Kasal gaano katagal ang process

Hello po. Pa-rant na rin po. Ilang mos or weeks kaya aabutin ng kasal? civil lang po. 30weeks na ako at saktong aalis na josawa ko papuntang Japan start date ng work nya is jan 1, 2024 di pa alam kelan ang lilad nya papunta dun. Nasasagi sa usapan namin yung kasal pero palagi nyang sinasabi na kung anong plano ni God pero sa totoo lang wala naman syang galaw e. Ni di ko nakitang nagpush sya na makasal muna kami bago sya makaalis puro lang salita na pagsusumikapan nya daw at wag ko daw syang ipressure kasi maraming gastusin lalo na malapit na akong manganak. Well may point naman sya kaya di na ako nag oopen about sa kasal kasi feeling ko nagmumukha akong desperada at ayoko namang makasal kami dahil pinilit ko lang. Lagi nya sinasabi na pag usapan daw namin pag uwi pero never namang nangyari.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

as for me, mas ok talaga na ang lalaki ang magpursigi pagdting sa pagpapakasal dahil sya ang lalaki sya ang leader of the family 😊 since ito ay lifetime contract kinakailangan ay buo ang loob both parties ... share ko lang po... 2020 nang mabuntis ako ng aking first bf hindi kami nakasal kaagad dahil kasagsagan ng pandemic which is "side" ko ung nagmamadali pro prangka kong sinabi sa knila na uunahin ko muna ang panganganak ko kasi magastos kako. at wala din nagschedule ng kasal non dahil nga mataas ang kaso ng covid positive .. Fast forward 2021.. 9 mos na baby ko out of nowhere binigyan ako ng partner ko ng pera 20k sabi nya "magtanong ka ng requirements sa munisipyo para sa civil wedding. payag ka lang ba civil wedding ang kasal natin?" shempre ako naman nagulat hehe sabi ko kahit anong kasal basta legal 🤣 ayun wala pang 3 weeks ko inasikaso dahil nga working sya ako ang kumilos. nalaman nalang ng family ko may schedule na kami ng kasal. Ang tatay ko happy at gulat kasi pinapunta ko sya ng munisipyo para pumirma ng guardian consent dahil 24 palang ako nun, at nakagawa nako ng DIY invitations para sa intimate wedding namin though ung 20k dinagdagan pa ng mister ko ng additional budget pero keri na atleast nakaraos. bilang lang din ang guest pinakamalapit na tao lang sa amin.

Magbasa pa

As long as may available schedule, pwede naman po. Kahit na sa simbahan pa yan, kung available ang pari ay pwede na kayo magpaschedule as long as kumpleto nyo na requirements (marriage permit, seminar, etc.) Siguro po 1 month prep para isecure yung mga permits and other documents and requirements ay pwede na kung asikasuhin nyo agad. Pero my unsolicited advice: huwag nyo po madaliin ang kasal, specially kung may nakikita kayong red flag sa partner nyo. Hindi po mawawala ang mga problema nyo kapag nagpakasal kayo, baka nga madagdagan pa. Kung matinong lalaki po partner nyo, kasal o hindi ay pananagutan at aalagaan kayo nyan. Pero kung hindi talaga sya matino, then you'll be better off na hindi kayo kasal para malaya ka pa ring umalis kung gugustuhin mo. Just my opinion lang naman po.

Magbasa pa

Wag mo sakalin asawa mo miii . Kung feel mo naman na dika niloloko o mahal ka Niya magtiwala ka lang kasi may isng salita Yan kung okay Naman kayo . Kami nga Ng kinakasama ko di kami kasal may anak kami Isa papunta syang Hawaii soon diko binabanggit Ang salitang kasal as long as mahal kami Ng anak ko at maayos din Ang parents Niya Sayo magtiwala ka lang .

Magbasa pa
1y ago

Ay mahirap Po Yun . Kung ako lang di na ako magpakasal sorry ha kasi naloko ka na e . Hayaan mo sya mag decide para sa inyo . Kung iniisip magiging baby niyo dapat Sayo si baby di kawalan mi Ang taong manloloko .

wag nyo Po madaliin KC bka pag umabot kau sa stwasyon na di mo maiintindhan lhat Ng nangyayari bka masabi mo lng sana hndi kana lng nagpakasal.14 yrs kmi nagsama Ng asawa qo pro last year lng kmi nagpakasal sa ksalan Ng bayan civil.right time lng po

mih wag mo madaliin lahat, ako nga po 6yrs na kami ngsasama ni hubby at may 4months baby na kami. as long as ok kami kasi yung ksal andyan lang naman yan e.. formality kung baga tpos after mo ikasal mgloloko bigla si mister.. di mo na pwde mabago

kami tbh 1.5 months lng namin inayos small church wedding namin. maliit lang dn nagastos namin kasi intimate lang. si asawa din ang nag ayos mostly kasi working ako in a medical field kaya busy ako. pg gusto my paraan mi.

TapFluencer

opinyon ko lang po mam. mas praktikal po kong unahin nyu po isipin ung panganganak nyu po then saka nyu na po pagplanuhan ung kasal. kasi mas importante namn po ung bata lalo kong di po on plan budget po kau .

wag ka pa stress mii kase mag kakababy naman na kayo . kung iniisip mo na iiwan ka nya pag nakapag abroad na sya nasa sakanya un . atlis nasayo yung anak mo .. hindi ikaw ang mawawalan mii.

Mii hindi ka po nagmumukhang desperada. Desperada ka na po talaga base sa kwento mo. Hintayin mo pong alukin ka ng kasal,kung ayaw ka pakasalan bat mo ipipilit sarili mo??

kami ng hubby ko 2 weeks lang inantay namin after nun kinasal na agd kami madalian lng din kasi balik sampa na din sya