Tired
Gusto ko lang maglabas ng nararamdaman ko. Hindi ko kasi masabi sa asawa/partner ko na napapagod ako. Kasi nung one time na sobrang pagod ko sinabi ko sakanya. Nagalit sya sakin dahil bakit daw ako nagrereklamo na pagod eh hindi lang naman daw ako yung nanay na napapagod. May ibang nanay din daw na napapagod pero di nagrereklamo kaya dapat daw di ako mapagod dahil yung iba din ganun. Gets ko naman na lahat napapagod. Pero bawal ba magsabi o maglabas ng nararamdaman? Parang wala kasi akong karapatsn mapagod para sakanya. Wala lang. May sakit kasi si lo ilan days na. So gusto lagi buhat and all. And i feel super tired today. 2 kasi inaalagaan ko may 4y/o and 1 month old. Wala rin akong kahelp. Even siya(partner) is not helping me. Di siya nagaalaga kasi ngayon lang off nya and ang inaasikasp niya eh yung family niya. (Parents, kapatid, bahay nila) Masama ba ko na naiinis na dapat pag off nya maghelp naman sya sakin or dito siya samin ng mga anak nya since may family na siya sana samin naman focus nya. Mali ba na magask for time sakanya? Kasi minamasama nya eh. Na kapatid kamaganak naman nya yun. Family niya. Ang sakin lang naman kasi. Kunh may time siya samin. Okay lang. Kaso wala. 0arang ginagawa niua lang bed space bahay namin. Uuwi galinh work tas papasok. Then pag off nasakanila maghapon o nasa tropa o nasa court.