About sa pagpapalaki ng anak, mahirap po ba tlaga? Ftm here po.
Mahirap po ba talagang magpalaki ng bata kapag nakabukod? Sabi ng mil ko mahirap daw lalo kapag walang kasama mag alaga ng bata. Ako at si hubby lang tlaga nag aalaga sa anak namin. Minsan kahit nahihirapan na ko ayoko pa din humingi ng tulong ng iba pagdating sa pag aalaga ng anak ko, gusto ko ako lang. kaya lagi ko pinagdadasal na palagi akong malakas.. sa mga nakabukod po, kinakaya/kinaya niyo rin po ba magpalaki ng anak ng kayo lang mag asawa?

Ftm and nakabukod kami. Oo mahirap, pero kung nagtutulungan kayong mag-asawa, lahat malalampasan. Kami ni hubby ay parehong nagttrabaho. Si hubby sa private company, ako naman sa public (gov't). Nung natapos mat.leave ko, walang magaalaga sa anak ko. Kahit byenan ko hindi kayang alagaan kasi senior na. Kaya no choice ako kundi isama sa work anak ko. Very chalenging kasi habang nagwwork ako buhat ko ang anak ko. Araw-araw ganun ang routine ko. Hindi namin afford mag-yaya kasi sa taas ng bilihin eh sapat sa mga pangangailangan namin ang sinusweldo namin. 6months na baby ko. ☺️ sa ngayon nakakaraos. Pagkaka-uwi namin sa bahay si hubby naman ang bahala sa gawaing bahay (like hugas bote, linis ng bahay, pagaasikaso sa mga aso at iba pa) Para saakin swerte ng mga naka wfh. Masusubaybayan nila ang mga baby nila. Sa sitwasyon ko, ngayong nagsosolids na baby ko, hindi ko matutukan kasi nasa opisina ako. Tapos hindi p malayang makalikot ang baby ko kasi either buhat ko o kaya naman nasa stroller lang. Kaya sana makahanap ako ng wfh job. 🥹🥹🥹 gusto ko malayang magkapag explore ang anak ko. Feeling ko kasi nahhinder ang development niya.
Magbasa pa