila na kahit nag asawa ka na nakakatulong ka parin :)

VIP Member

waq mu nalanq muna intindihin un iniisip nila mas isipin mu un kalaqayan nq baby mu .. pasasaan b at matatanqqap din nila yan ..

5y ago

Thanks Momsh. 😊