Rant Ng Future Mama

Hi mga mamsh. Im 3 months pregnant. Mag rant sana ako about my bf. OA lang ba ako at dramatic kung nagtatampo ako kasi ayaw nya sa suggestion ko na ikasal kami bago ako manganak man lang. Ang dahilan nya kasi wala pang pera sa kasal unahin daw muna bahay. Ipon lang daw konti madali na lang daw ang kasal. Ang point ko naman kasi kahit simpleng kasal lang maging legitimate naman ang anak ko diba. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko. Iintindihin ko ba sya sa reason nya o ipipilit ko yung kasal? Thanks mamshies. Godblessyou

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Parehas kayo may point mommy. Pero medyo sensible din kasi yung sinasabi ni boyfriend mo. Totoo na madali lang ang kasal kapag wala na masyado expenses at pag nagpakasal din kayo, automatic na magiging legitimate si baby. Mabilis lang process nun sa civil registrar. May mga bagay na mas kailangan pagtuunan ng pansin gaya ng bahay (mahirap makisama sa inlaws, trust me) at expenses ng baby nyo lalo na panganganak and mga gamit. :) Siguro pag usapan nyo nalang ng maigi. Kapag kasi magpapakasal kayo kahit civil, gagastos kayo around 15k, di pa kasama handaan dyan. Kung comfortable kayo gumastos ng ganun aside sa mas mabibigat na expenses, okay lang naman pero kung hindi pa kaya ng sabay sabay, mas ok na magprioritize. Sensitive talaga tayong mga buntis, normal lang yan pero may point din si bf mo. :)

Magbasa pa
5y ago

Thank you