CS
Kpag CS ba mga mamsh ilang oras bago hiwain pagka admit sa ospital? Agad agad ba yun? Pano process nun? Salamat sa sasagot . first time mom here ? and scheduled CS ko na today
Share ko lang mamsh ung akin actually di ako kinabahan ung sinbi saken macs ako dahil breech ang position ni baby dapat sa lying in ako manganganak since kulang mga gamit at ndi pwede sa lying in mag operation ng cs kaya need sa ospital talaga after namin sa lying in dumerecho na kme ng ospital siguro 11:30 andun na kme sa ospital pinahiga na ako pinalitan na damit ko tuloy tuloy lang then 12 pinunta na ako sa OR walang kaba kaba ang iniisip ko lang makaraos at nag pray lang ako then lumabas si baby 12:58 pm mabili lang ang matgl lang ung pag tatahi .. And gising na gising ako habang inooperahan 😊 Bawal daw matulog .. Aun ok naman lahat pag lalo ka kaseng kakabahan tataad ung bp mo mas delikado kaya dapat relax lang ang mag pray ng mag pray .. August 2019 ako nangnak 4 months na baby ko ngaun 😊 Kahit anung hirap para sa baby mo lahat kakayanin kaya nkakaproud talaga mga CS mom 😊
Magbasa paScheduled CS din po ako. Kala ko for admission na ko nun dec 11 kaso nun sinend nya sa OB ko, sabi pwede pa naman isched ng 12. (Pinagpipilian kasing date e 11 or 12 kaso nagbanggit kasi ako sa OB ko na 2nd month ng pagkamatay ng mother ko so sabi nya paultrasound ako ng 11 at pa IE, kung okay pa, pwedeng gawin 12.) sinabihan na ko nun OB ko na pumunta ako ng 6 am kaso operation e 11 pala so andun lang ko labor room. Antok na antok pa ko hahaha. Wala na kaen kaen mula 3am onwards. Kaso biglang nagffluctuate na heartbeat ni baby nun mga 10 am so napaaga pa un operation.
Magbasa paAko 4pm pinaadmit ng ob ko kasi 5pm daw nya ko iCS. Pagdating sa hospital fill up ng form sa ER tapos nun dinala na ko agad sa labor room dun na ko sinaksakan ng swero saka check ng heartbeat ni baby saka mga tanong tanong. Pero mga 5:30 saka pa lang dumating si dra sa sobrang traffic samin sinaksakan na ko agad anesthesia tas wala na nakatulog ako agad 😂 5:51pm baby out nakita ko lang sya saglit tas nakatulog na naman ako kasi nahihilo ko na nasusuka. Mga wala pang 6:30 nasa recovery room na ko. Dun lang ako nagtagal. Mga 11 na ko dinala sa private room.
Magbasa paDepende sa situation mo. Ako kasi nung sinend ko sa OB ko yung tracing ng baby ko, tinawagan niya ako after ilang hours na magpunta na ng hospital at emergency na daw ako, supposedly scheduled CS. Inantay ko pa si hubby kasi asa work, asa daan palang ako sabi ng OB ko ako na lang kulang asa operating room na sila. Pagdating ko ng ER kinuhanan lang ako vital signs tapos inakyat na agad ako sa OR. Sa OR, pinagbihis lang ako, sinweruhan tapos anesthesia na. Pero kung scheduled ako dapat admit night before tapos 6 am ang OR.
Magbasa paako po kase nun pagka admit nilagyan agad ako dextrose, chineck heartbeat ni baby saka tinanong kung may alergy ako or history ng sakit sa family then dinala agad ako sa delivery room.. may pinadaan sa dextrose ko na antibiotics.. after nun pinabaluktot na ako para tusukan ng anesthesia yung spine ko.. then tinakpan nila yung half ng body ko na hindi ko makikita after nun siguro mga 30 minutes lang lumabas na baby ko.. then pinatulog na ako.. goodluck po momsh sa panganganak.. kaya nyo yan Godbless
Magbasa paEmergency CS ako. Pagdating ko sa hospital nasa ER muna ko. Inaayos mga gamit ko at ni baby tas nilalagyan ng dextrose. Madami dn tusok ng karayom ginawa saken para ixheck kung magkakaallergy ako sa gamot n ituturok nila. After nun deretso na ko ng OR. Nagfill up kang ako tas nagbihis. Then pinahiga na ko and pinatagilid para sa anesthesia. Mga 30mins operation na nangyari sken. Pero nakalabas ako ng OR after 1 or 2hrs pa. Hinintay lang ako magkamalay ulit sa recovery room
Magbasa paScheduled CS ako. Yung process sa private hospital, pinapunta ako sa emergency then kuha Ng vital signs around 8am.Then after an hour pinalipat na ako sa isang room I don't know anong tawag dun, pinagpalit na ako Ng hospital gown then the nurse shave my ___then nag antay Lang ako Ng mga one hour Kasi hinintay pa Yung OB ko. Nung dumating Yung OB ko and Yung anaesthesiologist sinaksakan na ako around 10am. And 10:33am narinig ko na iyak ni baby ko then pinatulog na ako.
Magbasa paAko kase pagpunta ko ospital fill up at interview muna.. tapos saken hinintay muna kung tataas pa cm at kung kaya ba inormal e ndi kea naECS ako se stuck sa 7cm tapos nauna panubigan at sabi malaki ata ulo ni baby nun.. ayun pagka inject skn anesthesia la nko naramdaman sabi wag matulog e kaso nakatulog ako.. 12nn ako pinasok nun sa OR tapos natapos mga 1:15pm
Magbasa paBoth 2 pregnancy ko, ECS ako. So hindi ko alam pag planned cesarean. Pero sa case ko, saglit lang. Almost 30-40mins nasa delivery room na ko. Sa cutting, 15mins sa panganay ko then 20mins sa bunso ko. After cutting, ipakikiss and hug si baby sayo for ilangminutes then ayun, pinatutulog na ko.nagigising ako sakto lagi na nilalagyan na ko ng paha.
Magbasa paI was admitted at 12 pm at naopera ako around 5 pm, dapat walang food and water intake..madali lang ang proceso from injecting anesthesia wala pang 20 minutes tapos na dadalhin ka na sa recovery room,dun ako nagtagal umabot ako 5 hours bago inilipat sa room ko, hindi ka kasi pwede ilabas sa rec room hanggat d mo kayang iangat ang mga paa mo..
Magbasa pa