About sa pagpapalaki ng anak, mahirap po ba tlaga? Ftm here po.

Mahirap po ba talagang magpalaki ng bata kapag nakabukod? Sabi ng mil ko mahirap daw lalo kapag walang kasama mag alaga ng bata. Ako at si hubby lang tlaga nag aalaga sa anak namin. Minsan kahit nahihirapan na ko ayoko pa din humingi ng tulong ng iba pagdating sa pag aalaga ng anak ko, gusto ko ako lang. kaya lagi ko pinagdadasal na palagi akong malakas.. sa mga nakabukod po, kinakaya/kinaya niyo rin po ba magpalaki ng anak ng kayo lang mag asawa?

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap, yes. pero kakayanin lalo na kung nagtutulungan. Kami lang din ng husband ko ang nagaalaga kay baby since bukod kami at malayo ang bothe parents namin, sabay pa na pareho kaming working parents (both working as nurses sa isang govt hospital sa QC) demanding ang work load namin pareho kaya pagkauwi sobrang pagod na then magaalaga pa sa baby, (pure breastfeeding din ako so during work i'm pumping habang nagaasikaso ng mga pasyente ko- thank God at may mga portable breastpumps these days 🫰). naguusap lang kami ni hubby salitan kami kung nataong sabay naman na-off kami, isa samin matutulog muna sa umaga then sa hapn naman yung isa. basta support sa isat isa. we requested din sa boss namin na alternate ang duty sched (like mwf or tths or morning/ evening duty kung ano makakayanan sa sched) para magalaga kay baby. may times pa na umaabsent ang isa sa amin pag nagkasabay bigla ang duty sched (di maiiwasan minsan) pero sa awa ni Lord, nakakayanan and nasusurvive namin.. 🙏 mag 1yr old na si baby in 2weeks time. and masasabi kong isang malaking accomplishment sa'ming mag-asawa na nakayanan namin magalaga ng baby (for almost 1 yr ng kaming 2 lang) just make sure lang na maalagaan nyo rin ang sarili nyo magasawa. motto natin ang "BAWAL ANG MAGKASAKIT". kaya eat well, sleep/rest well. take vitamins. dont forget ang water -ALWAYS. mahirap lang sa umpisa pero magagawa nyo yan. 💪 Godbless ❤️

Magbasa pa

Ftm and nakabukod kami. Oo mahirap, pero kung nagtutulungan kayong mag-asawa, lahat malalampasan. Kami ni hubby ay parehong nagttrabaho. Si hubby sa private company, ako naman sa public (gov't). Nung natapos mat.leave ko, walang magaalaga sa anak ko. Kahit byenan ko hindi kayang alagaan kasi senior na. Kaya no choice ako kundi isama sa work anak ko. Very chalenging kasi habang nagwwork ako buhat ko ang anak ko. Araw-araw ganun ang routine ko. Hindi namin afford mag-yaya kasi sa taas ng bilihin eh sapat sa mga pangangailangan namin ang sinusweldo namin. 6months na baby ko. ☺️ sa ngayon nakakaraos. Pagkaka-uwi namin sa bahay si hubby naman ang bahala sa gawaing bahay (like hugas bote, linis ng bahay, pagaasikaso sa mga aso at iba pa) Para saakin swerte ng mga naka wfh. Masusubaybayan nila ang mga baby nila. Sa sitwasyon ko, ngayong nagsosolids na baby ko, hindi ko matutukan kasi nasa opisina ako. Tapos hindi p malayang makalikot ang baby ko kasi either buhat ko o kaya naman nasa stroller lang. Kaya sana makahanap ako ng wfh job. 🥹🥹🥹 gusto ko malayang magkapag explore ang anak ko. Feeling ko kasi nahhinder ang development niya.

Magbasa pa

Same tayo mii, nakabukod din kme. halos kame lang mag asawa ang nagpalaki s anak namen, si hubby ang nagwowork at full time mom ako, pero super thankful ako s asawa ko dhil khit galing work un nakaalalay pa din sya sa pag aasikaso s anak nmen at pati na dn sken 😊 ayun sa awa ni lord nasanay na din kme sa stwasyon nmen mas natuto pa kme pareho na wala kameng inaasahang ibang tao, nakakapagod kahit nasa bahay ka lang hindi madaling magng nanay, sobrang hirap mag palaki ng bata pero kung dalawa kayo ng hubby mo magtutulungan walang imposible lahat makakaya 😊 so far ung baby ko 4yrs na and my paparating ulit na bagong supling 😊 nakayanan namen lahat at ngaun un panganay ko nakakatulong n dn sken khit s maliliit na bagay marunong na hehe 😊 kaya yan miii.. sa una lang mahirap pero pag nakasanayan na, balewala na lahat 😊

Magbasa pa

mahirap tlga mi pag nakabukod at mag alaga ng anak.🥺pero kakayanin para sa anak..swerte ka pag araw2x umuuwi si hubby sa bahay niyo, pero kung hindi.sobrang hirap talga.pero worth it naman, kasi ganyan tlga ang nanay eh para sa anak kakayanin.😍🥰.btw mi, wala kaming katulong,.ako nag aalaga sa baby namin, ng iisa lang tlga ako sa bahay ,at si baby lang kasama ko,.pag di umuuwi sa hubby, btw po MIU po si hubby, kaya always duty.at di makauwi palagi😅nakakaya ko naman nag isa, salamat sa diyos ,dahil di ako at kmi pinapabayaan ni papa God araw2x.🥰🙏😇.1 year old na si baby, nakaya ko naman ,kahit wala kaming katulong.heheheh.kaya mo yan mi.🥰

Magbasa pa

Mahirap mii lalo na kung nagwowork and nag aalaga ka ng baby at the same time. Umiiyak na lang talaga ko sa pagod. Di na rin maasikaso sarili. Ultimo pag ihi, pagligo, Pag kakain.. mabilisan. Kasi hirap iwan si baby ng wala kasama. Kasama pa puyat. Kaya nakakadrain. Better talaga may katulong ka mag alaga kasi kung ikaw lang + household chores bibigay ka talaga. Pero it is better pa din nakabukod. Kasi dun ka talaga matuto bilang nanay.

Magbasa pa

mhirap pero kakayanin po yan ako lng ng alaga ng anak ko lht mahirap po kase pg minsan alaga ng lolo or lola na spoiled po mas ok n nanay tlga at mas mgnda na my takot satin ang bata . mhirap pg pinpakelaman po nila ang pag disipline sa bata kase kada papaglitan mo humhnap ng kkmpi gnun nkita ko sa pmngkin ng asawa ko na alaga ng lolo .

Magbasa pa

FTM here po. Hindi makabukod kasi may anxiety ako pero fulltime ako nagaalaga sa baby ko. Never nag ask ng help pakainin, paliguan or anything, kasi kaya ko naman. Plan din namin bumukod soon pero masasabi ko lang na kaya mo yan. Lalo nat supportive, matulungin at prioritize kayo ng asawa mo. Magiging magaan lahat.

Magbasa pa
VIP Member

Hello. I also live with inlaws, pero ako lahat sa anak ko since newborn, madalas din kaming maiwan na kaming dalawa lang magina. Lalo kung nasa vacation mga in-laws ko at nasa work si husband. Para sa akin ang mahirap doon is yung pagmumultitask between anak at chores at bathroom business.

Magbasa pa

Ftm here. Nakabukod din po kame ng hubby ko. First month ni baby iniiyak ko talaga kase dalawa lang kami ni baby naiiwan sa bahay dahil may work si hubby. Lalo na first time hindi ko alam talaga gagawin. Kinaya naman po 3 months na po baby ko ngayon at sanay na sanay na po.

mahirap talaga kase hindi ka malayang makakagalaw lalo na kung sayo lang gusto ng anak mo pero gagaan kung supported ka ng asawa mo. pag usapan niyo ng masinsinan kung pano magiging arrangement niyo pag bumukod na kayo.

Related Articles