HINDI KO NA KAYA

Mali ba na mapagod? Mali bang masaktan?. Bakit pakIramdam ko wala akong kwenta? Ni hindi ako pinapakinggan. Narealize ko na kapag nasaktan ako napagod ako at umiyak ako its either nagiinarte lang ako.. Sabi ng asawa ko wala akong kwenta.. Dahil wala naman akong ginagawa sa bahay kundi mag alaga lang ng anak namin, maglinis ng bahay, magpakain ng aso namin at magluto ng pagkain namin. Wala akong trabaho pero alam ko ginagawa ko yung mga tungkulin bilang asawa at nanay..Sabi niya wala daw ako respeto sakanya dahil sumagot ako para ipaliwanag side ko. Sabi niya wala daw akong utang na loob sakanya dahil sa lahat lahat ng ginawa niya sakin. Hindi ko lubos maisip nung sya yung nangangailangan ng tulong ng pamilya ko at kailangan nya ng matatakbuhan kami ang sumalba sakanya. Wala syang narinig na panunumbat dahil ginawa namin ng bukal sa puso pero bakit sya lagi niya sinusumbat perang ginastos nya sa panganganak ko at sa pag aalaga sa kapatid ko.. napaka dali sakanya muramurahin ako duruduin ako.. Kahit umiyak ako ng dugo sa harap niya sabi niya deserve ko to. Bakit hindi na siya yung taong minahal ko. Bakit nag bago na yung taong mahal ko. Para akong nasa impyerno.. Kami yung typical na kapag nakita mo sa fb mapapasanaoll ka nalang. Pero deep down yung sakit andito hindi nila alam dinaranas ko sa araw araw.. Hindi kpa kumakain busog ka na sa mura. Habang kumakain bitbit ko ang baby namin habang nagpapadede habang sya sarap na sarap sa kain. Maliligo ako wala pang 2 minuto umiiyak na ang baby sya nagllaro ng ML. KUNG ang usapan lang ay pagiging responsable SIYA na yun.. kumikita at sumusweldo ng malaki. Pero sa pagkakaalam ko nag asawa ako hindi para maging katulong.. HINDI ako robot na walang pakiramdam. NASASAKTAN, NAHIHIRAPAN AT NAPAAPGOD DIN AKO.. HINDI AKO NAG IINARTE.. ALAM KO KAPAG MAG ASAWA KAYO MAGKATUWANG KAYO. HNDA NIYONG PAKINGGAN ANG ISAT ISA. MAGMAMAHALAN AT AALAGAAN HANGGANG SA HULI.. MALI PALA AKO. HINDI KO MATANGGAP. HINDI AKO MAHAL NG ASAWA KO. HINDI NIYA AKO KAILNGAN AT LALONG HINDI AKO IMPORTANTE.. GUSTO KO NALANG MAWALA. GUSTO KO MAGPAKAMATAY PER0 PAG NAIISIP KO MUKHA NG ANAK AT ASAWA KO KAHIT PAGOD AT MALUNGKOT HANDA AKONG MAGPATULOY SA BUHAY KAHIT NAKAPIKIT HABANG NILULUNOK ANG NATITIRA KONG PRIDE DAHIL MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO SILA... PINAPANALANGIN KO SA DYOS NA SANA HIPUIN NIYA ANG ASAWA KO AT IPALIWANAG SAKANYA ANG MGA BAGAY NA HINDI KO MASABI SKAANYA DAHIL UMPISA PALANG IBUBUKA KO ANG BIBIG KO AT MAGSASALITA NY NARARAMDAMAN NADIDISREGARD NA AGAD ANG NARRAAMDAMAN KO. HINDI KO MAPIGILAN HINDI UMIYAK. PARANG NADUDUROG ANG PUSO KO SA SAKIT. #1stimemom #advicepls #pleasehelp

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

momsh, stay strong! hindi ka po walang kwenta! yung walanf kwenta is yung pinapabayaan ang mga anak. i salute u for being a good mother na di nakikita ng asawa mong gago (sorry). pls know na hindi ka nag iisa, pls pray to God momsh to give u strength na kayanin kung ano man ang mabigat sa iyo ngayon. Pray pray pray! yun lang talaga advise ko and of course kausapin mo hubby mo kasi walang ibang magtutulongan kundi kayo. If u think na hindi xa nakakikinig, pls talk to someone u trust and who can help u. Wala masama kung priority mo mga anak mo. i hope and pray that ur situation will get better. 🙏 sending vertual hugs ❤

Magbasa pa

Bakit kaya ganun noh ang dali lng pra s lalaki ang magbago at mawala ang pagmamahal bakit sila ganun smantalang tayong mga babae habang tumatagal mas minamahal ntin sila kahit na nsasaktan at nahihirapan tayo patuloy pa din ntin sila minahal,mnsan nakakainis na rin itong puso na to,sobrang unfair! Sa una lang sila magaling!!Kapag nakikita ko yung mga old photos nmin yung mga time na ramdam n ramdam ko p yung pagmamahal nya nasasabi ko nlang sna bumalik kmi s ganun sna bumalik ang ganung feeling kc nkakamis na yung feeling na yun.

Magbasa pa