Selfish na ate?

Mga mamsh, ito po ang kwento ko. 35 years old na po ako, ngayon lang ako nakapag asawa at nagbuntis. For the longest time, sinusuportahan ko po ang nanay, tatay, lola at kapatid kong 24 years old. Pinag aral ko po ang kapatid ko pero hanggang ngayon wala pa rin siyang trabaho. 21 years old siya nung nag-graduate siya from college. She can't seem to hold down a job, ang katwiran nya ay nagkakasakit daw siya pag panggabi ang shift. Parang kinukunsinti pa siya ng parents ko. Parents ko naman parang komportable na silang tumatanggap lang parati ng intrega sa akin, aba ayaw na magsipagtrabaho. Panay facebook lang sila, online games, kain tulog. Katwiran nila maysakit na daw sila, matanda na raw (50+ lang sila), at kung ano2 pang excuse nila para umasa sa akin. Parang favorite pa nila 'yung kapatid ko laging pinapaburan sa lahat ng bagay, binibilhan ng kung ano, etc. samantalang ako itong buntis never nilang pinagluto man lang ng breakfast (i start work very early) o binilhan ng mga treats. Suggestion pa daw nila pag nanganak ako is ipalit ko sa work ko ang kapatid ko para tuloy ang sustento?! Hindi ako pumayag mga mamsh, kasi una sa lahat, trabaho ko 'yun at hindi ako pwedeng magsalpak ng kung sino na hindi ko alam kung magagampanan yung role ko ng maayos (full time online job siya). Pangalawa, gusto kong magleave when i have to deliver my baby! May karapatan naman siguro akong magpahinga, ano po? Lalo na mukhang ma-CS pa ako nito. Pangatlo, hello, 3am ang start ng work ko! Anong oras na ba nagigising kapatid ko -- alas dose ng tanghali?! Kalokohan. Ni hindi nga siya makabangon sa umaga to feed her dogs. Papano, anong oras na rin siya natutulog kaka-facebook at online games. Anyways, For the longest time nagpasensya ako sa setup na ito pero ngayong may sarili na akong pamilya, gusto ko na sanang tumigil sa pagsusustento sa kanila.. para na rin maobliga sila lalo na kapatid ko na magtrabaho. Selfish ba ako mga mamsh? I mean, hindi ko naman sinabing magwork siya para bigyan ako ng pera. Syempre gusto kong makapagwork siya for her future (hello, 24 na siya!) And makapag suporta rin siya dito sa bahay. Ano sa tingin niyo??

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

gulpi ang aabotin nyan sakin pagkapatid ko yan! haiiii naku, ganyan talaga. When people are used to seeing us independent and strong, they don't even bother knowing how we are. As if we are robots. Tsk tsk. Ang gamot jan, umalis kayo jan at bumukod. Wag mo ng sustentohan.

VIP Member

Un sa magulang in my opinion it is okay to help them as long as you can, (siguro bawasan m nlng un bibigay mo) kasi we will not be where we are now without them. Pero sa kapatid mo, dpat mag mature na sya hanap na sya work he's not your responsibility.

Hindi ka selfish. Isa ka lang pong mapagmahal na anak.😊 Nasa tamang edad kana para magdesisyon sis. Kung baga, time mo na para sa sarili mo lalo na at magkakababy kana.❤ Wag masyadong magpakastress sis.

Minsan tanong mo parents mo kung mamahalin ka pa rin ba nila kung di ka na magbibigay ng pera. Kasi kapatid mo ganon eh. Mahal nila kahit walang binibigay! 😂 Fair lang yan siz. Go. Hahaha

5y ago

Trot!!! Natawa ako d2..😁

VIP Member

Kung gusto nyo po na matoto yung kapatid nyo. If nkatira pa dn po kayo sa parents mas mabuti pong bumukod na po kayo para magsikap din po ang kapatid.nyo.

sis its time for you na bumukod na dun ka na sa partner mo kung cs ka para maalagaan ka nila mahirap ma cs sis 1 week kang feeling baldado

Naku sis hanggat nakasandal sila sau hindi cla gagalaw, ur having a family on ur own na start saving n ksi mas mahirap ung walang ipon.

Bumukod na lang kayo nang bahay nung Asawa mo since kasal naman kayo. Yun lang ata ang pinaka magandang gawin sa situation mo.

Teach them how to fish rather give them a fish. Di po pagiging selfish yun, prioritize mo na fam mo mumsh

5y ago

Gustuhin ko man po na i-prioritize ang sarili kong family, more than half ng kinikita ko ay ibinibigay ko pa sa parents ko. Hindi tuloy kami halos makaipon para sa panganganak ko o para sa future ng baby namin. Asawa ko rin nagggrocery pa para sa amin lahat, at nakikihati sa bills. Nakakainis na po mga mamsh. Parang abuso na talaga ang nangyayari.

Up