Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Got a bun in the oven
Naiinis. Normal ba to?
Naiinis ako sa tita ng asawa. Siguro since nanganak ako sobrang gigil nya sa anak ko. Yung tipong pag andyan sa amin tawag tawag ng sa pangalan ng anak ko para pansinin sya e nanahimik sya maglaro tpos pag nainis baby ko kukunin nya agad para buhatin. Tapos yung tipong pag buhat nya parang ayaw nya ipahawak sakin. Naiirita talaga ako pag andyan sya. Kasi no, kaya ko naman sya patulugin kukunin ko, ako na. Sabi nya. Kakahawak ko palang sakanya ipapakuha nya sa iba para daw kumain mu na ko or what para lang diko sya mahawakan. Ano ba naman yun. Tae! Siya may anak sa anak ko. Sya ba nanay? Kung umasta sya parang sya nagdala sa sinapupunan nya ng 9monthssss!!! Naiinis talaga ako skanya. ???
confused!
Mga momssyyyy! Tanong ko lang. Naiexperience nyo rin ba tong nararamdaman ko? Ung feeling na gusto kong magsaya, lumabas ganyan magchill...kaso diko magawa. Yung feeling na diko maiwan si baby. Yung nkokonsensya ako pag iniiwan ko sya sa kama para mkipgkwentuhan o manood ng tv. Yung gusto ko magmall pero gusto ko kasama sya. Yung gusto mo mgbyahe kaso inaalala mo sya kasi feeling ko kawawa nman sya pag ngbyahe kmi. Diko alam. Pinapahirapan ko ba sarili ko?
Emotional Stress. ?
Lagi nalang. Hinde nya ako naiintindihan. Financial lang ba talaga importante. Dahil ba yun ung natutulong nya ako na sa lahat. Paano naman yung physical mental and emotional help na kailangan na kailangan ko. Bawal na ba talaga magdemand sa asawa. Bawal na magdrama sakanya. Na lagi nalang nya pinaparamdam sakin na pabigat ako. Sya naman naiinis na kasi lagi ko nalang iniisip yun. Paano ko hinde iisipin kung yun yung pinaparamdam nya. Masama na ba akong asawa nun? Naiintindihan ko naman sya eh. Lahat ng kailangan nya binibigay ko. Inaasikaso ko sya, pinaglalaba, hinihintay umuwi galing work, ako nag aalaga kay baby lalo na sa gabi para makatulog sya maayos, pag gusto nya pinagbibigyan ko din naman sya sa gusto nya mangyari. Pero paano naman yung gusto ko? ?? bawal na ba magreklamo? Sa tuwing may masasabi akong negative sa nararamdaman ko sasabihin nya nagddrama ako, immature, kung ikaw kaya magtrabaho, buti nga dito pako umuuwi paano pag sa iba kaya ako umuwi?, umuwi muna kayo sainyo, at kung ano anong pang pagsusumbat. Gusto ko man i explain sarili ko wala nako nasasabi, bigla nalang tutulo luha ko. Mananahimik nalang. Pero ang sakit sakit na sa dibdib. Kasi yung taong gusto mong pagsabihan na akala mo iintindi sayo, di ako maintindihan. ??????????
Contraceptive Pills
Mga momshiesss paano po gumamit ng pills? First time mom po ako and going 3months na si baby. Ayaw muna sana namin masundan si baby kaya gusto namin mag birth control by using pills kaso hinde ko alam paano uumpisahan and anong klasing pills yung ginagamit. Help po sa may alam. Thank you in advance. ??
Is this PPD?
Gusto kong alagaan si babyyy. Kaso laging hawak ng mga lola nya. Nakatira kasi ako sa bahay ni husband. And CS ako nung nilabas ko si baby. So yung mga first 3days sguro hirap pako diko mahawakan si baby kasi bawal daw baka mabuksan sugat ko. Pero its been a week okay nako. As in okay na. Kaya na maglakad. Ayaw pa nila ipahawak sakin si baby. Lagi nalang sya nasa baba. Nakakasama ko lang sya pag natutulog sa gabi. Ayaw nila na ako magpaligo sakanya. Baka diko ko pa daw kaya. Pero its been a month na. Hayy. Paano ako matututo kung hinde nila ako hahayaan na hawakan ko yung sarili kong baby? First time mom ako so syempre mas excited pako sakanila. Pero parang sa excite din nila sa baby ko nakalimutan nila na hello! Ako yung mommy nya. Ako dapat mag aalaga sakanya. As in minsan naiinis nako, kakahawak ko palang sakanya umiyak lang ng kaunte kukunin na nila sakin. Yung feeling na nakakainsulto. Parang ako pa nahihiyang humiram sa sarili kong anak. Hayyy! Tapos ngayon nagistart nako magbreastfeed sakanya kasi sabi nga ni husband ko kaya umiiyak si baby sayo everytime hawakan mo sya kasi di nya alam amoy mo kakapump mo para skanya. So ayun nagbreastfeed ako skanya sguro 3days straight sarap sa feeling kasi di sya umiiyak everytime na hawak ko sya yakap ko sya lagi pero bumalik na naman sa dati magsimula kahapon. Hinde ko nanaman sya mahawakan ni mabantayan dahil andito nanaman mga lola nya. Tapos andami pa nila bawal ganyan bawal ganyan. Hayyy. Naiinis ako kung gusto ko solohin si babyy kahit ilang oras kaso diko magawa kasi nakikitira lang ako sakanila. Ano dapat ko gawin? Baby ko sya pero parang wala akong karapatan. ??
Ano pwede gawin para mag aya na si baby lumabas sa tummy ko?
Gusto ko sana isakto sa bday ni Hubby yung panganganak ko next Oct31. Ano mga pwede ko gawin para mapabilis? Due date ko po is Nov10 pa. Hehehe. Pang bday gift kay hubby kabirthday nya si babyyyy. ❤❤❤
Puppp Syndrome- Skin Rashes
Sino po nka experience ng mga ganito? Sobrang kati po nila. And parang nagispread sa buong katawan ko. ? 35weeks preggy here.
Happy
Masaya ako. kuntento ako. sa asawa ko at sa magiging baby namin. cant wait to see her! ❤❤❤
Lactation Cookies
Saan po makakabili ng lactation cookies? pampanga area. meron po ba sa mall?
Saan pwede makabili ng lactation cookies po? pampanga area. meron po ba sa mall?