Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
if you have GOD you have Everything
Gift from GOD!❤
Genhara Serene Balcora EDD via Utz: July 11, 2020 via LMP: July 02, 2020 DOB: June 29, 2020 Thankyou Lord at nakaraos din.💗 Sa mga soon to be mom dyan, lakasan nyo lang loob nyo. Kaya nyo yan!😉
ano po ba ito?
Mga sis/mamsh. Ask ko lang po FTM po ako at 39 weeks na ako. Kaninang umaga hindi naman ako naiihi pero may lumalabas na tubig sa ano ko, pero konti lang at walang amoy. Natatakot ako baka panubigan ko na yun kaso wala naman akong nararamdamang sakit sa tyan or balakang. Baka may naka experience na sa inyo ng ganito? Hanggang ngayon may lumalabas parin na tubig kaso pakonti-konti. Salamat po sa sasagot. Godbless!
Anti Tetanus Vaccine
Mga momsh, ask ko lang po kung pwede manganak sa bahay kahit walang Anti tetanus Vaccine? Dahil sa lockdown hindi na ako nakapag bakuna sa Center namin. Tapos yung mister ko gusto sa bahay lang ako manganak kasi wala kaming pera.? Ayaw naman niya akong pakinggan na need ko talaga ung anti tetanus para safe kami ni baby. Hys! Nahihirapan na ako.
Bleeding?
1st time ko lang po naranas ito, may kasamang dugo ung ihi ko, pero konti lang po as in sa ihi ko lang ung may dugo, wala namang bakas sa panty ko. Natatakot lang ako baka may epekto kay baby or baka may nagawa akong mali. (Hindi naman kami nag do ni hubby, wala din po akong UTI) Baka po may nakaranas na sa inyo mga mamsh at ano po ginawa nyo. Salamat at Godbless po!
Para sa mga chismosa kong kapit bahay.?
Kahapon napadaan ako sa nga chismosa naming kapit bahay, tapos tinanong kung ilang months na tyan ko and then pabulong na sinabing "ang liit". Ha? HAKDOG!? FTM ako, hindi naman ako katabaan noon, tapos ikukumpara nyo ako sa mga nagbuntisan ngayon na hindi pa nga buntis noon e, ang lalaki na ng mga puson.? Hindi porket hindi malaki ang tyan hindi na kagad healthy ang baby. Baka nga pag lumabas ito mas healthy pa sa mga apo nyo e.? Hays! Hindi ko lang kayo mapatulan kasi matatanda na kayo at buntis ako at may respeto ako sa mga katulad nyo na minsan hindi na karespe-respeto.? Inggit lang siguro kayo kaya ang init ng mga mata nyo sa akin.? Buhusan ko kayo ng Zonrox e.
Hanggang Tingin muna
Hello mga momsh! Sino nakakarelate sa akin na hanggang tingin nalang muna sa mga online shop (baby stuff). Bukod kasi sa lockdown, pa lockdown narin ang wallet.??
Share ko lang, dahil na stress ako sa kay Kap at buong Pamilya nila.
Dahil sa sitwasyon ngayon, natural na maghinaing at mapapa "SANA ALL" ka nalang if makakita ka ng isang Kapitan/Kapitana na may malasakit sa kapwa diba? Yung nag comment lang ako sa isang Video na "Sana All" lahat ng kapitan/kapitana kagaya niya, ayun binash na ako ng buong pamilya ng Kapitan sa amin. Haha! Dahil totoo na wala silang galaw, hindi sila ramdam ng mga tao dito, tapos gulity pag may nag post at ipapatawag ka pa sa Brgy para mag sorry kahit wala ka namang ginawang masama at masabing sila ung nakakataas at may kapangyarihan. Alam kong si Lord na ang bahalang gumanti sa ginagawa nila, imbes ja unahin ang Brgy, mas inuuna pa ung hindi naman importanteng bagay. Masaydong mahaba pala. Sorry mga momsh!?
Back Pain
Hi mga mamsh! Im 5 months Pregnant tapos halos everyday lalo na pag matagal akong naka upo laging sumasakit yung likod ko. (Bandang gilid po left side) Sa March 25 pa kasi balik ko kay O.B. Sana po may makasagot. Thankyou in advance and Godbless.?
Byenan
Im 5 months pregnant. Halos 3 months palang tyan ko, sinabihan na ako ng byenan ko na umuwi daw ako sa amin pag nanganak ako and then balik nalang daw ako pag malakas na ako which is nakakasama ng loob. Patay na NANAY ko, tatay at tatlong kuya nalang ang meron ako. Which is paano yun? Ano alam ng mga kuya ko sa pag-aalaga ng bagong silang na bata diba. Nakakasama lang talaga ng loob, dahil parang hindi niya apo yung ipapanganak ko, porket kasabayan kong nabuntis yung hipag ko (kapatid ng asawa ko) mas iyun ung pinapaboran nya. At mabuti sana kung buhay pa yung MAMA ko. Ok lang, kahit hindi nila sabihin uuwi ako sa amin pag nanganak ako. Nakakaawa lang yung asawa ko kasi parang naiipit siya sa amin. Dahil hanggang ngayon pinagseselosan parin ako sa atensyon ng nanay niya.? Shareko lang. Mabigat na masyado e.