Emotional Stress. ?
Lagi nalang. Hinde nya ako naiintindihan. Financial lang ba talaga importante. Dahil ba yun ung natutulong nya ako na sa lahat. Paano naman yung physical mental and emotional help na kailangan na kailangan ko. Bawal na ba talaga magdemand sa asawa. Bawal na magdrama sakanya. Na lagi nalang nya pinaparamdam sakin na pabigat ako. Sya naman naiinis na kasi lagi ko nalang iniisip yun. Paano ko hinde iisipin kung yun yung pinaparamdam nya. Masama na ba akong asawa nun? Naiintindihan ko naman sya eh. Lahat ng kailangan nya binibigay ko. Inaasikaso ko sya, pinaglalaba, hinihintay umuwi galing work, ako nag aalaga kay baby lalo na sa gabi para makatulog sya maayos, pag gusto nya pinagbibigyan ko din naman sya sa gusto nya mangyari. Pero paano naman yung gusto ko? ?? bawal na ba magreklamo? Sa tuwing may masasabi akong negative sa nararamdaman ko sasabihin nya nagddrama ako, immature, kung ikaw kaya magtrabaho, buti nga dito pako umuuwi paano pag sa iba kaya ako umuwi?, umuwi muna kayo sainyo, at kung ano anong pang pagsusumbat. Gusto ko man i explain sarili ko wala nako nasasabi, bigla nalang tutulo luha ko. Mananahimik nalang. Pero ang sakit sakit na sa dibdib. Kasi yung taong gusto mong pagsabihan na akala mo iintindi sayo, di ako maintindihan. ??????????
Minsan ginanyan nga ako na ikaw kaya mag trabaho. Sabi mo sige. Ikaw mag alaga baka wala pang isang oras mag reklamo ka na. Ewan ko lang kung nakakaya mo. Sabihin mo sa kanya. Anong sinasabi mo na buti pa na d2 ka nauwi hi di sa iba?? Anong pinaparating mo dun? May uuwian ka na iba??! Umayos ka kamo! At sbhin mo pag nag sasabi ka ng di kaaya aya sayo, pakinggan nya muna hindi puro susupalpalin ka agad! Para kang di lalaki! Walang respeto! Bawal ba ko mag sabi ng hinanaingi ko minsan??? Pag sya naman kasi minsan ung asawa ko pag niko correct nya, tas magagalit ako sa tingin nya.. pero pinag tatanggol ko lang kSi side ko e eneexplain ko ng mabuti... Sinasabi nya lage "Ikaw di ka marunong umano sa pagkakamali..." Etc etc.. basta mommy try mo din ipag tanggol sarili mo. Kamo, syempre nag anak kayo db? Responsibilidad nya kayo. Pag d mo pa kaya.. kamo pag lumaki laki.. mag wowork ka.. Kung gusto ka nya pag trabahuin ngaun.. kamo may pang bayad kapa sa yaya na mag aalaga sa anak nyo? Maging mabuting asawa at ama nga sta sa inyo kamo. Kainit ulo e. Kamo mag simba sya. Pra bumait. 🙏
Magbasa paI feel you momshie. Ganyan din ako noon first trimester ko marami kami challenges na hinaharap. Pumapasok padin ako sa work. Naiintindihan ko din ung financial side na snsabi nia but to think ganun pakikitungo nia skin naiiyak ako gabi2. Sinisisi nia sakin pati maliliit na bagay. Napkabilis magalit at mairita. Gang sa di ko na kinaya nagbalot ako at snbi ko ayaw na kita makasama kahit masakit sa dibdib😢. Parang feeling worthless nako. But di niya ko pinabayaan and hinayaan umalis. Binigyan ko ng chance at ngayon awa ng Diyos maayos kami and magkasama hinaharap lahat ng pagsubok. Kaya mo yan mommy. Mag usap po kayo para sa baby na din. Pero if feeling mo di siya magbago or will no treat you right nasa sayo na po yun. ❤❤
Magbasa paalam mo sis ganyan ang lalaki kapag pakiramdam nila eh sobrang mahal mo sila at hindi mo kaya ng wala sila.ngayon,kung wala pa ding pagbabago,ipakita mo na mali sya.na kaya mo kahit wala sya.ituon mo yung atensyon mo at pangarap mo sa anak mo.kayanin mo kahit mahirap.ako sis simula sa unang anak ko ang dami ko ding pinagdaanan.pero pinakita at pinaramdam ko na kaya ko na kahit ako lang.nagkahiwalay kami ng 2yrs.pinagbigyan ko lang ulit at tinanggap para sa mga bata.pero hanggang dito na lang ang ultimatum ko.nagsasakripisyo ako alang-ala sa mga anak ko.set aside na yung pansariling kaligayahan.isa pa ayaw ko ng stress.kung di magbabago eh mag kanya2 na kami.at alam nya yun dahil transparent ako sa kanya.
Magbasa paHi mommy, I'm sorry pinagdadaanan mo 'to and I'm sorry rin if tingin ko sa asawa mo is gago. Sobrang mali ng pinaggagawa niya and mga sinasabi niya ha. Hindi porket siya naguuwi ng pera for the family, may right na siya to treat you that way. Sabihin mo wag siyang astang kupal, pera lang naman ambag niya. Try niya kaya magbuntis at manganak. Palit kayo ng pwesto, tignan natin kung hindi siya masasaktan. Hayaan mo yung sarili mong magalit, mommy. You have every right naman. Sabihan mo siya na hindi maganda yung ganyang ugali sa isang pamilya. I understand he's working to be a good provider for the family pero kung kapalit naman nun is gagaguhin ka niya sa sarili niyong bahay, eh wag na lang.
Magbasa pa😭
Hamunin mo magswitch place kayo mommy. Tingnan ko kung magtagal yan ng isang araw. Sa dami ng mga gawaing bahay tapos sa pag-aalaga sa anak. Akala ata ng asawa mo pasarap buhay lang tayo na mga nanay sa bahay. Kapag ginanyan aq ng asawa ko naku hahamunin ko tlga magswitch place kmi at ako ang magtrabaho. Ano un pasok trabaho, uwi bahay, kain, ligo, tulog at galawin ka ginagawa niya? Bwisit ang mga asawang ganyan. Ndi manlang alam suportahan asawa sa household chores, pati emotionally tinotorture ka.Naku tlga nanggigil n nman aq. Ipagtanggol mo dn sarili mo mommy, mag-asawa kayo, ibig sabihin magkatuwang sa buhay. Good luck po, kaya mo yan.
Magbasa papinagdaanan ko rin yang nararamdaman mo sis. Ang ginawa ko kinausap ko ng maayos si Mister. ipinaliwanag ko na tayong mga mommies lalo na kapag bagong panganak ay dumadaan sa Postpartum Depression. Mahirap talaga ipaliwanag sa mister ang PPD lalo na kung pagod sila lagi sa work (naiintindihan ko rin ang side ng mga daddies lalo na kung toxic or sobrang nakakapagod ang work) mas mabuting mag usap kayo ng maayos at sabihin mo yung nararamdaman mo. Kapag kasi nasa stage ka ng PPD maliit na bagay iniiyakan mo at lagi kang negative sa buhay. I hope malagpasan mo yan sis. lavarn!❤️
Magbasa paFor me mommy, alm na kasi ng partner ko na kapag sobrang inis or galit na ako silent treatment ko sya, as in parang wala akong kasama ganun tapos makakapag isip sya ng problema saka nya ako kakausapin or pipilitin makipag usap after mo sabihin mga gusto mong sabihin and ganyan sagot nya talagang di ko sya iimikan, ang iisipin ko nalang ung baby ko at dpat lang na mag bigay sya di rin naman siguro matitiis nyan kung mahal ka nya. Hayaan mo nalang ituon mo pansin sa anak mo. Feeling ko kasi pag nagbubunganga tayo naririndi sila ang ending tayo pa mali 🙄🙄
Magbasa panormal po sya kase parehas pa kayong naninibago sa sitwasyon, sya kung pano tayo bubuhayin, susustentuhan, gusto nya mkaprovide ng malaki para satin in a way na sinasarili nya lng na ang dating nmn satin akala ntin wala lng sa knya . di nya magetsna mahirap rin ang gnagawa natin sa bahay kase akala nila pa easy easy lng tayo. pero best way is di kayo matutulog na hndi nyo napag uusapan ang mga bagay bagay, kamustahan sa isat isa kape kape together para kalmado ang usapan. smile lng khit nkakainis na sila 😍😍😍♥️♥️♥️😊😊
Magbasa pamasamang kinikimkim yan sis , ilabas mo, kung kaya mong ipa intindi sa kanya ng maayos gawin mo, makipag usap ka ng masinsinan , pero kung wala pa rin pag pa2halaga sayo eh mag isip isip kana po, yung pa po provide na sinasabi nya , madali lng kitain yun , pero yung sakit na ginagawa nya mahirap kalimutan, lapit ka sa pamilya mo or sa kaibigan mo hanap k ng maka2 usap
Magbasa pa😭
may mga ganyan tlgang lalaki porket cla ang nagwowork akala nila wala kn ng silbi...hindi nya npapansin ung pag aalaga mo sa baby at pag aasikaso mo sa knya...wag mo muna kya xa pansinin ung parang hangin lang xa jan sa bahay..wag mong kausapin...dalawa lng yan ,kung mamiss ka nya gaganda na samahan nyo or pag lumala ang sitwasyon..give him space na....
Magbasa pa
First time mom