Rant Ng Future Mama

Hi mga mamsh. Im 3 months pregnant. Mag rant sana ako about my bf. OA lang ba ako at dramatic kung nagtatampo ako kasi ayaw nya sa suggestion ko na ikasal kami bago ako manganak man lang. Ang dahilan nya kasi wala pang pera sa kasal unahin daw muna bahay. Ipon lang daw konti madali na lang daw ang kasal. Ang point ko naman kasi kahit simpleng kasal lang maging legitimate naman ang anak ko diba. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko. Iintindihin ko ba sya sa reason nya o ipipilit ko yung kasal? Thanks mamshies. Godblessyou

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

momsh mas maganda if makasal muna kayo bago lumabas si baby. di naman kailangan engrande. civil lang kasal namin ng asawa ko, wala pa 4k nagastos namin sa kasal. magiging illegitimate po kasi si baby if lumabas siya na di pa kayo legal ng tatay ng baby. dagdag gastos pa kamo kasi iaadopt pa niya ung sarili niya anak to make your baby a legitimate child kahit sa kanya nakaapelyido.

Magbasa pa