Walang Silbing Kapatid

Sa pamilya niyo ba may tamad na lalaking anak na matanda na, nag-graduate na, pero hindi pa rin naghahanap ng trabaho? kakainis kuya ko. 46 years old na wala pa ring ginagawa! dependent lang sa nanay namin. normal ba sa pinoy family ang ganito? kasi may kilala rin akong mga ibang pamilya na walang silbi ang anak na lalaki

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

well, my brother. haha yun feeling na eldest sister ka. and then separate with our papa tapos ako yung inaasahan ng mga kapated ko. and even buntis ako till now i look after my sisters and brother but then when needed some help sa brother ko binabalik lang sakin yung utos ko like nakaka.insulto lalo na kahit sana utang na loob nya man lang sakin kahit simpleng gawain lang which is pagod na ako instead magpahinga ako. kaya what i did to him. after namin maglipat ng tirahan i told him that im not ready to accept him at home since wala sya respeto sakin so i give him a lessons at iparamdam sa kanya na mahirap makitira or tumira ng wala ang pamilya niya. he always ask our mom na kung pwdi na ba sya bumalik but then i told mama no im not ready. his taller and bigger than me. i told him and help him whenver he tried to learn and earn by itself. pero ayaw niya makinig. pero alam ko kapated ko parin yun nag aalala lang siguro ako and mom. yet matutunan niya rin sana mga payo ko at mga alok ko na tulong sa kanya.

Magbasa pa

Opo daming ganyan sa family ng pinoy😅nasanay kasi na lagi may natatakbuhan ayun d na marunong maghanapbuhay.. Yung tito ko po ganyan sa lola ko. Hanggang apo sa tuhod sya nagpapaaral kasi walang mga trabaho, nasa bahay nila pa nakatira lahat. Lahat kay lola. Pagkain, tuition etc. Namatay c lola nitong Oct. Pinapaalis na sila ng mga kapatid nya sa bahay ng lola walang kapera pera. Ultimo bday cash gift ni lola from govt na 5k. Dinaya nila pirma ma claim lang kahit patay na, sabi pa nila nagpapahinga dw kasi si lola sa bahay kaya sila inutusan😅.. Hayss grabe po heheh.. Now is their karma na no choice na need na magbanat buto.. Dadating tlaga ang araw na ito 😎 share ko lng😬

Magbasa pa

Sa family ni hubby ko ganyan.yung kapatid niyang tomboy at bunso na babae din pareho graduates ng college pero ni minsan di nagtrabaho.yung tomboy is 37 na and yung bunso nila is 34.yung bunso my isang anak at kalive in haha malala wala din trabaho ang kalive in yung MIL ko nagtitinda sa palengke ng mga gulay para mapakaen sila.mga needs ng apo nya sya ngpoprovide.pag galing palengke yung MIL ko nagwawala pagdating sa bahay kasi wala pa madatnan na makain tulog pa mga alaga nya.mabuti ibang iba hubby ko sa kanila naging succesful chef sya and masipag talaga.lalo ngayon buntis ako sya gumagawa mga gawain na mabibigat.MIL ko pala is 69 na.

Magbasa pa

Sa pamilya din namin madaming ganyan. Sobrang nakakafrustrate. Malakas yung loob nila kasi may sumasalo sa kanila. Minsan naiisip ko sana hinde nalang sila tinutulungan para matuto magsikap pero sa culture kasi natin hinde matitiis ng mga magulang or ng mga ibang kamag anak. Basta tutulungan hanggat kaya. Kaya walang pressure on their part na maghanap ng trabaho, lagi nalang naka depende sa iba. Siguro matatauhan sila kapag wala na tumutulong sa kanila.

Magbasa pa
6y ago

Agree ako diyan! Na hanggang kaya, susuportahan kahit naghihirap na. Ganyan ang Pinoy, ma-self-sacrificing

May kilala akong ganyan..napakatamad ultimo brief nya lola nya ang naglalaba..pagkagising sa umaga babangon lang at mag ce-cellphone..kakain at ni d marunong maghugas ng pinggan o maglinis sa bahay, tatambay sa computer shop..hihingi ng pera sa lola nya minsan kukupit pa. D namn mayaman pro feeling mayaman kung umasta..prang muchacha yung turing ya sa lola nya...walang kwenta..

Magbasa pa

Nasa pagpapalaki po ng magulang yan, kung ganyan n katanda or may pamilya na pero nakaasa pa din sa magulang, yung ngpalaki po ang may fault para sakin. Hindi n tamang pagpapalaki un kasi pano kung mawala n inaasahan nila, ano mangyayari sa knila kung di nasanay mgbanat ng buto?

Meron. Ate ko hndi nakapag tapos, walang trabaho, papa ko pa nag papaaral sa anak nya. Sa private school pa ha. Sagot pa ng papa namin lahat pati pgkain nila. May ka live in na sya pero parehas sila wala trabaho. Every weekend nasa inuman.. Sakit sa ulo. Blacksheep kumbga

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-40870)

Yung brother ko although lagi sila kinakapos at nangungutang lagi sa ate ko or sakn (esp. ngayon na nanganak asawa nya) still nagtatrabaho pa rin (pero minsan tinatamad pumasok)😒

Pero sobrang tanda naman niyang kapatid mo. Ang normal eh yung mga 20plus plang at palamunin pa. Walang hiya at di na naawa sa magulang mo.